41: Superclub

67 8 2
                                    


Operation: Make Him Jealous

Flashback Chapter:

—-

NANG MATAPOS ko ang Confession Letter na isinulat ni Carlie, napansin kong may pilas ito. Hindi ko alam kung nasaan ang natitirang parte nito kaya ito'y aking hinanap sa bedside table.

Aking nabatid na napilas ko pala ang papel nang isinara ko ang drawer, sumama ang natitirang bahagi ng papel kaya naiwan ito sa loob ng lalagyan.

Tinuloy ko ang pagbabasa ng Confession Letter ni Carlie. Sa unang parte na aking nabasa, halo-halo ang emosyon ang aking nadarama. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, malungkot o magalit. Kasi alam kong pinagsisisihan niya na ang mga nagawa niya sa akin pero nasasaktan pa din ako dahil hindi ko alam kung anong mali ang nagawa ko sa kaniya para magudyok na gawin niya ang mga bagay na 'yon sa akin.

Itinabi ko muna ang unang parte ng Confession Letter sa gilid ng lampshade. Sumandal ako sa aking mga unan at sinimulan ko naman basahin ang ikalawang parte ng letter. Ano kaya ang nilalaman nito?

Ay! Nakalimutan ko, nilagdaan ko na agad yung letter! Wag kang maiinip ah? Kaunti nalang naman ang mga sasabihin ko sa'yo.

Sana kapag nawala na ako, dalaw-dalawin mo pa din kami sa puntod namin nila Mama at Papa ha? Kahit hindi undas, puwede bang dalawin mo kami? Mag-iwan ka sana ng flower, yung tulip sana. Sorry na kung masyadong demanding! Paborito kasi namin nina Mama ang tulip.

Bakit alam niyang mamamatay na siya? Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya noong isinusulat pa lamang niya ang letter na ito.

Tapos na ang mga gulo, Kuya. Wala na kami. Mabuti hindi mo sinunod sina Mama at Papa sa mga plano nila. Baka matulad ka sa kapalaran namin. Sina Mama at Papa wala na tapos ako? Ito, alanganin na ang buhay. Ni-hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako magtatagal sa mundo na ito. Gusto ko pa naman sana tumira sa Eastside dahil sa magagandang tanawin at sariwang hangin kaso mukhang hindi na mangyayari 'yun.

Basta ah, h'wag mong kakalimutan yung mga ibinilin ko sa'yo. Mag-iingat ka, sana makilala mo na ang mga tunay mong mga magulang. Gagabayan ka namin sa bagong landas na tatahakin mo. Thank you and Goodbye, Kuya.

- Carlelelei ^-^

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha mula sa'king mata patungo sa papel. Dali-dali kong itinabi ang confession letter sa bedside table saka pinunasan ang aking luha gamit ang makapal kong kumot.

Binawasan ko ang mga unan na nasa'king likuran saka inihiga ko ang aking sarili. Hindi ko na naman namalayan na ilang minuto pala  akong nakatitig sa kisame ng aking kwarto.

I took a deep breath bago ko ibinangon muli ang aking sarili mula sa'king kama saka nagmamadaling dumiretso sa balcony. Ramdam ko pa din ang bigat ng aking katawan habang naglalakad ako palabas ng aking kwarto.

Hindi ko alam kung saan nagmula ang kapaguran ko na ito. Maybe, I should take a rest. Pero, hindi dito sa bahay. All I see here is negative things. Fear about losing someone at pressure coming from my family.

I suddenly remembered the taste of wine. Kaso, hindi pa tapos ang pagpapagawa ng Wine Cellar sa Ground Floor pati ang wine na binili ni Dad mula pa sa Italy ay hindi pa din dumadating sa Pilipinas.

Hindi ko na din gusto pumunta ng bar para lang uminom dahil sa nangyaring aksidente. Hindi ko pa rin magawang makalimutan ang aksidente na 'yun. I'm starting to have fear driving my car kaso hindi ko naman maiwasan ito kaya sobrang maingat na ako magdrive. I guess, bibili nalang ako ng Wine sa Supermarket.

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon