Napangiti naman ako sa mga comment nyo. Idededicate ko ang mga susunod na chappy sa inyo :) Msg me first kung gusto niyo.
Patcamz (ime-mention na kita palagi. Haha!)
Arahcute
lalalajammer
reen2_cute
crazigirl (oh! in five minutes nagud ako. lol.)
****
Naglakad lang ako pauwi sa amin. Sa bahay namin ni Nickko.
Sobra akong nilalamig. Nagumpisa na rin akong umubo. Natuyo na yung damit ko. Sa tantiya ko ay inabot ako ng halos isang oras sa paglalakad. Ewan, hindi ko ramdam ang sakit at pagod. Nagmanhid ata buong pagkatao ko.
Pagkarating ko sa bahay. Hindi nakalock ang pinto. Binuksan ko ito. Nakapatay ang mga ilaw. Hindi ko na in-on ang ilaw dahil kabisado ko naman ang bahay. Ngayon ko naramdaman ang pagod. Feeling ko babagsak na lang ako bigla.
I made it to one of our guest rooms.
Paggising ko nasa guest room pa rin ako. Napangiti ako ng mapait. Everything happened yesterday were all damn true. I thought it was a dream but I was wrong. Nahihilong tumayo ako. Napakapit ako sa cabinet ng mawalan ako ng balanse.
Mariin akong pumikit. Nang bumuti na ang pakiramdam ko, umakyat na ako sa kwarto namin.
Napabuga ako ng hangin at pinigil kong huwag maiyak pero hindi ko kaya. Napapikit ako ng mariin. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Mas maganda siguro kung umalis na muna ako.
Tumawag ako sa telephone para magpasundo kay Jason.
Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng bahay para hintayin si Jason.
Pagkarating niya kaagad na akong pumasok sa kotse. Buti na lang nanahimik na lang siya at hindi na nagtanong sa akin. Alam ko naman na napakaobvious na may problema kaming mag-asawa.
Buti na lang wala sina Mama kundi mahabahabang paliwanagan ang gagawin ko.
"You know, Vheneese that I don't meddle with your affairs but as your brother I don't want to see you killing yourself because of him. Here's the medicine, take this after you had your breakfast." Then he left.
Napatingin ako sa binigay niya. Puting pabilog ang binigay niya. Walang wrapper or kung ano man ang tawag.
Okay.
-
More than a week that I felt so miserable had passed. I told everyone in the house not to tell Nickko where I am. But in my disappointment, He didn't look after me. Umasa pa talaga ako ha? Napatawa ako ng pagak sa naisip ko.
Nababaliw na ata ako eh. Nababaliw sa kakaisip sa kanya samantalang siya nagpapakasarap sa mga babaeng makapagbibigay ng anak sa kanya.
Hayan na naman ako. Iiyak na naman. Pinalis ko ang luha na tumulo sa pisngi ko. Eh ano ngayon kung hindi ako magkakaanak? Mas mabuti nga iyon para makabawas sa problema ng paglobo ng populasyon eh. Ano ngayon kung hindi matutupad ang pangarap ko na maramdaman ang pagiging isang ina? Ano ngayon kung walang babati sa akin ng 'Happy mother's day' ? Ano ngayon kung walang tatawag sa akin ng mommy? Ano ngayon kung--
"Vheneese, stop it. You look so ugly when you cry." Puna ng magaling ko'ng kapatid.
"Who told you to look at me? Kung walang mabuting lalabas sa bibig mo can you please shut up?" Tumayo ako sa sofa. Palakad na ako ng marinig ko pa siya. Huminto ako.
BINABASA MO ANG
HATE THAT I LOVE YOU
Fiksi UmumTHIS IS THE FIRST INSTALLMENT OF MY FIRST SERIES ON WATTPAD. THE PROLOGUE WILL SOON BE UPLOADED HERE IN THIS STORY! They got married because they love each other. Is it a happily ever after already or it is just the begining of a new chapter of thei...