23: Retaliate

578 27 4
                                    

Now Playing: Bon Bon Chocolat - EVERGLOW

**

"Sino po si Daphne?" nabuo ang pagtataka ni Darcy sa kanyang isip.

"Si. D-daphne? Ah! Kapatid niya si Dylan." utal na sabi ni Melissa. Napansin ni Darcy na may pagsisinungaling sa mga mata ni Melissa ngunit hindi na nagsalita pa si Darcy. Tumango nalang ito.

"Hindi ka ba natutuwa na bumalik na ang Mommy mo?" nagtatampong sabi ni Melissa, diretso niyang tinignan si Darcy. Mata sa mata.

"Natutuwa naman po, h-hindi lang po ako sanay."

"Oh. It's fine." nakangiting sabi ni Melissa "Masasanay ka rin."

"Madam, Veronica is calling." ipinabatid ni Dylan na tumatawag si Veronica sa kaniya.

"Don't answer. Block her." tumango naman si Dylan "Okay Maam." tugon nito.

"I've already blocked her tas ngayon, sayo naman siya tumatawag? Desperate."

"Hindi kaya may sumusunod sa'tin? Yung cadillac na sasakyan, kulay red." nagduda na si Melissa sa sasakyang nakasunod sa kanila.

"Kinuha ko na po ang plate number."
"Veronica is following us, Maam" wika ni Dylan habang nakatingin sa phone. Natrace nila ang plate number kasama sa information na nakuha ni Dylan ang may ari ng sasakyan kaya mabilis niyang nalaman na si Veronica ang sumusunod sa kanila.

"Pakibilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan, Ivy." tumango naman si Ivy, ngumiti pa ito sa rear mirror.

"She keeps following us. Ivy, ibaba mo ako sa Finley Street." utos ni Melissa, mabilis na ipinark ni Ivy ang sasakyan sa harap ng isang establisimiyento.

Dahan-dahan lumabas si Melissa sa sasakyan at hinarap si Veronica.

Pinark lamang ni Veronica ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada, mabilis rin itong bumaba sa kaniyang sasakyan.

"I'm so sorry Melissa. I wasn't able to control my temper earlier. I promise, I will never do that again." isinara ni Melissa ang sasakyan saka dinala si Veronica sa dulo ng parking lot.

"I've already cancelled our partnership, wala ka ng makukuha sa akin Veronica."

"Please, Melissa. Gusto mo ba luluhod ako sa harap mo? Fine." luluhod na sana si Veronica pero pinigilan ito ni Melissa "Kahit naman lumuhod ka hindi mo na mababago ang desisyon ko. Useless."

"Ano bang gusto mo ipagawa sa akin para hindi mo i-cancel ang partnership?"

"No."

"Kahit anong gawin mo, kahit magpasagasa ka pa, hindi mo na mababago ang desisyon ko. It's Over."

"Please Melissa. Kayo nalang ni Hector ang magsasalba sa palubog na business namin ni Malcolm."

"When I said No, NO!" nilayasan na ni Melissa si Veronica pero pinigilan pa rin siya nito na umalis.

"I don't want to be violent, Veronica. Wag mo akong pupunuin." nagpipigil sa galit si Melissa.

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon