16: Realizations

647 38 8
                                    

Now Playing: Sa Ngalan Ng Pag-ibig - December Avenue

***

3rd Person POV

Napatigil si Nikka sa paglalakad nang matanaw niya si Darcy sa view deck na mag-isa at tila malalim ang iniisip nito.

Hating-gabi na ngunit nakakapagtaka dahil maya-maya lamang ay aalis na sila pero nananatiling naroon si Darcy.

Nais samahan ni Nikka si Darcy roon at damayan kung may lungkot man siyang nararamdaman

Tumungo siya sa isang bilog na lamesa na nakabalot sa Purple na tela at nagsalin ng juice saka patagong tumungo si Nikka sa view deck. Nag-ingat din siya sa paglalakad dahil baka matapilok ito. 5" ang kaniyang heels at mahaba rin ang kaniyang gown kaya naging maingat ito sa kaniyang aksyon.

Marahan itong naglakad patungo sa view deck at pinakinggan kung ano ang binubulong ni Darcy sa kaniyang sarili

"I just realized na ang pinaka best way na gawin ay layuan ko nalang si Steve,  it is not for me, it is for all of us. To avoid pain, to avoid heartbreaks isn't it?" bulong nito sa kaniyang sarili habang nakatingin sa malayo.

Tila pinapractice-an niya kung pano niya sasabihin ito kay Nikka kahit na may mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Madalas ding nagsasabi ng problema sina Darcy at Nikka sa isa't isa ngunit hindi alam ni Darcy kung maiintindihan siya ni Nikka sa oras na sinabi niya ito.

Pinagmamasdan niya ang paggalaw ng ulap sa kalaliman ng gabi at ang mga bituin na kumikinang sa kalawakan. Malamig din ang simoy ng hangin na siyang bumabalot sa kaniyang katawan.

Nasanay na rin niyang kausapin ang kaniyang sarili dahil alam niyang sarili lang din naman niya ang makakaintindi sa nararamdaman niya.

Hindi niya alam pano sasabihin ito kay Nikka ngunit huli na ang lahat nang sumambulat si Nikka sa tabi ni Darcy at narinig pala ang bulong nito dulot ng nakakabinging katahimikan

"What do you mean?" naka-akimbo pa ito nang tumambad sa tabi ni Darcy at may hawak pang juice. Hindi na rin napigilang magsalita ni Nikka dahil labis na na-intriga ito sa kaniyang narinig kay Darcy

Ilang araw niya na itong iniisip pero ngayon lang siya naglakas loob na gawin ito, ilang araw na rin siyang hindi makatulog dahil sa kaniyang matinding desisyon.

Tanging pagiwas nalang ang alam na  paraan ni Darcy para hindi niya magawa kay Steve ang ginawa ni Liam sa kaniya.

"Why?" napatigil sa pagsimsim si Nikka ng Juice at hinintay magsalita si Darcy

"Dahil ayokong masaktan ko siya, ayokong umasa lang siya sa akin para sa wala. Ayokong makasakit ng tao tulad ng ginawa ni Liam sa akin" umawang naman ang labi ni Nikka at napatigil sa pagsimsim ng juice. It was an eye-opener for her. Hindi nga naiintindihan ni Nikka ang punto ni Darcy

"Bakit ka lalayo? Mas lalo siyang masasaktan niyan" aniya

"Atleast hindi ko siya mapapaasa, at alam kong may rason ako kung bakit ko siya kailangang layuan" sagot ni Darcy habang nakatingin sa malayo

"The best way to do is to explain him na lalayuan mo siya atleast aware siya, malay mo maintindihan ka pa niya"
muling sumimsim ng juice si Nikka habang nakatingin ito kay Darcy at nagaabang ng sagot ngunit hindi pa rin humaharap si Darcy sa kaniya

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon