Schoolmates
Raine's POV
Halos naisin ko ng tumakbo ng napakabilis o lamunin na lang ng lupa dahil sa mga nakakairitang bulungan, tilian at pagtingin ng mga estudyante lalo na ng mga babae sa mga kapatid ko.
Ano mga ateng? Ngayon lang nakakita ng mga lalaki? My ghad.
Pagkarating namin kahapon ni kuya Wonder ay agad binalita sa akin ni kuya Worth ang dahilan kung bakit niya ako pinauwi ng agaran.
-- Flashback --
"Lilipat? Lilipat kayo kung saan ako nag-aaral?! Pero bakit?" gulat kong tanong.
Oo nga't malaki at maganda ang eskwelahan kung saan ako nag-aaral pero di hamak na mas malaki at mas maganda ang sa kanila!
"We just want to. Besides wala namang masama diba?" Care said at nag-puppy eyes pa ang loko. Yuck lang, hindi siya cute... Kasi super cute niya! Shems lang!
"Wala naman... okay lang naman kung lahat kayo ay lumipat." medyo lutang ko pang sagot.
Kuya Worth chuckled. "Gustuhin ko man na mag-aral ulit, pero mas kailangan ako sa kompanya, baby. And Wonder is too old to study, kaya silang lima na lang ang makakasama mo"
Tumango naman ako sa sinabi niya. Narinig ko pang nag-reklamo si kuya Wonder sa gilid dahil sa sinabi ni kuya Worth.
"So, kailan ko kayo magiging schoolmates?" nakangiti kong tanong sa limang lalaking makakasama ko.
Di ko mapigilang ma-excite kahit papaano.
"Tommorow already." sagot sa akin ni kuya Given na ikinalaglag ng panga ko.
"What?!" ganun kaaga?! Kabilis?!
-- End of Flashback --
"Sissy, anong section mo?" tanong ni Care na nagpabalik ng diwa ko.
"One" tamad na sagot ko sa kaniya.
Gosh. I really want to get out of here. Mabuti sana kung nandito yung dalawang bakla!
Nakita ko siyang napasimangot sa sagot ko pero di ko na lang pinansin ng mag asaran na sila ng mga kapatid niya.
"Sissy, classmate tayo!" sigaw niya na ikinalingon ko.
"Talaga?!" gulat na sabi ko, sabay lapit at tingin sa papel na hawak niya.
Shit. Pag minamalas ka nga naman, may makakasama pa akong isang ulupong.
"Maghanda ka mamaya, may pupuntahan tayo." sabi sakin ni kuya Given habang kumakain kami.
Nakasalubong ko siya kanina ng papunta akong caferia, balak na sana daw niyang sunduin ako para sabay ng kumain. When he asked me kung nasaan si Care ay pinagkibit-balikat ko na lang.
Ang ulupong na 'yon, sa sobrang tutok niya sa cellphone niya hindi na niya 'ata namalayang tapos na ang klase.
"Huh? Sa'n tayo pupunta? Alam na ba nila?" takang tanong ko kay kuya Given at napatigil sa pagsubo ng hotdog.
"Just stop asking. Tsaka, tayong dalawa lang, wag mong ipagsasabi kahit kanino." sagot niya at umiwas ng tingin.
Tumango na lang ako bilang sagot.
Anong meron?
Maya-maya lang ay may biglang humawak sa balikat ko at sumigaw na ikinagulat ko.
"Ay hotdog!"
Agad tumawa si Care sa kalokohan niya, na agad ko namang binigyan ng sapak aa braso.
BINABASA MO ANG
My Stepbrothers and I (COMPLETED)
Teen FictionOne, two, three, four, five, six and seven... Pito silang magiging kapatid ko in the near future. Kakayanin ko nga kayang makasama silang pito sa iisang bubong? Cliché it may sound pero, paano nga kaya kung ma-inlove ako sa isa sa kanila? It's a big...