5: Serious Matter

1.4K 79 1
                                    

****

Darcy's POV

"Makikipagbalikan ka!?" galit na sabi ni Nikka habang sinasamaan niya ng tingin si Nikka "Sa tingin mo ganun lang kadali sa kaniya yung ginawa mo?" dugtong pa niya

"Makikipagbalikan ka tapos sasaktan mo ulit, Hindi ginawa ang mga babae para paglaruan o saktan, ginawa sila para mahalin"
banat ni Steve kay Liam habang tinitignan niya ng masama si Liam, ano ba kasi nakain ni Liam.

"Kung sa tingin mo makikipagbalikan din ako sayo, pwes hindi na, hindi na ako magpapakatanga, hindi na ako papayag na lolokohin mo pa ako" galit na sabi ko kay Liam at sinamaan ko rin siya ng tingin, parang gago makikipagbalikan daw, wag ako Liam.

Sa totoo lang, nasaktan ako pero kailangan ko ipamukha sa kaniya na wala na yung dating Darcy. Alam kong naging maganda ang turing niya sa akin nung nagstay ako sa bahay nila pero hindi ko makakalimutan yung sinabi niya sa akin nung naihatid niya na ako sa Condo

Masakit man na gawin ito sa kaniya pero he needs to suffer. Hindi ganon kadaling magmoveon sa taong minahal mo ng sobra sobra

Minsan matatakot ka nalang magmahal kasi pag minahal mo ng husto ang isang tao, baka sa isang iglap iiwan ka din at mas masasaktan ka lalo

Hinatak ko na silang dalawa papalayo pero si Steve hindi nagpahatak sa halip bumalik siya at lumapit kay Liam, gulo na naman ba ito!?

"Akin na si Darcy, Ikaw napakamalas mo kasi si Bianca pa ang mas pinili mo" pinagtaasan ng boses ni Steve si Liam na nakayuko, pahiya siya sa aming tatlo pero etong si Steve sinugod pa, tsk!

Hindi ko nakikala si Steve ngayon. Iba siya magalit.

Tumingala si Liam at tinignan niya ng masama si Steve, ganun din ang ginawa ni Steve saka kinuha bigla ni Liam yung kwelyo ni Steve at sinuntok si Steve

"Bilang ganti na rin sa ginawa mo sa'kin!" pinagtaasan din ng boses ni Liam si Steve at muli pa itong sinuntok pero etong si Steve hindi nagpatalo at sinuntok din si Liam.

"Tama na! Tama na!" pinagtaasan ko silang dalawa ng boses at pinigilan ko na silang magsuntukan pa, nagmumukha tuloy akong referee dito, "Ikaw!" sinamaan ko ng tingin si Steve "Ikaw din!" sinamaan ko ng tingin si Liam.

Hinatak ko na si Steve papalayo kay Liam at nagawa niya pa ulit lumingon kay Liam para mangasar, hay nako. Tsk!

Nandito kami ngayon sa Benches. dito sa School Open Ground, mapuno kasi dito at makakapagpahangin ka pa, hindi muna kami uuwi dahil may dadaanan pa kami.

"Kapal ng mukha ni Liam, makikipagbalikan daw ang haliparot sayo, hell no!" galit na sabi ni Nikka, parang siya pa tong mas nasaktan pero okay lang kasi kaibigan ko naman siya, natural lang na magaalala para sa'kin yan.

"Psh, pabayaan mo nalang yun, pinagtitripan lang naman tayo nun—" sabi ko habang binubuksan ko na yung sandwich ko. Huhu masakit talaga pero I have to do this.

"Pinagtitripan, eh seryosong seryoso kanina... nevermind!" nakapout na sabi ni Nikka sabay kinagat niya na yung burger na binili namin kanina sa Cafeteria

"Saan nga ba tayo pupunta Steve?" may naalala kasi ako, ang sabi ni Steve may pupuntahan kami kaya naitanong ko na din sa kanya ngayon. Nabitin ako kanina kasi hindi niya nasagot yungg tanong ko, psh

"Sa Starbucks, may gagawin tayo" biglang napakunot yung noo ko. anong gagawin namin, na-gm tuloy ako, ano ba! Pero ang seryoso niya nung sabi niya na sa starbucks kami pupunta. Ibigsabihin, serious matter ang gagawin namin doon, pero sige.

"Anong gagawin niyo? Hindi ba ako kasama jan?" napatigil sa pagkain si Nikka at nagpout

"Diba may alis kayo ng Tita mo?" tanong ko kay Nikka, may sinabi kasi siya sa amin kanina ni Steve nung bumibili pa kami sa Cafeteria

"Ay oo nga pala, bali hindi na ako magtatagal dito ah, mamaya kasi aalis na kami" wika ni Nikka

*****

Liam's POV

"Tsk, wrong move!" puno ng galit yung nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun kanina napakatanga ko.

Sinuntok ko yung pader, wala na akong paki kung masasaktan ako kahit magdugo pa ang kamao ko, ang mahalaga nailalabas yung galit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ko talaga ginawa yun, isa talaga akong nakapagago, sobra na akong pinapawisan ngayon, pakiramdam ko namumula ako. Napahiya tuloy ako sa kanilang tatlo.

Umupo ako ng saglit at kinuha ko yung wallet ko at tinignan ko yung mga pictures namin ni Darcy, hinalikan ko ito "Pangako, maiintindihan mo ang lahat, hindi man ngayon, pero pangako, maiintindihan mo"

Tinanggal ko na yung mga pictures namin ni Darcy sa wallet ko dahil sa bawat oras na nakikita ko 'yun, nasasaktan lang ako. Hindi ko kayang punitin o itapon, itatago ko ito, kailangan ko ito.

"A-anong problema Liam? Ano yang picture na yan?" Bianca pouted at me, gusto niyang makita yung pictures namin ni Darcy pero no! Sentimental ito para sa'kin baka punitin niya lang at itapon.

"P-pictures natin" nakatingala kong sabi kay Bianca habang dahan dahan kong ibinubulsa yung pictures namin ni Darcy

"That's sweet" sabi ni Bianca at niyakap ako ng mahigpit pero inalis ko ito agad, nagpout siya sa'kin pero wala akong paki sa nararamdaman niya ngayon. Ang mahalaga si Darcy.

Naalala ko lang na pupunta pala kami ni Bianca sa Starbucks, alam ito ni Papa kaya kailangan kong samahan si Bianca or else magsusumbong siya kay Papa. Bianca needs my company right now. Hindi ko naman ito ginagawa para sa kanya kundi sa mga magulang ko.

Hinatak ko na si Bianca sa ayaw at sa gusto niya at tumungo kami sa kotse ko at nagdrive ako papuntang Starbucks, kinukulit ako ni Bianca sa kotse kanina pero naaalibadbaran ako sa kanya, I don't feel comfortable with her kaya mamatay-matay siya kakapout sa akin kanina. Sorry to disappoint you pero hindi talaga kita gusto

Bumaba na ako sa kotse pero si Bianca nananatiling nakaupo, baka gusto niya pang pagbuksan ko siya, tsk!

Hinantay ko nalang siya lumabas ng kotse kahit tinitignan niya na ako tapos nainip siya at nagkusang lumabas magisa. Akala niya siguro magiging gentleman ako sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas at nakapagorder na kami ni Bianca, pansin ko lang na madami ditong mga estudyanteng tumatambay upang mag-aral. Parang kami lang ata ni Bianca ang kakaiba dahil nakapang uniform kami pero nagmumukha kaming nagdedate. Wait.

Mayroon pang estudyante dito na mukha ding nagdedate, wait.

Darcy and Steve!?

****

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon