13: Reunited

655 41 0
                                    

***

Song: thank u, next - Ariana Grande

**

Someone's POV

"Hanggang dito ba naman, susundan mo pa rin ako?" tinarayan ko siya, sinusumpong na naman ako ng katarayan ko.

"Alangan, nasa isang plane tayo eh?" pilosopo niyang sabi kaya dahil don napatayo ako at humarap sa kanya

"Dahil sayo, ang pangit ko na, tignan mo yung make-up ko!" ipinakita ko sa kanya yung mukha kong na-hulas na.

"You're still beautiful, ano ba ang akala mo?" He chuckled, bigla namang gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi niya pero totoo nga ba? Baka niloloko lang ako ni Feeling Gentleman na'to!

"Talaga?" bigla siyang natawa kaya napilitan akong lumabas ng Airplane Seat ko sabay tinapik ko siya ng malakas sa kanyang malaking braso. Ang ganda sana ng pangangatawan, pangit naman ng ugali, pwe.

"Niloloko mo ba ako?" I lowered down my voice sabay dinuro ko siya

"Nagpaloko ka naman?" Arrgh! Nakakabwisit talaga! Ayoko na. Ang galing talaga mang-asar netong feeling gentleman na ito.

Nilayasan ko siya at kita ko pa rin sa kanya na nakatawa sabay nagmadali akong pumasok ng CR para tanggalin na yung make-up ko.

Ang gwapo niya sobra, his eyes were fascinating, ang kapal pa ng kilay niya sabay ang tangos ng ilong at may kissable lips. Ang ganda rin ng kanyang pangangatawan, his biceps were so big sabay matangkad pa kaso nakakabwisit talaga siya. Ang galing mang-asar!

Nagmadali na akong lumabas ng cr pero biglang may sumalubong na matangkad na lalaki sa harapan ko, muntik na kaming magkabungguan!

Si Feeling Gentleman! Argh!

He stared at me, hindi ko alam pero bakit niya ako naaakit, kailangan kong mainis sa kanya para lubayan niya ako, hay nako! He's so damn attractive pano ko kaya 'to ireresist

"Kung sa akala mong gusto kita, FYI, Hindi kita gusto, Actually may Boyfriend na kaya ako" nagtaray ako sa kanya sabay nagcross arms ako. Then he chuckled at me. I lied at him na may boyfriend ako para mainis siya ng konti, mukha naman siyang single eh.

"I have a girlfriend too! I'm in a relationship, U-uwi na ako ng Philippines para makipag-reunite sa kanya and her family"

"Ano?" May Girlfriend na pala siya! Ang sakit naman nun. Akala ko single siya. Bigla tuloy bumigat yung pakiramdam ko, dapat hindi ako nagtaray sa kanya eh.

"Bakit lumungkot ka bigla?" he asked me sabay nakayuko akong umalis sa kanya pero pinigilan niya ako sabay inabutan niya ako ng panyo, umiiyak ba ako?

Hindi ko tinanggap yung panyo pero tumakbo nalang ako sa Airplane Seat ko, hindi naman ako umiiyak bakit niya ako binigyan ng panyo, nangaasar talaga!

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin pero hindi naman talaga ako lumuluha pero nalungkot ako bigla. Inincline ko na yung seat ko sabay nagsuot ako ng eyemask

Hindi naman talaga ako matutulog pero gusto ko lang i-labas yung lungkot ko ng sandali pagkatapos naman ng flight dito hindi na kami magkikita muli.

"Umaga pa lang bakit ka matutulog?" bigla kong narinig yung boses niya

"I can do whatever I want, Leave me alone" tinarayan ko siya sabay bumalikwas ako

"So Gusto mo talaga ako no?" narinig ko na naman siya na nagsalita, hindi pa rin ba siya umaalis sa Seat ko? Aish!

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon