Last time
Raine's POV
Nagtagal pa si Brave ng isang oras sa aking kwarto, at kung hindi ko pa siya sinabihan na kailangan na niyang umalis doon dahil malapit ng maghapunan at baka may makakita pa sa amin ay hindi pa siya kikilos upang umalis.
Tumayo ako sa aking kama at napagdesisyunang maligo saglit. Nando'n pa rin ang bigat sa aking dibdib dahil sa naging reaksiyon ng mga kapatid ko kanina. Hindi ko alam kung sa ilang linggo kong pagkawala ay may nangyari bang kakaiba o ano.
Hindi ko rin naman masabi na baka nagulat lang talaga sila kaya hindi nila ako agad nagawang pansinin. At si Leon.. hindi ko alam kung ano ba ang lagay na niya kaya hindi ko rin siya magawang kausapin kung sakali. Paano pala kung hindi na niya ako naaalala? At sa huli ko pang pagkakatanda, pangit pa ang huli naming pagkakasamang dalawa. I break his heart the last time he saw me.
Napabuntong hininga ako at tumingala, hinahayaan ang sariling saglit na magpakalunod sa tubig na patuloy ang agos pababa sa aking mukha. Mabuti na lamang ay nakapag-usap kami ni Brave kanina. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.
He told me about many things, kung ano ang mga ginawa niya, nilang lahat, ng mawala ako. Kaya gayon na lamang ang pagkabigla nila ng sa araw na ring iyon ay sumulpot na lamang ako bigla galing sa kung saan.
Pero hindi niya nabanggit sa akin kung ano ang nangyari sa kanya ng magkahiwalay kami. Hindi rin niya ikwenento kung ano ang nangyari sa mga kapatid niyang Martinez, at tila iniiwasan niya iyon. Kaya't kahit gustuhin ko man na magtanong ay pinigilan ko na lamang ang sarili. Nagtataka tuloy ako kung meron na ba'ng may alam tungkol sa relasyon naming dalawa.
Muli akong sumulyap sa aking relo na inalis ko muna saglit at nakitang halos isang oras na rin pala akong naliligo ay agad ko na iyong tinapos at nagbihis na sa loob ng banyo.
Gano'n na lamang ang pagkabigla ko ng buksan ko ang pinto ng aking banyo at bumungad sa akin ang pagmumukha nila Kuya Worth, Kuya Wonder, Kuya Given, Kuya Blessing, Care at Leon.
Shit. Mabuti na lang at sa banyo ako nagbihis.
"A-anong ginagawa niyo dito?" Gulat kong tanong.
"We're here to, uhm, surprise you?" Sagot sa akin ni Leon.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at ang tanging nagawa ay mapatitig sa kanya. Mabuti na lamang at matapos ang ilang segundo ay may natagpuan na akong salita.
"Why?"
Nangunot ang noo niya sa akin at bahagyang ngumisi.
"Because we miss you? C'mon Ella, just give us a warm hug." Sa sinabi niyang iyon ay agad nangilid ang aking luha at tinawid ko ang distantiya naming dalawa.
"I miss you." bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang banayad niyang pagtapik sa aking likod na parang sinasabing gano'n din ang nararamdaman niya.
Bahagya akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ang mukha nito. "Mabuti naman at gising ka na. Kamusta ka naman?"
Akmang sasagot na si Leon sa tanong ko ng may malakas na pwersa ang humila sa kanya palayo sa akin at namalayan ko na lamang na si Kuya Wonder na ang kayakap ko.
"Babe! Miss na miss kita babe ko. Sa'n ka ba galing, huh?" wika ni Kuya Wonder habang sapo-sapo nito ng mahigpit ang mukha ko. Sinapak ko naman siya sa mukha niya dahilan upang mabitawan niya ako.
"Aww! Babe naman!" Reklamo niya pero imbis maawa ay nakatanggap siya sakin ng isang irap.
Damn, ang sakit ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
My Stepbrothers and I (COMPLETED)
Teen FictionOne, two, three, four, five, six and seven... Pito silang magiging kapatid ko in the near future. Kakayanin ko nga kayang makasama silang pito sa iisang bubong? Cliché it may sound pero, paano nga kaya kung ma-inlove ako sa isa sa kanila? It's a big...