42: Clueless

66 6 2
                                    


Steve's POV

1 Week Later...

"It's time for dinner!" malakas na bati ni Auntie na abala sa paghahanda ng hapunan. Isa-isa niyang dinadala ang mga pagkain sa hapag-kainan.

"Ground Turkey Skillet with Green Beans, Auntie?" sabi ko nang makasalubong ko si Auntie dala-dala ang oval plate na may pagkain.

Nakangiting tumango si Auntie "Oo, ito talaga ang pagkain na pang-dinner!".

Kinuha ko naman ang platong dala-dala ni Auntie saka dumiretso ako sa mesa. Natanaw ko naman sina Mama at Papa na pumasok sa bahay at patuloy sila sa pag-uusap.

Nang magtagpo ang mata namin ni Mama agad naman itong lumapit sa akin "Pumunta pala kayo ng Dad mo sa Superclub noong nakaraang linggo ha!".

"Uhh, apparently. Ayaw pa nga sana ipaalam sa'yo ni Dad." utal kong sabi.

"Well, hindi naman sa Dad mo nanggaling. Actually si Marie ang nagsabi.. Anyways, let's eat!"

Isa-isa naman silang dumiretso sa hapag-kainan habang ako'y natulala ng saglit at napaisip "Sino si Marie?".

Hinatak naman ako ni Dad patungo sa lamesa, "If you're thinking who's Marie, think of the girl na lumapit sa'yo. It was her. Hindi ko nga alam na may kakilala ang Mom mo sa superclub. Hindi kaya pumupunta din siya doon?" bulong ni Dad sa akin, ngumisi naman ito. "Shh"

Nakangiti itong tumungo sa kabisera ng lamesa saka umupo, nagpipigil ng tawa.

Nang makaupo na ang lahat sa 8-seater dining table, sinimulan ko na magdasal. Ito ang palagi naming ginagawa bago kumain bilang pasasalamat.

Hindi pa tapos ang hapunan nang may magdoor bell. Sinalubong naman ito ni Dad. "It must be Jeffree."

"Sino 'yon, Ma?" natanaw ko ang Jeffree na sinabi ni Dad at ineescortan ito ni Dad patungo ng bahay. "Good Evening po!" maligayang bati nito sa amin. Napansin ko na hindi diretso ang pagkakasabi nito marahil siya ay taga ibang bansa at nag-aaral lamang ng wikang tagalog.

Matangkad ang lalaking kasama ni Dad, nakasuot ito ng formal wear at may dala-dala itong papeles at laptop. "He really looks like an European guy.." bulong ni Anastacia sa akin, anak ni Auntie.

"Crush mo?" tinapik ako ng malakas ni Anastacia nang mapalakas ang aking sabi. "Ang ingay mo masyado! Bwiset ka!" nagpeace sign ako saka binalin ko ulit ang aking atensiyon sa pagkain.

Mahilig sa mga dayuhan si Anastacia, kung hindi sa kano, sa mga taga-Europe naman. May katangkaran si Anastacia, 5'7 ang height niya to be exact. Hindi pa din siya nagkakaroon ng boyfriend sa ganda niyang 'yan dahil lagi niya binabasted yung mga lalaking nagkakagusto sa kaniya. Bakit? Dahil mas maliit ito sa kaniya.

Dinala naman ni Dad si Jeffree sa Home Office ni Dad. Mukhang mahalaga ang kanilang pag-uusapan.

"Couz, alam mo ba nagpaplano na sila na mag-migrate tayo sa US? Isn't it scrumptious? Mas madami na akong makikitang kano!" she looks so happy. Parang nasa cloud nine!

I stopped for a minute. "Nope, it's a bad news for me? Kailan pa ba sila nagpaplano?" lumapit pa ng kaunti sa akin si Anastacia saka bumulong. "It's been over a week! Sandali, bakit parang hindi ka masaya?" pagtataka nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon