11: Nightmare

843 48 0
                                    

***

11PM na pala, hindi ko namalayan.

Kanina pa kasi kami abala ni Nikka sa pagbabasa ng report namin saka script, hindi rin kami inaantok kaya nagbasa nalang kami ng report habang nakabukas yung TV

Sumandal ako sa higaan sabay ipinatong ko yung mga papel sa Bedside table saka kinuha ko yung cellphone ko.

Ang daming mga post na nasa news feed, at may mga memes din, what!?

Hindi ko alam kung paano nagwidespread yung incident, kinabahan tuloy ako bigla dahil kilala na ako ng mga tao. Grr!

Inilapag ko muli yung phone ko sa Bedside Table sabay kinuha ko ulit yung mga papel para sa reporting namin.

"Tara nga saglit, dalhin mo yung mga papel" bigla akong hinablot ni Nikka sabay napatayo nalang ako at napilitan na sumunod sa kanya papunta sa Terrace ng Kwarto niya.

Ang lawak ng terrace nila, may study table pa doon sa bandang kaliwa at makikita mo rin ang buong siyudad mula dito. Hindi ko alam kung ilang terrace ang mayroon dito sa bahay ni Nikka.

"Dito tayo magaral para mas refreshing" ay may ganon pala. Sabagay tama naman siya, refreshing dito dahil sariwang hangin ang sasalubong sayo.

Iniwan namin yung TV at lights sa kwarto na nakabukas, hindi ba't sayang kuryente nila? Nevermind.

Inilatag ko yung mga papel sa Study Table sabay binasa ko ito isa-isa.

"May kukunin lang ako saglit" nagpaalam si Nikka sabay tumango nalang ako at ibinaling ko yung atensyon ko sa pagbabasa netong report

Ilang minuto ang lumipas, may dalang DSLR camera si Nikka kasama yung Ipad niya sabay umupo siya sa harapan ko at inilahad niya yung Ipad niya sa akin

"Cool, right?" tinanong ako ni Nikka about doon sa timelapse footage na video na nandito sa Ipad and I strongly agree. Napatango ako ng bigla.

Ibinigay ko yung Ipad niya sabay binigay niya naman yung DSLR camera at tinignan ko isa isa yung mga pictures ng sunset.

"Profession mo din pala ang photography Nikka?" I learned something about her. Ilang years na kaming magkaibigan pero ngayon ko lang nalaman na hilig niya rin ang photography. Seems a little bit off huh.

"Sorry If I haven't tell you na hilig ko rin ang photography. Now you know, isa pa naimpluwensiyahan din naman ako ng Tito kong Photographer"

"Ahh-" na-aamaze kong sabi. "Okay let's focus na" aniya sabay binigay ko na yung Camera at nagbasa na kami ulit ng article

Hours passed at 1AM na, pero hindi pa rin kami natutulog, hindi manlang ako nagyayawn eh.

"Inaantok ka na ba?" napatanong ako bigla kay Nikka habang nagbabasa siya ng article

"Nah, Ano kaya oras tayong magigising bukas, hmm?"

"Paano kaya kung.. 1PM?" her eyes widened at natigilan siya sa pagbabasa ng article, bakit 1PM kasi ang nasabi ko. Grr.

"That's absurd, what about 5PM?" Nanlaki din yung mga mata ko, what!? 1PM is better. Feeling ko tuloy ang tamad kong tao

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon