Chapter Twenty-one

14.7K 447 7
                                    

"WELL, hello there," sabi ng babae, may accent ng Latina.

"Yes?" sabi ni Daleng at parang biglang na-insecure. Walang makeup ang modelo, pero mas makinis pa ang kutis sa pinakamakinis na bahagi ng katawan niya. Flawless. Simpleng dress na kulay-puti, walang manggas, may butas na hugis-almond mula gitna ng dibdib hanggang puson ang suot ni Sophia. Wala itong bra, pero hindi bulgar ang damit kundi mukhang sosyal na sexy na casual na hindi niya kayang i-explain. Ang buhok nito ay nakaladlad, parang ni hindi nagsuklay at inaagapan lang ng isang pares ng sunglasses para hindi bumagsak sa mukha nito. Kung pisikal ang pag-uusapan, laos na laos siya.

"I came to talk to you."

"Me?"

"Yes. Please come." Naglakad ang modelo papunta sa pintuan ng apartment ni Taylor at pinindot ang kombinasyon ng alarm. Alam nito! Ngumiti ang babae, saka sinabi, "It's our anniversary. Well, our secret anniversary. The day when we... oh, you know."

Mas naiintindihan ni Daleng magsalita ang babae dahil wala itong slang at may pagkakatulad sa isang Filipino ang diction. Naintindihan din niya ang gusto nitong sabihin, kung anong klaseng anibersaryo ang kombinasyon.

Sa sandaling iyon, naisip ni Daleng na magmatapang, mang-away kung kinakailangan. Pero mabilis din niyang naisip na para saan? Heto nga at ni hindi binago ni Taylor ang numero ng alarm at kinuha ang babae para maging face ng brand nito. Sino ba ang niloloko niya? Extra siya sa lahat ng iyon at alam niya. Umasa lang siya. Siguro, naging mabait lang si Taylor. Mabait na sira-ulo! Mas gusto niya iyong walang boladas, tutal naman ang usapan ay usapan.

"Tell me," sabi niya nang matapos na ang lahat.

"Let's come inside." Nauna nang pumasok si Sophia.

Sumunod si Daleng at naupo sa sofa.

Naupo si Sophia sa tapat niya. "Me and Taylor go a long way. We had our differences, but now we want to be together again. But you are in the way. Is there anything I can do for you to leave us be?"

Napaismid si Daleng. "Why are you talking to me? Talk to Taylor to talk to me."

"I already have. But we all know how kind and nice he is. He cannot tell you, especially since he said he knows you have fallen in love with him."

"No. Lie. Tell him to tell me."

"All right. I guess that's it." Tumayo na si Sophia. "Thank you for being understanding." Naglakad na ang babae palabas ng pinto.

Nang wala na ito ay saka dinampot ni Daleng ang isang throw pillow at inihagis sa pinto na parang matatamaan pa ang babae. At kung sakali man, masyadong malambot ang throw pillow para ibato rito.

Nag-empake siya at nang matapos, tinawagan si Taylor.

Sinagot naman ng lalaki ang tawag niya. "I'm really busy at the moment, Maggie. Can we talk later?"

"Aalis ako."

"Saan ka pupunta?"

"Magbabakasyon ako sa Atlantic City."

"That's great. Do you need someone to take you there?"

"Hindi. Kaya ko na."

"All right. Message me when you get there."

Tinapos na ni Daleng ang tawag at nagmamaktol na lumabas. Madali na niyang na-Google kung paano makakarating sa destinasyon. Mayroong mga bus na deretso mula New York hanggang sa Atlantic City. Bumiyahe na siya.

Nang makarating doon ay nagpa-book si Daleng gamit ang extension card na ibinigay ni Taylor. Tutal noon pa nito sinasabing gumastos siya, itotodo na niya.

NANG makapag-check in, bumaba si Daleng ng hotel kung saan may casino. Halos wala siya sa sarili. Kung puwede lang umiyak, pero magmumukha naman siyang tanga. Um-order siya ng inumin at naupo sa tapat ng slot machine. Hindi siya marunong na gumamit niyon, kahit may mga kuwento na rin siyang naririnig dati mula sa isang tindera sa palengke na nalulong sa casino. Mayroon siyang cash kaya pinanood niya ang aleng katabi kung paano ito maglaro.

"Are you new, child?" tanong ng matanda, ngumiti sa kanya.

Tumango si Daleng. "I don't know how, ma'am."

"Well, you get a casino card, put some money in it, and use it."

"How much is the card?"

"Well, you can put as little as you want. I personally put just twenty dollars to mine and use it on penny machines. But this one right here needs more than a penny, dear."

Kumuha si Daleng ng card, wala sa loob dahil hati ang isip. Inikot niya ang casino at nalula sa tayaan at bilis ng pera sa mga mesa kaya nagbalik siya sa puwesto kanina sa tabi ng mabait na ale.

"You got your card, dear? Is this your first time?"

"Yes, ma'am."

"Do you believe in beginner's luck? Well, try it."

Bakit nga ba hindi niya gastahin ang pera ni Taylor? Ipinasok na ni Daleng ang card sa slot machine. Pinindot na niya ang buton at anong pagkabigla nang umilaw iyon, tumunog nang malakas, sabay sigaw ng kanyang katabi.

"You won! You won!"

"Ha?" Napahawak siya sa bibig. "Really? No joking?"

"Yes!"

May lumapit sa kanyang dalawang naka-amerikanang lalaki, mga tauhan ng casino at sinabing nanalo nga raw siya ng jackpot. Congratulations daw. May dumating na technician na nag-verify ng kanyang panalo, saka siya inanyayahan sa opisina ng casino. Nanalo raw siya ng one hundred fifty thousand dollars. Nanghingi ang mga ito ng ID at ipinakita naman ni Daleng ang kanyang passport. Kailangan daw niyang bayaran ang twenty-eight percent na tax dahil isa siyang turista. Oo na lang nang oo si Daleng dahil natutuliro pa rin siya.

Nag-issue sa kanya ng tseke ang manager at sinabing may complimentary room daw siya sa casino. Nagpasalamat siya at tumango, hindi makapaniwala.

Bumalik na si Daleng sa kuwarto, tulala pa rin. Ano ba ang nangyari? Bakit ganoon? Tinitigan niya ang tseke. Totoo iyon.

Kung naiba-iba ang sitwasyon, tinawagan na niya si Taylor para ibalita ang lahat. Pero malinaw pa rin sa kanya ang usapan nila kanina ni Sophia. Bigla siyang napa-internet na naman kahit ayaw na sana niya. At doon, kabi-kabila ang mga balita tungkol sa nalalapit na launch. Parang surprise pa ang paglabas ni Sophia bilang isa sa mga mukha ng brand ni Taylor.

Kabi-kabila na ang promotion ng produkto. Kahit ang mismong product launch ay kakaiba raw. May ipapalabas na video at kung ano-ano pa. Malamang na bidang-bidang talaga si Sophia.

Nag-iisip lang si Daleng kung ano ang tamang gawin. Sa huli, parang mas gusto niyang bumalik na lang sa simpleng buhay nilang pamilya. Kung maghihiwalay sila ni Taylor, babawiin nito ang pera. Wala naman siyang maibibigay. Natigilan siya at mabilis na inabot ang cell phone. Nag-compute siya kung magkano ang perang napanalunan. Sobra pa sa limang milyong bigay ni Taylor!

"O, Diyos ko," sabi ni Daleng. Napatingin siya sa itaas, naitanong kung tulong ba iyon ng Diyos, isang sign. Sign na dapat na niyang talikuran ang lahat. Kung hindi pa naman siya mamulat sa malaking sampal na sign, hindi na niya alam. Siguro, ang sabi ng Maykapal, nagkamali siya at ibinenta ang kanyang moral, pero hayun ang biyaya ng diyos para maitama niya ang pagkakamali. Anong mas malaking sign pa ang hihingin niya kung isinampal na sa kanyang mukha dahil ang tagal niyang nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan?

Napahagulhol siya bigla, parang tinitiris ang puso. "Sorry, Lord..." bulong niya.

Pusong Mamon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon