21: Threat

464 24 4
                                    


Now Playing: Love Someone - Lukas Graham

[ A/N ] "Read Bonus Chapter First before reading this chapter. Maaari pong maligaw kayo sa storyline kapag hindi niyo binasa ang Bonus Chapter, Thank You."

——

Weeks Passed.

"Steve! Hindi ka dapat naglalasing ng ganito!" nag-aalalang sabi ni Darcy habang inaalog niya ang nanlalatang katawan ni Steve na amoy alak na at lasing pa.

Hindi sanay nakikita ni Darcy si Steve na naglalasing ito kaya naninibago siya kay Steve ngunit naalala niya na namatay na pala ang kapatid niya na si Carlie.

Inintindi niya nalang ito ngunit pinipigilan pa rin ni Darcy na maglasing pa ito ng maglasing.
"It's too much, Steve. Magpahinga kana. I-uuwi kita.." nag-aalalang tono ni Darcy habang sinusubukang buhatin si Steve.

Nanatiling mabigat ang katawan ni Steve hanggang sa mapadapa si Darcy sa katawan niya saka ngumisi ito "Are you playing with me?" tumingin ng diretso si Darcy sa berdeng mata ni Steve na parang nakikipaglaro lang saka niya ito sinamaan ng tingin.

"No..no.. honey. I'm not playing with you.." wika nito sa mapang-akit na tono sabay ngumisi at bigla namang napatigil ang dalaga nang bumaligtad ang kanilang posisyon. Si Steve naman ang nasa taas at si Darcy naman ang nasa baba.

'Is Steve calling me Honey, what the hell?' nanginit naman ang pisngi ng dalaga nang tinawag ito ng endearment 'No.. no.. he's drunk, there's no meaning in it..' ipinilig niya ang kaniyang ulo at pilit niyang alisin sa isip ang sinabi ni Steve sa kaniya.

Lalong nanigas sa posisyon si Darcy nang hinigpitan ni Steve ang paghawak nito sa kaniyang pulsohan "Sinusubukan mo ba ang kakayahan ko, Steve?" diretsong tinignan ni Darcy ang binata sa mata, nanlilisik at matalim ang tingin nito ngunit ni-ngisihan lamang siya ng binata kaya nabwiset ito.

"Hindi ako nagbibiro." matapang na sabi ni Darcy sabay nagpumilit na pumiglas sa makapit na pagkahawak sa kaniya ni Steve ngunit bigo itong pumiglas.

"Let me go! Kung ayaw mo umalis, uuwi ako mag-isa. Bahala ka sa buhay mo!" iritadong sabi ng dalaga sabay nagpumiglas muli ngunit hindi niya ito kinaya sa higpit ng pagkahawak sa kaniyang pulsohan.

Muli niyang tinignan ang berdeng mata ni Steve na nakatitig rin sa kaniya at sinamaan niya ito ng tingin ngunit nginisihan lamang siya nito. Naguguluhan ang dalaga kung lasing ba talaga si Steve dahil sa mga inaasal nito.

"I won't let you go because I love you." wika nito sa mapang-akit na tono at lumapit pa ito ng husto sa mukha ng dalaga at halos magtagpo na ang kanilang ilong sa sobrang lapit.

Nararamdaman ng dalaga ang paghinga ni Steve at hindi na nito alam ang gagawin dahil halos tumigil na ang mundo niya sa mga sinabi ni Steve sa kaniya.

Muli nitong ipinilg ang ulo, she refused to believe what Steve had said to her, alam niyang lasing si Steve ngunit naguguluhan pa rin siya dahil mukhang sincere itong sinabi ng binata sa kaniya.

"You're drunk!" pasigaw na wika ni Darcy kay Steve, iniisip pa rin nito na walang meaning ang lahat dahil sa alam niyang lasing si Steve.

"Nah, admit it. Kinilig ka" nakangising wika ni Steve habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Darcy at lalo pa niya itong ningisihan kaya lalong naasar ang dalaga sa kaniya.

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon