PROLOGO

4.9K 143 6
                                    


HALOS mabitiwan ni Michael ang dala niyang tupperware na may pork adobo. Nanlalaki ang kanyang mata sa tumambad na katawan ng lalaking nagbukas sa kanya ng pinto.

"O, ikaw pala Mayka. Magandang umaga," anang lalaki. Matipuno at kaysimpatiko ng ngiti. Mas niluwagan nito ang pagbukas ng pinto. Pailalim itong tumitig sa mata ng baklang bisita.

At naghatid 'yon ng ibayong kaba kay Mayka. Ang suot niyang red headband ay parang sumikip sa kanyang ulo. Bigla ay natensyon siya. Nag-init ang kanyang mukha. Kaya naman napapalunok siyang tumikhim.

"A--Uhm..." nabubuhol ang kanyang hininga.

Bakit kasi naka-brief lang ang lalaking ito? Bakat na bakat! Jusko! hiyaw niya sa isip.

Tumikhim ang lalaki. Mas lumagkit ang pagtitig sa baklang pinamumulahan ng mukha. Napangisi ito ng pilyo.

"Natetensyon ka yata, Mayka. Para sa 'kin ba ang ulam na 'yan?" turan nito sa mapanudyong tono. Saka buong pagnanasang tumulay ang titig nito sa manipis na dibdib ni Mayka. Manipis nga pero makinis naman. "Iniisip ko, masarap ba 'yang adobo mo?"

Pagkuwan ay sa mabibilog na hita naman ni Mayka dumako ang malalagkit na titig ng lalaki. Hantad na hantad ang makinis na mga hita ng bakla sa suot na maikling shorts.

Tabingi ang ngiting ibibigay ni Mayka sa lalaki ang tupperware. "H-hindi, a-ang ibig kong sabihin... m-masarap, oo tama ka. Masarap nga ang adobo ko. P-para sana kay bestfriend. S-sa adobo yata naglilihi ang asawa mo," at kiming tumawa si Mayka. "A-Andiyan ba siya?"

"Wala siya dito," mas naging matiim ang titig ng lalaki kay Mayka. Inabot ang adobo pero hindi sa tupperware humawak ang magaspang na palad nito kundi sa pulso ng bakla. Hindi nito kinuha ang tupperware.

"Umalis si Marina kahapon," patuloy nito. "Hindi ba siya sa 'yo nagpasabi?" mahibong anas pa. Kasinghibo ng palad nitong humahagod sa pulsuhan at likod ng palad ni Mayka.

Napapitlag ang bakla. "E-Edcelo... k-kunin mo na ang---"

"Halika, tuloy ka muna. Dalhin mo ang adobo mo sa loob," ani Edcelo at saka marahang hinihila papasok ang braso ni Mayka.

"P-pero..." natitilihang napasunod na lamang ng hakbang si Mayka. Subalit nang makapasok siya, agad sinipa ni Edcelo ang pinto pasara.

Napasinghap si Michaela. Kumagat nang kumagat ang matinding kaba sa kanyang puso. Nataranta siya.

Nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa naiisip na senaryo. Kaya naman nanginginig ang kanyang kalamnan. Para siyang nililindol ng kaba. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Mali ang kanyang naiisip. Mali ang kanyang nararamdamang paghanga sa asawa ng kanyang kaibigan.

Noong una pa man.

"Edcel---"

At tuluyan nang nabitiwan ni Mayka ang tupperware ng adobo. Paano ba'y hinigit siya ni Edcelo sa kanyang bewang. Sa kabiglaanan ay napasinghap siya. Nagkadikit ang kanilang katawan. Kahit may saplot pa siya, damang-dama niya ang halos hubad na lalaki. At doon sa kanyang puson... nanunuksong bumundol ang matigas nitong kahandaan. Napakapit siya sa mga balikat nito. Kasabay ng pagsabog ng milyong-milyong boltahe sa kanyang katawan.

"Ngayon, pagsaluhan natin ang mainit at masarap mong adobo," nakangising anas ni Edcelo bago sinibasib ng naglalagablab na halik ang kanyang leeg.

"E-Edcelo! Ayy!" Napapaurong na pumalag siya. "Teka ano k-ka ba! Sandali lang... " Nanulak siya kahit kulang sa lakas. Lalo pa at madulas sa pawis ang malapad at matigas na dibdib ni Edcelo.

"Wag ka na magpakipot, bakla. Matagal ko nang napapansin ang malalagkit mong titig sa akin. Ngayong gusto ko nang tumikim ng bakla... papalag ka pa, hmm?" At saka marahas na hiniklas ni Edcelo ang suot na blouse ng bakla.

Lalong napamulagat si Mayka sa pagkagulat.

"P-pero m-mali ito---hmmff!" Ngunit sinakop na ng mga labi ni Edcelo ang nakaawang na labi ni Mayka. Nanakop... gumagagad... sumisipsip.

Kaya naman unti-unting natupok si Mayka sa nagliliyab na tukso. Isipin pang silang dalawa lang sa bahay na iyon. Malaya nilang maaangkin ang isa't-isa. Walang makakakita. At umuungol na gumanti na siya ng halik. Tumugon ng laway at hininga kay Edcelo. Nagsimulang mangunyapit sa leeg at balikat ng kaniig.

"E-Edcelo... " hinihingal na ungol ni Michaela hanggang sa abutin niya ang mga abs ng lalake. Pumisil... humagod... humaplos. Ah, kaysarap sa palad ng matitigas na abs ni Edcelo. Kaydulas niyon dahil sa pawis.

"Hmm... sige pa! Ibaba mo pa ang kamay mo. Hawakan mo na sige na... " hinihingal na bulong ni Edcelo..

Kusa namang sumunod sa bulong si Mayka hanggang sa masalat na ng palad niya ang namumukol na pagkalalaki ni Edcelo. Matigas iyon, pumipintig... mainit, nakakapaso... at nanunukso.

"Shit, Mayka! Ipasok mo ang kamay mo sa brief ko. Hawakan mo na at pisilin! " daing na ungol ni Edcelo. Napapakiwal... napapaliyad ang matipunong katawan.

Mainit at malambot ang palad ni Mayka na pumaloob sa brief nito. Humagod ang palad doon, kumakanti... sumasabunot sa naroong mga kulot pero maninipis na buhok.

Bumaba pa ang palad ni Michaela... hanggang sa mahawakan na niya ang dati ay pinagpapantasyahan lamang na pagkalalaki ni Edcelo.

Si Edcelo na asawa ng kaibigan niyang si Marina.

Si Marina na binalya ang nakasarang pinto nang makarinig ng mga impit na pag-ungol sa loob ng kabahayan.

Kinabahan ito at nagduda. Kaya ganoon na lamang ang panggigilalas ng babae sa nasaksihang pagtataksil.

"Marina!" gimbal at nasusukol na bulalas ni Edcelo.

Nanlamig si Marina. Tila sumikip ang kanyang ulo. Rumatsada pataas ang kanyang dugo. Sa palad ay ginusumot ang isang papel at larawan ng isang tumitibok na sanggol sa kanyang sinapupunan.

"Mga dimonyo kayo!" nagngangalit... gigil at buong lakas na sigaw ni Marina.

Desfi Rada (Gayromance) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon