6: Moment

1.2K 66 2
                                    


Darcy's PoV

"Nakikita mo ba kung sino yung dalawang nasa likuran natin, hmm" sabi ni Steve, tinignan ko naman yung dalawang tao sa likuran namin pero wala naman akong napansing kakaiba

"Oh? Bakit wala kang reaksyon na nasa likuran natin sila?" salubong ang kilay ni Steve, ano ba ang tinutukoy niya?

Muli kong tinignan yung dalawang tao na nasa likuran ko, Oo nga no, nandito rin pala yung haliparot. Sina Liam at Bianca, psh!

Tinignan ko ng seryoso si Steve "Paano mo naman nalaman na nandito sila?"

"Ha, Coincidence lang yun. Hindi ko rin naman inasahan na dito rin pala sila pupunta saka paano ko naman malalaman eh wala na akong contact sa kanila" hininaan lang naming dalawa yung boses namin, baka marinig pa kami nung dalawa.

"Bakit nga ba tayo nandito?" nagiba ekspresyon ni Steve, napangiti siya bigla nung tinanong ko siya

"Gusto ko lang kasi magpasalamat sayo, Thankful ako kasi nakilala kita" nakangiti siya sa akin

"Hindi mo naman kailangan i-treat ako para makapagpasalamat sa akin, kahit sa isang ngiti mo lang, okay na ako pero salamat ha, nagabala ka pa" nakangiti ding sabi ko sa kanya, nakita kong tumayo si Liam sa kinauupuan nila ngayon at hindi sinasadyang magtama ang paningin namin sa isa't isa.

Napalitan yung ngiti ko ng galit, nakita ko na naman si Liam, nagiba na naman yun aura ng paligid, tsk. Nanjan pa si Bianca wag lang sana maginit ngayon ang ulo ko sa kanya

Humarap ako ulit kay Steve saka ngumiti, ayoko magalit ng tuluyan ngayon sayang yung tinuro sa akin ni Nikka. Kailangan laging nakangiti kahit gusto mo ng manakit, ngumiti ka pa rin.

"Darcy and Steve!" may bumanggit sa pangalan namin mula sa counter, nanjan na pala yung inorder namin

"Couple?" tanong nung lalaki na tumawag sa aming dalawa

"H-hindi PA po kami couple" Steve chuckled at kinuha na namin yung inorder namin at dinala sa table namin.

Ilang oras kaming naguusap dito about sa life namin, ang gaan din pala makipagusap sa kanya, isa siya sa mga lalaking nakasundo ko agad lalo na sa usaping personal, may tiwala naman ako sa kanya na hindi niya ipagkakalat yung sinabi ko sa kanya. Ganun din naman sa akin. Feeling ko ang bilis ng panahon dahil mabilis kaming nagkasundo like we're friends for years.

"Steve gusto ko sana sabihin sayo na..." My heart is trembling, ramdam ko ang pagbilis ng tibok nito. I don't know how to start to say this in proper way pero kaya ko ito..

"What?"

"I decided na gagawin na natin yung Operation"

Agad naman na ikinatuwa ni Steve, ilang linggo ko na rin itong pinagisipan. I was so unsure sa mga nangyayari ngayon dahil napakabilis talaga.

Napansin ko ding hindi pa rin umaalis sina Liam at Bianca, looks like serious ang pinaguusapan nila, they look disappointed or something. Hindi na rin ako nagrisk para pakinggan ang pinaguusapan nila, psh.

May cellphone na nangring...

"Kanino 'yon?" I asked Steve, tinignan ko din yung phone ko kung may tumawag ba pero I haven't receive any calls yet.

"Yeah, It's mine, i'll just answer this" nagpaalam si Steve saka tumungo sa labas para sagutin na yung tawag, his face turned into serious one.

"Looks like, uhmmm... Kailangan ko na atang umalis— May alis pala kami ng parents ko" aniya, "Sure! You may go, Ingat ka ha!" ani ko.

"I-hahatid na muna kita" sabi ni Steve at kusa niya ng kinuha yung bag ko at inilagay ito sa likod niya

"Ah..No. Kaya kong magcommute, Don't mind me" sabi ko saka ngumiti, inaalala niya pa rin talaga ko, he's very gentleman

"Sure ka? Kaya ko namang magpalate mai-hatid lang kita—" ang kulit talaga niya, pero baka urgent yung tawag sa kaniya kanina kaya kailangan niya na agad umalis

"Umm.. kaya ko na talaga, Unahin mo na yung parents mo" nakangiting sabi ko sa kanya

"Sure ka talaga ha, worried lang ako baka mapahamak ka eh, alam mo naman. Bihira nalang angg babaeng tulad mo tapos mapapahamak ka pa" sus, nambola pa.

"Sus! Sige na!"

Sabay na kaming lumabas ng Starbucks tapos tumungo na siya sa kanyang kotse at nagwave ako sa kanya at nagwave din siya sa akin pabalik.

Liam's PoV

Hindi ko inasahan na nandito din pala sila, Mapaglaro talaga ang tadhana, akalain mo 'yun? Nandito din pala sila.

Ang saya saya nilang dalawa, parang wala na talagang nararamdaman sa akin si Darcy, parang ang bilis niya na magmove on nung dumating na sa buhay niya si Steve

Sabay pa silang nagtatawanan and I feel na mutual understanding sila, glad na mabilis nakasundo ni Darcy si Steve.

Hindi siguro nila ako napapansin na lumilingon sa kanilang dalawa, sabagay ano pa ang paki nila sa akin, kinalimutan na nga ata nila ako eh, parang hindi din ako naging part sa buhay nila, bilang bestfriend ni Steve at boyfriend ni Darcy. Hays

Kailan kaya ako magiging masaya sa piling ni Bianca, sa bawat oras na kasama ko si Bianca hindi ko maiwasang hanapin si Darcy, hindi pa rin talaga nawawala feelings ko sa kanya pero I have to.

I sacrificed my happiness para sa magulang ko at sana maappreciate nila 'yon. Sana masabi nilang 'worth-it' ako bilang anak nila because ang lagi nilang nakikita sa akin ay 'failure'

Wala ni-isa sa amin ni Bianca ang nagsasalita, nanatili kaming dalawa na tahimik, may iniisip din naman si Bianca and she looked serious, malalim ang iniisip niya. Ganun din ako.

"Liam and Bianca!" may tumawag sa aming dalawa at agad kaming tumayo saka tumungo sa counter at kinuha na namin yung mga pagkaing inorder namin kanina.

"Couple?" tanong naman nung babae sa amin, si Bianca ay tumango at ako naman ay umiling. Napakunot tuloy yung babaeng nagtanong sa amin pero hindi nalang namin pinansin sa halip ay tumungo nalang kami ulit sa table at kumain.

We spent two hours eating at the same time talking pero hindi naman masyadong naging mahaba ang conversation namin, hindi din kami masyadong nagkakasundo sa ibang bagay, I guess we're not really mutual.

****

Darcy's POV

Napatingin ako sa aking relo, nako! 30 minutes na pala akong naghihintay ng masasakyan, hindi pala ganon kadali magcommute.

Hindi naman talaga ako masyadong nagcocommute. Hindi ko rin masyadong kabisado kung paano ulit ako makakauwi dahil may kalayuan ang Starbucks sa bahay namin.

I guess, maghihintay nalang ako dito o kaya magtataxi nalang ako para mas madali nalang.

Ang dami ko nang taxing tinawag pero may mga tao at ang iba naman ay isnabero. Nakakainis naman, wrong timing! Nagbabadya na rin ang rush hour. Paano na ito!

Punuan na din ang Jeep, may mga nakasampa na nga e para lang makauwi na agad.

*****

Operation: Make Him JealousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon