33: Past is Past

57 7 1
                                    


Operation: Make Him Jealous

Now Playing: Cold Water - Major Lazer feat. Justin Bieber.

"Apo, ilang taon na akong umaasa na magkakaisa muli ang pamilya natin. Mabuti ay bumalik kana." sabi ni Ernest. Hindi nito maipaliwanag ang saya na makapiling muli ang kaniyang apo.

Ilang taon na rin ang nakakalipas nang magkaroon ng malaking pag-aaway sa kanilang pamilya, dahilan na para sila ay maghiwa-hiwalay.

Mayroong tatlong anak na lalaki at isang babae sina Ernest at Victoria. Sina Malcolm, Ford, Evren at si Miranda.

Ang asawa nina Malcolm at Ford ay nangunguna sa pagaagawan sa yaman nina Ernest at Victoria.

Ang pamilya ni Evren Chavez ay nakatira na sa Japan habang ang pamilya ni Miranda ay nakatira naman sa U.S.A.

Maraming taon na umasa sina Ernest at Victoria na maaayos ang gulo sa kanilang pamilya ngunit lalo pang lumala ang lahat nang halos magpatayan na ang dalawang pamilya, nagsisiraan, patutsadahan hanggang sa hindi na kinaya ni Victoria, inatake ito sa puso at hindi nagtagal siya ay yumao.

"Papa? Don't tell me, magdadala ka ng hindi natin kakilala sa mansion na ito?" lumabas si Valentina.

Siya ang asawa ni Ford, siya ang halos pumatay kay Veronica noon. Malaki ang nabago sa pagkatao ni Veronica dahil sa kaniya.

Naalala ni Steve ang nangyari sa Aurora, habang sila ay nagbabakasyon magpamilya. Sila ay tinambangan nina ni Valentina. Binaril niya si Veronica ng maraming beses, mabuti ay nakaligtas ito ngunit ang alaala na 'yon ay hindi nila makakalimutan.

Ang pagnanais ni Veronica sa paghihiganti ang nagpasama sa pagkatao nito. Lahat ng maaaring tumiwalag sa kaniya ay hindi niya titigilan hangga't hindi pa siya nakukuntento. Tulad ng nangyari sa pagitan niya at nina Melissa.

Ngunit ang pagkasabik niya sa paghihiganti ang kumitil sa buhay niya.

Nandilim ang mata ni Steve kay Valentina, kumuyom ang kaniyang mga kamao saka sinugod si Valentina at sinapak ito.

"Steve! Valentina! Gulo na naman ba ito?!" natatarantang sigaw ni Ernest. Rumesponde naman ang ilang mga guwardiya at napigilan nila si Steve.

"Look how violent your grandson, Papa." dinuro ni Valentina si Steve, nakahawak ito sa kaniyang labi na nagdurugo dahil sa suntok ni Steve.

"Kulang pa 'yan e. Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng gulo sa pamilyang ito! Kulang na kulang 'yan!" pilit na lumapit si Steve kay Valentina at dinuro niya ito. Pinipigilan naman siya ng mga guwardiya dahil baka makasakit pa ito muli.

"Natandaan mo ba ang nangyari sa Aurora? Yung pinagbabaril mo si Mama habang nagbabakasyon kami?" pilit na lumapit si Steve kay Valentina para ipamukha sa kaniya ang nagawa nito.

"Swerte mo nga hindi ka nakulong ng matagal dahil napiyansahan ka. Ngayon, hindi ka na makukulong dahil sa impyerno na bagsak mo!"

"Hindi alam ni Lolo Ernest yun! Bakit? Dahil natatakot kami na baka atakihin din siya sa puso gaya ng nangyari kay Lola Victoria. Walang kaalam alam si Lolo Ernest na muntik na pala mamatay si Mama sa kagagawan mo." lumapit si Steve kay Ernest.

Sinulyapan ni Steve si Ernest at nakita niya na unti-unti na nito narerealize ang lahat.

Pumunta si Steve sa Ilocos para alamin kung sino ang kaniyang mga magulang ngunit naging ungkatan ito ng kanilang nakaraan.

Dahan-dahang lumapit si Ernest kay Valentina. Habang si Valentina ay kinakabahan dahil baka hindi na siya paniwalaan muli nito.

Dati na rin kinampihan ni Ernest si Valentina dahil sa akala na siya ang tama.

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon