36: Goodbye and Hello

47 7 2
                                    


Operation: Make Him Jealous

Now Playing: FANCY - Twice

—————

Darcy's POV

"Mag-iingat ka Steve!" nakangiti kong sabi sa kaniya, nagpipigil akong maiyak dahil alam kong babalik pa siya. Sinasabi ko din sa sarili ko na wala akong dapat ikalungkot para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

Nang mailagay na ni Steve ang kaniyang mga maleta sa likod ng SUV, akala ko tutungo na ito sa kaniyang sasakyan at aalis na ngunit lumiko siya patungo sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Babalik ako, promise." lalo pa akong niyakap ni Steve ng mahigpit.

"Tutuparin ko 'yun." bumitaw naman siya sa yakap saka tinignan niya ako direkta sa'king mga mata. "Mamimiss kita."

Muli akong niyakap ni Steve "Last na."

"Hintayin mo ako ah, babalik ako. Sorry na kung paulit-ulit." nakangising sabi ni Steve. "Kailangan ko ng umalis, baka mainip si Kuya Bobby."

"Sige." hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Bago niya pa akong muling masulyapan, pinunasan ko na agad yung luha ko. Ayokong makita niya akong nalulungkot.

Nang makapasok na siya sa sasakyan, binaba niya ang bintana, nakita ko rin na humingi pa siya ng ilang saglit sa kaniyang driver para makausap ako.

"H'wag mong kakalimutan yung mga sinabi ko sa'yo, Okay?" kumindat pa si Steve bago niya isinara ang bintana.

Muli nang umabante ang kanilang sasakyan hanggang makalayo na ito sa kinatatayuan ko ngayon.

Agad namang napukaw ang atensiyon ko nang masulyapan ko ang kotseng pula na patungo sa direksyon ko at binubusinahan pako nito. Natanaw ko ang windshield ng sasakyan saka nalaman ko na sina Mama at Papa na nakasakay doon.

Tumigil naman ang sasakyan sa'king harap at saka bumaba si Mamá.

"Darcy." nag-angat ako ng tingin kay Mama.

"Darcy, kailangan natin magpasukat ng evening gown. May pupuntahan tayo." at saan naman kami pupunta?

"Sige po." tugon ko, nagtungo naman ako sa backseat ng sasakyan saka umupo.

"Naiinip ka na ba?" liningon ako ni Dad.

"Hindi naman, Pa." sagot ko, pero ang totoo nababagot na ako dahil wala akong ginagawa sa biyahe namin. Nakasandal lamang ako sa tabi ng bintana, tinitignan ko ang kapaligiran.

"Good." nag-thumbs up pa si Papa.

"By the way, mag-browse ka ng gusto mong suotin na evening gown. Piliin mo na yung the best, marami ang pupunta sa gathering."

"Sigurado ako na marami pang wealthy families ang aattend doon dahil isa 'yong Society Ball. Ang sabi ng organizer, required tayo na magsuot ng elegant masks, dahil ang theme ng Ball ay Masquerade." sabi ni Mamá.

"Saan gaganapin ang Ball, Mamá?" tanong ko.

"Sa Eastside City." tugon ni Mama.

Napatango ako. Isang beses pa lang ako nakakapunta sa Eastside City, masasabi kong napakaganda doon dahil marami kang makikita na magagandang tanawin. Mararamdaman mo rin na para kang nasa ibang bansa dahil sa sobrang linis at sobrang advance ng teknolohiya doon.

Na-excite tuloy ako sa Ball na magaganap.

Nahihirapan akong makapili ng evening gown na susuotin dahil lahat ng nasa list ay magaganda. Lahat dito ay nanaisin mong suotin isa-isa dahil sa magandang disenyo at texture ng gowns.

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon