8: Gunshot

1K 58 3
                                    


***

Liam

"Liam?" natigilan ako sa pagkain nang magsalita si Bianca

"Umuwi na kaya tayo?" bigla niyang inayos yung bag niya and she stood up

"Akala ko ba we'll stay here till 7?" napakunot nalang ang noo ko

"I changed my mind.." she sighed at inilagay niya na yung bag niya sa kanyang likuran, ang gulo naman niya

Ang gulo talaga ng mga babae.

I thought na magtatagal pa kami dito, hindi dahil sa gusto ko siyang makasama, ayoko lang talagang umuwi ng bahay ngayon, mainit na naman ang ulo sa akin ni Dad

I heavily sighed, nakakunot pa rin ang noo ko habang inaayos ko na rin yung bag ko "Tara na" I stood up

"Dito na muna pala tayo" she looks unsure, umupo siya ulit. Parang may bumabagabag sa kaniya, ang gulo naman niya.

"Ano ba talaga?"

"Bakit naman salubong ang kilay mo? I just changed my mind" umupo nalang ako ulit

I heavily sighed once again. I grabbed the fork and continued eating that Mango Graham Cake

She stared at me na parang may problema pero hindi ko nalang pinansin, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon.

Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid, agad rin namang nagpanic ang mga tao, sino ba naman ang gusto maputukan?

She panicked, lahat ng mga tao dito nagpanic, parang malapit lang dito ang pinangyarihan ng pamamaril

"Bianca! Cover!" inakbayan ko siya at binalot ko ang sarili ko sa kanya nang umalingawngaw ang putok ng baril at nangingibabaw pa ito

Muling umalingawngaw ang putok ng baril kaya mas lalo kaming nabahala

Napahiyaw nalang si Bianca at ramdam kong nanginginig siya "Everything will be alright, calm down" I whispered to her

Everyone in this Cafe is panicking, they're running, some people are hiding under the table and covering their head with their arms, ganun din naman ako

Ilang minuto na ang lumipas at wala na ding umalingawngaw na putok ng baril pero may naririnig na akong sirena ng pulis

Kumalma na ang mga tao dito at ang iba naman ay nakasilip sa Glass Window "Stay here" binilinan ko si Bianca at tumungo ako sa Glass Window

"Darcy" namilog ang mata ko nang makita ko si Darcy na nakatalungko at nakacover din ang braso niya sa kanyang ulo, she looks scared, she looks traumatized..

"This can't happen" I stormed out pero natigilan ako nang may humablot sa akin "Dito ka lang please, I feel unsafe"

"K-kailangan niya ako, k-kailangan ako ni Darcy ngayon" utal kong sabi, I am literally sweating right now

I stormed out again pero pinigilan na naman ako ni Bianca "Steve can handle this, dito ka lang" tinignan ko muli ang Glass Window, hindi ako makapaniwala

Namamalikmata lang ba ako?

Kasama nga siya sa Incident!

Steve

"I-itigil mo 'yan Aaron" dahan-dahan akong lumalapit sa kanya habang siya ay nakatingin sa akin ng seryoso

I need to stop him, alam kong hindi niya alam ang ginagawa niya ngayon!

I forcefully grabbed the gun from him

May malakas na pagputok ng baril ang agad na umalingawngaw nang agawin ko yung baril sa kaniya, fuck! I didn't meant to shoot him!

Tumumba si Aaron, biglang bumilis yung tibok ng puso ko "Na-nabaril ko siya! Nabaril ko si Aaron!" nabitawan ko yung baril at napaluhod

Tinignan ko si Darcy ng sandali, hindi rin siya makapaniwala sa nagawa ko

Patawarin mo ako Darcy, hindi ko sadyang mabaril siya..

Nakita ko yung mga pulis na lumapit sa akin pero hindi nila ako pinosasan sa halip iniakbay nung dalawang pulis si Aaron patungo sa Mobile

May yumakap sa akin mula sa likod "Hindi mo siya binaril, ang mga pulis ang bumaril sa kanya" humarap ako kay Darcy

"H-huh?" di ko maintindihan ang mga sinasabi niya, ako ang bumaril sa kanya, ako ang huling nakahawak ng baril

"Hindi siya patay h'wag kang magalala, isa pa. Hindi ikaw ang nakabaril, nagkataong binaril na rin ng pulis yung lalaki nang mahawakan mo na ang baril" tila nabunutan nako ng tinik sa'king dibdib

"Ayos ka lang ba?" hinawi ko ang buhok ni Darcy sa kanyang maamong mukha 

Niyakap ko siya "Hindi ko na alam ang gagawin ko pag mawawala ka pa"

"Darcy!"

"Steve!"

Nakarinig kaming dalawa na pamilyar na boses saka lumapit siya sa amin

"Bes!" si Nikka pala 'yon, tumakbo siya patungo kay Darcy saka niyakap niya ito

Muli na namang may tumawag sa akin

"I have to take this call" nagpaalam ako sa kanila at tumungo sa malayo kung saan hindi gaanong kaingay

[Steve? Nauna na kami ng Mom mo, saan ka ba nanggaling? Maybe we can pick you up!"]

"Don't mind me Dad, Susunod nalang ako sa inyo. Traffic kasi dito sa Main Road"

["Are you sure?"]

"Yes, Dad, Saang hotel nga pala tayo magkikita kita?"

["Sa Clifford Hotel, malapit lang sa Terranova Airport, okay?"]

"Sure Dad" Ibinaba ko na ang call at tumungo ako pabalik kala Darcy

--

***

"Steve, before you go. I just want to say thank you that you saved my life from harm. Hindi ko alam na dadating ka para tulungan ako. Thank you kasi nagrisk ka para sa'kin. I can't thank you a million times pero I am really thankful sa ginawa mo" hindi napigilan ang emosyon ni Darcy at niyakap niya ako ng mahigpit.

She hugged me tightly at ginantihan ko din siya ng yakap

"Siya nga pala, gusto ko sana ibigay sayo ito"

Inabot ko sa kaniya yung necklace at sinuot ko sa kaniya. Alam kong nagustuhan niya ang necklace at hindi niya maialis ang kaniyang tingin sa kumikinang kinang na necklace

"Thank you.." nakangiti niyang sabi sabay niyakap niya ako ulit

"You're welcome.."

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon