40: Confession

43 3 0
                                    


Operation: Make Him Jealous

———

Steve's POV

Flashback Chapter:

"Lose her or lose us? What will you choose?" kinausap ko ni Mamá sa'king kwarto. Nang siya'y pumasok, ako'y umupo ng pormal sa'king Couch at diretsong tinignan ang bawat galaw ni Mamá.

Magkaharap kami sa isang living room set ng aking kwarto. Naka-crossarms ito kasabay ng kaniyang matatalim na sulyap sa akin.

"Answer me." naka-taas ang kabilang kilay niya. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang kalimutan ko si Darcy. Magkasalungat sina Papa at Mama sa kani-kanilang plano sa akin ngayon kami ay muling nagtagpo.

Kung saan ako masaya doon ako, 'yun ang nais sa'kin ni Papa. Kung ano na ang nasimulan ko ngayon, ituloy ko and he'll guide me.

Kailangan ko na simulan magfocus sa Modeling Career ko ngayong madami na ang brands na gusto kumuha sa akin. I didn't know about that until sinabi sa akin nito ni Mama. Kaya kailangan kong hiwalayan si Darcy para hindi siya makaabala at maging progressive ang aking Career dahil maaari niya akong ipagkasundo sa iba, yun naman ang nais sa akin ni Mama. Hindi na rin ako magtatagal sa University dahil i-hohomeschool ako ni Mama.

Isn't that bad? Gusto ko ipagpatuloy ang normal na buhay ko ngayon. I am more than contented with that. I have plans for myself at pinaghahandaan ko pa lang 'yun. Bakit hindi nalang ako i-guide ni Mama gaya ng gustong gawin sa akin ni Papa?

"I will not lose anything." diretso kong sinagot si Mama. I promised myself not to lose someone. Ayoko na bumalik sa nakaraan kung saan nawala ang Adoptive Family ko.

It still haunts me. Ayoko na maulit yun. Ang mga alaala na 'yon ay nananatiling nakasulat sa'king isipan. Sa tuwing pumipikit ako, patagal ng patagal lagi kong naalala ang mga masasayang pangyayari sa'king buhay na kasama ko sila. Pero mas nangingibabaw sa'king isipan ang mga masasakit na alaala habang kasama ko sila. Nandoon pa din yung sakit kahit lumipas na.

Kung hindi namuo ang pagseselos, inggit, galit, hindi sana mauuwi ang lahat ng bagay sa trahedya, hindi sana sila mawawala.

"So paninindigan mo pa din si Darcy, after all?" tumango ako. Why not?

Napailing naman si Mamá at napapilantik pa ito. "You're really hardheaded, Steve. Ganiyan ka ba pinalaki ng mga adoptive parents mo?" that was very offensive. Hindi nila ako pinalaki ng ganu'n.

"Don't ever say that again, Mama. Pinalaki nila ako ng matino, hindi nila ako sinasakal, hindi nila ako pinipilit, kinokontrol, hindi gaya ng ginagawa mo sa'kin ngayon." giit ko, huwag na huwag niyang huhusgahan ang paraan ng pagpapalaki nila sa akin. Malaki ang isinakripisyo nila sa'kin kahit hindi nila ako kadugo.

"Oh I see." nakataas pa din ang kabilang kilay ni Mama, umirap ito sabay huminga ng malalim. I guess, she sighed in defeat. Tama naman ako, my life became suffocating noong dumating siya sa buhay ko. I'm not saying that I wan't to lose my mother again, pero sana'y maintindihan niya ako at suportahan nalang ako sa mga nasimulan ko.

I'm old enough to know the tracks I'm going through, sigurado akong tama ang tinatahak ko ngayon. I just need their support and their light to guide me wherever I go.

"Pinalaki ka pala nila ng matino, pero hindi mo magawang sumusunod sa akin. 'Yun na ba ang bagong definition ng matino?" kinuha ni Mama ang isang maliit na unan na nakapatong lamang sa Couch saka niyakap niya ito.

Napalunok ako sa mga sinabi niya. I may lose her kung pananatilihin kong matigas ang ulo ko sa kaniya. I won't let that happen.

But how about Darcy, paano nalang kung mawalay ko siya? Hindi naman ako magiging masaya sa Modeling Career na tatahakin ko kung wala na siya.

Maybe we should take a vacation, somewhere in the Philippines. I want to be with her. Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang kami magsasama kung ganito ang desisyon ni Mama para sa akin.

H'wag lang siya niya akong pauuwiin sa US.

"Steve, I need your final decision. It's either of the two. Lose Darcy, or Lose Us. Choose Wisely." ibinalik naman ni Mama ang unan na kaniyang yakap kanina mula sa pinaglagyan nito. "You better not lose us." pahabol ni Mama bago ito naglakad palabas ng kwarto ko, rinig ko pa ang yapak ng kaniyang stilletos pati ang pagsara ng pinto.

Napatayo ako sa'king couch at pagod na pagod kong ibinagsak ang aking sarili sa'king king-sized bed. Hindi ko namalayan na nakatitig lamang ako sa kisame ng ilang minuto.

Ibinaling ko naman ang sarili ko sa'king phone. Ito ang picture namin ni Darcy noon sa party kung saan naganap ang plano na pagselosin namin si Liam. Kung saan muntik na mabagsakan si Darcy ng Chandelier.

Naalala ko ang letter na iniwan sa akin ni Carlie sa'king bedside table sa dating bahay namin. Nilalaman nito ang lahat ng confessions niya ngunit hindi ko ito binasa dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Bumangon ako saka lumapit sa'king bedside table at kinuha ang confession letter ni Carlie. Ano kaya ang laman nito?

This is my confession letter for you, Kuya.

Ngayon ko lang nalaman na tinawag niya akong Kuya. Never pa niya akong tinawag na Kuya, eversince.

Ako ang nais na magpabagsak ng Chandelier kay Darcy. I wanted her to have speech in front of the guests to fulfill my plan. I didn't know that there is someone going to save her. She somehow managed to survived.

Si Aaron naman ang nagpadala ng patay na daga sa Condo Unit niyo. You're with Darcy that time, right? The next event happened, may itim na car ang nagaapproach papunta sa inyo. It should be Darcy, siya sana ang nasagasaan not you, Kuya. But then, you're a savior. Mahal mo siya kaya hinayaan mo ang sarili mo na masaktan just to save her own life.

It was Aaron who planned that. Hindi ko inasahan na titindi ang galit ko sa inyo. I know he manipulated me. Later on, I realized mali na ang tinatahak ko. Pero nangyari na ang lahat. Alam ko na hindi na ako magtatagal sa mundo na ito kaya isinulat ko na ang Confession Letter na ito, nagbabakasakali na mapapatawad mo pa ako sa huli.

Kung hindi namayani ang galit sa puso ko, kung hindi ako nakinig sa mga plano ni Mama at Papa sa pamilya ni Darcy, pati na din sa mga plano ni Aaron. Buhay sana ako, living my life to the fullest. But then, huli na ang lahat. But I still thank you, Kuya. Alam kong galit ka pa rin sa akin, pero sana mapatawad mo pa din ako. Maghihintay ako. Kahit kailan pa yan, haha. - Carlelelei ^^

——

[A/N]

Bilang nalang ang mga Chapters, what do you think about the finale? Is it happy ending or nah? Don't worry, I am planning on book 2, actually may plot na pero secret kung ano 'yun. (saka hindi ko din matapos-tapos dahil pinag-iisipan ko talaga siya ng mabuti). May bida-kontrabida doon saka more plot twists. Wahahah abangan niyo!!

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon