TWAY SA VOTES AND COMMENTS!
aizek_aem: Haha. Salamat. Hindi pa naman nangyari sa akin ang mapagkamalang baliw. XD
LeydieA: Heto na.
kaeminhyo: Heto na. Haha.
iamiceprincess: Vice song. lol
PatCamz: wala man eh. Haha.
reen2_cute: may gagawin. XD
AppleJoyceYaoyao
ChannieTaine
cute_cha
--
Bumaba ako sa kitchen.
"Ang aga mo atang nagising Shaira?" Tanong ni Nanang.
"Ah. Opo. Hehe." Napakamot pa ako sa batok ko.
The truth was I haven't slept yet. Hindi ako nakkatulog dahil hindi ako pinatahimik ng utak ko kakaimagine sa pwedeng mangyari sa pamamasyal namin ni Nickko. Excited ba? Oo, sa wakas makakasama't masosolo ko si Nick-- malilibot ko na ang buong hacienda. 'Yun talaga ang dahilan. I swear!
"Pagtimpla na kita ng kape." Sabi ni Nanang.
"Oh? Gising ka na, Shaira? Naunahan mo pa si Nickko ah?" Sabi ni Tatang habang papasok sa kusina.
"Ah. Opo." Ngumiti ako sa kanila.
Makaraan lamang ang ilang minuto..
"Nanang, si Shaira wala sa kwart--" Napatitig siya sa akin tapos umiwas ng tingin.
Umupo siya sa tabi ko at hinintay si Nanang na pagtimpla siya ng kape.
Bakit niya alam na wala ako sa kwarto? Pumapasok siya sa kwarto ko?! Hindi lang ba ito ang una? Baka may balak siyang rape-in ako ah! Tinitigan ko siya ng mabuti ng humarap siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin.
"Susunduin kita mamayang hapon." He made his one last sip then stood up and walked away.
"Argh! Ang pangit ng combination."
"Masyadong showy."
"Makikipaglamay ba ako? Kailangan all white?"
"Waah! Ayoko na!" I shouted in frustration. Nakailang subok na ako ng susuotin kaso wala talaga ako'ng makitang bagay sa akin.
Pasaldak ako'ng umupo.
Bakit nga ba ako namomroblema? This was not even a date for pete's sake! Napailing ako. Jeans and loose shirt will do.
Tinignan ko ang punong-puno ng mga bagong damit. Pinabili raw niya ito nung kinabukasan pagdating namin. May balak talaga siyang kidnappin ako ng ilang araw.
Magaalas-tres siya dumating.
Tinitigan ko siya. He looked like a cowboy. He was wearing plain white tshirt, rugged jeans and boots.
"Tara."
Sumunod ako sa kanya palabas. Tinignan ko siyang umakyat sa kabayo.
He handed me his hand. Napalunok ako.
"Diyan s-sasakay?" Tanong ko.
He chuckled before answering me. "Yeah, don't be afraid." He gave me a warm smile. Winagayway niya ang kamay niya.
"Kaya ba tayong dalawa? Baka mabigatan 'yung kabayo. Kawawa."
He let out a chuckle.
He handed me his hand again. "Hindi. Trust me."
![](https://img.wattpad.com/cover/10689326-288-k978342.jpg)
BINABASA MO ANG
HATE THAT I LOVE YOU
Narrativa generaleTHIS IS THE FIRST INSTALLMENT OF MY FIRST SERIES ON WATTPAD. THE PROLOGUE WILL SOON BE UPLOADED HERE IN THIS STORY! They got married because they love each other. Is it a happily ever after already or it is just the begining of a new chapter of thei...