KABANATA 2

3.1K 99 1
                                    

Mansion

Raine's POV

Nagising na si Riz kaninang umaga, at maaari na siyang makalabas sa ospital bukas na bukas din but she still need a rest. Ang kwento lang niya ay nag-break na sila ng boyfriend niya, because of his ex, daw. Tapos nung tumawid siya, ayun tulala ang gaga, nasanggi ng kotse.

We respected her privacy so, we didn't ask anymore. Ang balak na lang namin ni Pula ay bisitahin mamayang hapon si Riz sa ospital.

Kagabi lang rin ay sinabi sa akin ni mama na lilipat na kami sa mansion nila Tito L. So here I am now, packing my things. I'm gonna miss this room of mine.

"Are you sure anak na ayos lang sa iyong lumipat ng bahay?" my mom asked.

"Oo naman, ma. No hard feelings, basta wag mo lang akong ililipat ng school, lalo na kung di ko makakasama sila Red at Riz." nakangisi kong sagot.

Ngumiti naman si mama, "Of course, anak. Anyway, how's your friend? Is she fine, now?" bakas sa kanya ang pag-aalala.

"Yup. Makakalabas na siya tommorow. And... ma, balak ko palang bisitahin si Riz, mamayang hapon" paalam ko.

Pumayag naman si mama, basta daw ay hindi ako aabutin ng alas-nwebe at mag-iingat ako.

Habang nasa daan kami patungo kila Tito L, napapatingin na lang ako sa aming mga dinaraanan.

Infairness ha, ang sosyal ng daanan, may pa-pine trees.

"Ma." tawag ko.

"Bakit?" tanong ni mama habang naka-pikit at nakasandal sa upuan ng kotseng maghahatid sa amin papuntang mansion.

"Nandito na po, tayo" wika ko.

Isang malaki at mataas na itim na gate ang bumungad sa amin. Sa sobrang taas nito hindi mo makikita ang nasa loob, at ang lawak? Kasya na ang sampung kotse na sabay sabay pumasok.

Unti-unti itong bumukas at halos hindi na ako kumukurap kaka-abang sa kung ano man ang nasa loob nito.

Pagkabukas ng gate, napanganga na lamang ako. Dahil wala akong ibang nakita kundi isang malawak na daan at napapalibutan ito ng mga puno't halaman. Mga isang minuto ang lumipas ay may natanaw akong isang fountain? Nakalimutan ko na ang tawag do'n pero ito yung mga nasa palabas na rebulto tapos may lumalabas na tubig.

Matapos namin itong maikutan, tumambad sa amin ang tatlong daan, sa gitna dumiretso ang aming sinasakyan.

Now, I wonder kung saan patungo yung natitira pang dalawa.

Sa sobrang mangha ko hindi ko na namalayan ang pagtigil ng kotse. Naramdaman ko na lang ang pagbukas ng pinto ng kotse sa aking tabi.

Nagpasalamat ako sa lalaking nagbukas sa akin ng pinto at tumango lamang ito.

Pinagmasdan ko ang buong mansion na titirahan na namin mula ngayon.

I don't know how to explain it, but one thing I can say; This house, mansion rather, is so beautiful!

"Raine anak, ano pang ginagawa mo diyan? Halika na."

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ang boses ni mama. Nag-umpisa na siyang pumasok kaya't sumunod na ako.

Pagkabukas ng pinto, bumungad sa amin ang mga katulong na pila-pila at sabay sabay nagbigay galang.

What on earth...

"Magandang umaga po, ma'am at miss Raine." sabi ng isang matandang babae na sa tantiya ko ay edad limampung gulang pataas na.

"Ako nga po pala si Cecelia, ang mayodorma rito. Nasa salas na po si Sir L. Sumunod po kayo sa akin." sabi nito at nag-umpisa ng naglakad, sumunod naman si mama kaya sumunod na rin ako.

Pagdating namin sa sala, nando'n na nga si tito L. Nang makita niya kami ay agad siyang tumayo at bumati.

"Mabuti naman at nakarating na kayo, hon." nakangiting saad nito kay mama.

Ngumiti naman si mama bago sumagot, "Mabuti nga, hon. Nakakapagod ang biyahe."

"Kung gano'n ay magpahinga muna kayo. Raine hija, yung kwarto mo pala ay nasa ikatlong palapag, ipapasama na lamang kita sa katulong para makapag-pahinga ka na rin." mahabang paliwang ni tito L.

Habang tinatawag ni tito L ang katulong, pinagmasdan ko naman ang disenyo ng bahay.

Malinis naman ito at maaliwalas tignan. May mga kaunti ring paintings ngunit wala kang makikitang litrato man lang ng pamilya ni isa. At sa sala pa lang parang kalahati na ng dati naming bahay. Tsaka mula sa labas, parang 1st floor lang ito, hindi halatang may ikatlo pa pala itong palapag. Masasabi kong napakagaling ng nagdisenyo rito.

Nang makarating ang katulong na tinawag ni tito L, nagpaalam na rin ako sa kanila, nakakapagod rin talaga ang biyahe kanina, ah.

Habang naglalakad lakad, mapapansin mo ang mga naglalakihang vase na nakadisplay at ilan pang mga paintings na mukhang mamahalin talaga, tila nakakatakot hawakan at baka agad itong mabasag.

Nang paakyat na kami sa ikalawang palapag, kapansin-pansin rin ang malalaking chandeliers na nakasabit sa buong bahay, at mula rito, hindi mo na halos matanaw ang sala.

Shems! Nakalimutan kong itanong kung saan yung kwarto nila mama! Nakakahiya namang magtanong dito kay ate girl! Hayst, mamaya na nga lang, makikita ko naman sila mamaya diba?

Pagtuntong sa ikalawang palapag, may hallway muna kaming dinaanan, isa, dalawa, tatlo, apat, at isang library room? Hmm, kanino kayang mga kwarto yo'n?

Sa dulo ng hallway na yo'n ay ang hagdan patungong 3rd floor, at gaya sa 2nd floor may hallway din dito. Isa, dalawa, tatlo at apat na kwarto bago ang dulo. Huminto ang katulong sa pinakadulong pinto rito. So I assume this is my room?

Nagpaalam na sa akin ang babae at agad na umalis. Siguro sa mga magiging stepbrothers ko ang kwartong mga nadaanan namin? Oh well, sa susunod ko na lang aalamin kung kaninong mga kwarto ang malalapit sakin.

Pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko, oh shems. This is heaven! Sinarado ko agad ang pinto ng kwarto at dumiretso sa queen size bed ko! And it's color red! My favorite color! White and red actually ang theme ng buong room, matapos kung damahin ang kama ko, dumiretso ako sa pintong malapit, banyo pala ito.

Separated ang shower room at yung trono ko. I laugh at my own thought. Trono? Seriously, Raine? Matapos kung silipin ang banyo ay dumiretso naman ako sa katapat lang nitong pinto.

Oh my! I have my own walk-in closet!

I can't wait na maikwento ito sa dalawang bakla!

Ay, Oo nga pala! Magkikita kami mamaya! I should take a rest now!

Ala-una na ng hapon ng magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Napasarap ako ng tulog, pupuntahan ko pa pala sila Riz.

Agad akong nag-ayos upang makaalis na, magpapaalam sana ulit ako kay mama na aalis na ako, pero di ko naman siya makita at di ko rin alam ang kwarto niya. Kaya sinabi ko na lang sa isang katulong na ipagbigay alam kay mama o tito L, na umalis na ako.

☆★☆

My Stepbrothers and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon