10: Breaking News

854 47 0
                                    

***

"Paano namang nag-viral yun?" nagtataka ako pero hindi siya nakasagot agad, biglang may lumutang sa isipan ko.. May mga nagvideo pala sa'min doon sa incident, hindi ko rin naman alam na may maguupload pa nun!

"Oo nga pala! May mga nagvideo sa amin doon" dugtong ko pa, kanina pa kaming natigilang dalawa, pero lumapit sa amin yung Yaya niya

"A-anong meron 'nak?" tumingin siya kay Nikka pero hindi siya sinagot nito, hindi pa rin ata siya makaget over sabay pinatingin nalang ni Nikka yung video sa Yaya nila at tumango nalang siya sabay umalis at umakyat.

"Tara na nga!" pagiiba ko ng usapan sabay hinawakan ko yung pulsohan ni Nikka at pinaupo ko na siya sa Sofa

"Alam mo, may reporting pa tayo sa Monday kaya magfocus na ulit tayo." nagpaliwanag ako kay Nikka sabay kinuha ko yung cellphone niya at ipinatong ko ito sa lamesa saka binigay ko na yung script namin at topic about sa report

Naeenjoy ko din naman ang topic ng reporting namin dahil patungkol ito sa current events na nangyayari sa Pilipinas ngayon. Nakakahilo man ang reporting na ito para samin, okay lang dahil naeenjoy naman namin at interesado din kami.

Kung hindi mo naeenjoy ang ginagawa mo, hindi mo magagawa ng maayos ang isang bagay at kailangan mo magfocus para maging successful ka once na i-present mo ito, Darcy Tips 101.

"Smoothie nga pala oh" biglang hinatiran kami ng Yaya ni Nikka ng smoothie at ipinatong ito sa lamesa

"Thank you po" nagthank you ako sabay tumango siya at ngumiti sa akin, ang bait talaga ng yaya ni Nikka, kahit hindi mo inutusan, magkukusa na siya and she's very caring lalo na kay Nikka. Hope na sana makita ko na rin si Mama at Papa.

"Bakit malungot ka Darcy?" ibinaba ko yung papel na binabasa ko

"May naaalala lang ako" nagpumilit akong ngumiti at ibinaling ko muli yung atensyon ko sa pagbabasa ng script ng report namin

Ilang oras na naman ang lumipas, tapos na kami sa pagbabasa at pagmememorize ng script para sa reporting namin sa monday, nandito kami ngayon sa Terrace, nagpapahangin

Natatanaw rin namin ang dahan-dahan na paglubog ng araw, kasabay ng pagyakap sa amin ng sariwang hangin. Kumukuha pa nga ng shots si Nikka gamit ang DSLR cam niya mula dito sa Terrace and it was astoundingly beautiful. Feeling ko magiging photographer din si Nikka

She also took a timelapse of sunset, mamaya pa siguro matatapos kasi hindi pa completely lubog ang araw.

"Ang sarap sa feeling na tawagin kang anak no?" nagsalita ako kahit hindi kami nag-eye contact, nananatili kaming nakatingin sa buong siyudad kasabay ng ihip ng hangin na bumabalot sa'min, sa wakas tapos na ang nakakabinging katahimikan

"Oo naman, kahit busy lagi sa trabaho ang parents ko, may family time pa rin naman kami" sumagot siya habang kumukuha siya ng shots sa Camera niya

"Nasaan ba ang parents mo Nikka?"

"Nasa business trip sila ngayon sa Singapore" nakangiting sagot ni Nikka habang naririnig ko yung camera shutter "Ikaw?" napatingin ako sa kanya ng seryoso habang abala pa rin siya sa pagkuha ng shots

"Ahmm.. hindi ko alam eh, pero ang alam ko lang ay nasa ibang bansa sila ngayon.." aniya ko sabay tumingin nalang sa kalangitan sabay may mga ibon na sabay sabay lumilipad at tila hugis puso ito

"Wag kang sumuko, darating din ang panahon kung saan magkikita na kayo, alam kong tadhana ang tutupad non para sainyo" napangiti ako bigla sabay niyakap ko ang bestfriend ko

"Sana nga" bumitaw ako at tumungo ako sa duyan sabay humiga habang nakapatong ang ulo ko sa kanan kong braso at nakatingin sa kalangitan

Nandito na kami ngayon sa Living Room at nanonood kami ng Cartoons, parang bumabalik ang pagkabata ko pag nanonood ako ng cartoons, at nakakamiss lang dahil nakasanayan ko ito noong bata pa'ko

"What if magpalit tayo ng damit? Yung onesie, So we can have a little fun?" pangaaya sa akin ni Nikka sabay nakangiti akong tumango sa kanya saka umakyat kami papunta sa kwarto niya at pumili kami ng onesie.

Napili ko ay Unicorn na Onesie, pumasok ako agad sa Dressing Room upang magpalit, ano kaya ang pinili ni Nikka? Hindi ko kasi napansin yung napili niya dahil tinakpan niya ito.

Pagkatapos kong magpalit inantay ko na si Nikka na lumabas sa Dressing Room at suot niya yung Cat na Onesie

"Ang cute naman!" nagreact siya agad sa napili kong unicorn habang ako ay pilit na nakangiti

"What's wrong?" napakunot agad ang noo ni Nikka "Ahh!" alam niya na ata kung bakit kaya pumili siya ulit ng Onesie at tinakpan ito saka bumalik ng Dressing Room

"Matchy matchy!" nakangiting sabi niya nang makalabas siya ng Dressing Room at napangiti din ako

"Tara na!" hinatak ako ni Nikka papalabas ng kwarto niya sabay bumalik kami ng Living Room at tumapat kami sa malaking salamin

"We both look gorgeous huh" aniya, umanggulo si Nikka sabay kumuha siya ng picture namin na nasa harap ng salamin


Malalim na ang gabi at umalis na rin ang Yaya ni Nikka, naiwan tuloy kaming dalawa ni Nikka sa bahay nila, nakakatakot na tuloy, gusto ko kasi marami kami sa iisang bahay kasama ang buong pamilya.

"Ano nga pala ang pangalan ng Yaya niyo" naitanong ko lang bigla kay Nikka habang sabay kaming naglalakad  sa hagdan

"Carol.. Carol ang pangalan niya" she glanced at me, smiling.

"Ahh" tumango ako sabay pumasok na kami sa kwarto niya

Ilang minuto ang lumipas binuksan niya yung TV sa kwarto sabay nagflash agad yung news report

"Si Steve ba 'yan?" napatakip ng bibig si Nikka nang makita niya si Steve na nasa TV na

Hindi na rin ako makapaniwala ngayon na totoo nga ang lahat. Nasa Breaking News na siya ngayon ng CCN.

***

End of Chapter 10

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon