(19) ...OR LET HER GO NOT?

8.4K 81 7
                                    

Thanks sa mga nagvote and comment:

heyZELknots: I agree! Haha.

PatCamz: Let's see!

AppleJoyceYaoyao: Kaartehan lang ni Shaira 'yun.

IamSianne: Madalang umiyak ang mga lalaki but that's not an exemption especially if he really had done wrong. LALIM! XD

iamiceprincess and itsmerich: Hayan! Mahaba 'yan. Hoho.

reen2_cute and blackdia: MALAAAPIIIIITT NAAAAA ANG BS! HAHAHA.

@LeydieA: Sa previous chap kita dededicate-an. okie?

TIMECHECK: 3:54AM

--

Shaira's POV

Napailing ako sa naisip ko.

Lumabas ako ng room ko.

Anong let her go-let her go na alam niya? Matagal na niya akong pinalaya--I mean matagal na ako'ng nakawala sa kanya dahil annulled na kami. Ni-hindi ko pa nga siya napapatawad sa mga ginawa niya sa akin noon.

Hindi sapat ang apat na taon para kalimutan ang lahat ng ginawa niyang panloloko at pangbababoy sa akin. I even saw him having threesome before! Wala siyang kaluluwa!

"Alam mo ba kahapon, dumaan si Sir La Vierda, Jr."

Naningkit ang mga mata ko at tumingin sa dalawang hawak ko na employee. Tama bang pagtsismisan ang taong ayaw ko'ng marinig ang pangalan? Minsan ko ng isinumpa ang may-ari ng apelyido na iyon.

"Totoo? Sana palang hindi na ako nagday off. Kainis." Ngumuso pa.

"Oo 'no! Nagmamadali pa nga siya nung lumabas siya sa room ni Director." Tsismis pa nung babae.

"Pati ba naman si Sir hindi kinaya si Director? Daig pa ni Director 'yung terror ko'ng prof sa Statistics."

At talagang nakumpara pa ako sa prof niya ha?! At anong terror? Bombahin ko kaya pagmumukha niya o kaya naman ay ipatapon ko siya sa Afghanistan?

"Oo nga. Kawawa si Sir. Ang pogi pa naman at ang hot."

At kinaawaan pa siya?! Ako kaya ang nasaktan! Makapagbigay naman sila ng opinyon nila parang alam lahat ang mga nangyari dati. Sampigain ko kaya ang mga 'to? Binabayaran sila para magtrabaho at hindi magtsismisan at lalong hindi pagnasaan ang boss!

Lumapit ako sa kanila.

At talaga nga naman oh! Isa si Ms. Rosales. Makakatikim talaga siya sa akin.

"Ms. Rosales?" Tawag ko sa kaniya. Kaagad naman siyang tumayo.

"Ma'am?"

Sa totoo lang ayokong 'pahirapan' siya sa trabaho niya at maging professional ako sa kaniya pero lagi talaga siyang gumagawa ng mga bagay na kinaiinisan ko kaya ang ending iniinis ko rin siya.

"How much is your salary?"

Nakita ko siyang napakunot ang noo. Gusto ko'ng ismiran siya pero pinigilan ko.

"18,000 po."

Sasagot din naman may nalalaman pang pagkunot ng noo bago sumagot. Mga tao nga naman.

"18,000. Ikaltas na natin ang SSS, Withholding tax at PhilHealth mo, Magkano na lang ang natira sa salary mo?"

Ah. Intern pala siya kaya hindi pa maganda ang pagtatrabaho niya. Mababa ang salary niya kaysa sa mga regular.

HATE THAT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon