18: One Week

479 30 0
                                    

Now Playing: Rewrite the Stars - James Arthur ft. Anne Marie

"Marami pwedeng mangyari sa isang Linggo."

**

Muling nagring ang phone ni Steve at marahang tinignan ito at inalam kung sino ang tumatawag

Tita Miranda calling...

"Steve? Are you sure about your decision?"

Natahimik ng ilang segundo si Steve. Naisip niya ang mga taong iiwanan niya, inisip niya na baka masaktan sila dahil sa biglaan niyang pag-alis sa bansa.

"No.. Hindi pwedeng umalis ng bansa si Steve.. I can't" wika ni Darcy sa kaniyang sarili habang nakikinig kay Steve. Lingid sa alam ni Steve na gising ang dalaga at nakikinig ito sa kaniya. Nais mang gumawa ng aksyon si Darcy ngunit nagpanggap muna itong tulog.

Napatingin si Steve kay Darcy at inusisa ang dalaga kung mahimbing ang tulog nito ngunit wala namang pagdududang naganap.

"I.. I don't know, sa oras na nakikita ko si Darcy.. Hindi ko alam kung kaya ko siyang iwan.." napahinga ng malalim ang binata at muling tinignan si Darcy ng may pag-aalinlangan "Siya nalang ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis ng bansa.." dugtong ng binata

"Then you must think first. Think about your friends, family.. Hindi mo alam kung gano mo sila masasaktan kapag bigla ka nalang lumisan."

Natahimik ang binata ng sandali at napahinga ng malalim

"Pero nabago lahat 'yon nang malaman ko na gusto na pala akong layuan ni Darcy.. I.. I don't know why kung bakit ako nasasaktan ako ng ganito.."

"I don't blame her for the accident. I blame myself for loving her. I'm so into her." dugtong ng binata

"I understand that you're in pain, but staying away is not the best thing to do. You have One Week to decide and fix everything. If you're unable to do it, then I won't let you leave Philippines"

"One Week?! How?" Steve exclaimed

"Hindi ka pa nga na-discharge sa Hospital, how can you leave the country? Bringing your dextross? Your hospital bed on the plane?" Steve chuckled

"Think about it. Isa pa you need to recover from your injuries, hindi naman maghihilom basta-basta yan, and I gave you One Week to decide and fix everything, alright? May meeting pa ako, Goodbye" ibinaba na ni Miranda ang telepono.

"Iiwan mo na kami?" pagbaba ng telepono ni Steve, agad na bumungad ang tanong ni Darcy sa binata.

"G-gising ka? Narinig mo ang buong usapan?" utal-utal na wika ng binata, akala nito ay natutulog ang dalaga ngunit nakikinig pala ito sa usapan nila ni Miranda.

"Oo.. at kaya ko lang naman gustong lumayo kasi ayaw kitang masaktan, pero mali pala ako."

Agad na bumangon ang binata at niyakap si Darcy "Hindi na ako aalis ng bansa.. para sayo.. basta h'wag mo na akong lalayuan ha?" ngumisi naman si Steve

Napangiti naman ang dalaga "Oo. Hindi na.. Alam ko rin na ako ang dahilan kung bakit ka naaksidente. Sorry"

"No.. no.. I should blame myself for this. Napamahal ako sayo, sobra. It turned out na kailangan kong uminom ng alak para lang makalimutan ko ang sakit na naramdaman ko."

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon