Black
Raine's POV
Nag-umpisa na muli akong kabahan ng magising ang diwa ko at wala akong makita kundi dilim lamang.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko na lalo pang nagpadagdag ng kaba sakin dahil hindi lubid ang nakatali sakin, dahil ramdam ko ang lamig at rinig ko ang mga kalansing ng kadenang nakatali sakin. Nananakit din ng bahagya ang aking mga mata dahil sa higpit ng pagkakatali ng blindfold.
Gusto kong maiyak, pero walang luhang gustong mahulog saking mga mata.
Ang huli kong naaalala ay nasa daan na kami ni Brave pauwi sa mansion ng harangin kami ng nga armadong lalaki at may pinaamoy sila sa akin na dahilan ng aking pagkakatulog.
"B-brave? Hubby?" Tawag ko ngunit walang sumagot.
Pagak akong napatawa. Ano ba 'to? Nasa isang palabas ba kami? Artista na ba ako, ngayon? O kaya bida sa isang libro? Yung tipong may haharang sa aming mga armadong lalaki, ikukulong kami sa isang abandunadong warehouse, papahirapan, mamanyakin ako o di kaya'y ire-rape tapos bubugbugin o papatayin naman sa harapan ko si Brave, tapos hihingi sila ng ransom kila Tito L. Gano'n ba ang mga mangyayari?
Hindi ko maiwasang matawa at kabahan ng sabay sa naiisip ko. Ang cliché naman pala ng mga mangyayari sakin.
Isang mabigat na mga yapak ang naririnig ko sa di kalayuan, pero nanatili akong tahimik.
"Gising ka na diba?"
Natigilan ako ng marinig ang boses na 'yon. Hindi pa naman gano'n katagal na panahon ang lumipas para makalimutan ko na agad ang may-ari ng boses na iyon.
Marahas na tinanggal ng taong dumating ang blindfold ko. Bumungad sa akin ang malawak at malinis na kwarto at malakas na ilaw, ni hindi mo iisiping may nakakadena pa lang babae rito. Pero agad ding natabunan iyon ng babaeng madilim ang mukhang nakatingin sakin ngayon.
"Long time no see, bitch. As if naman gusto ko pang makita yang nakaka-bwiset mong mukha." nakangising sambit nito.
"Angela..." mariin kong bulong.
"Shock?" Nakangisi pa rin nitong tanong sakin.
"I didn't know that you'll stoop this low." sagot ko sa kanya.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko ngunit hindi pa rin ako nagpatinag sa kanya. Madiin niyang hinawakan ang baba ko upang iharap sa napakadilim at nanggagalaiti na niyang mukha.
"Don't try me, bitch. Mainit ang ulo ko ngayon, baka hindi kita matansiya." sabi niya habang titig na titig saking mga mata.
"Ma'am, pinapatawag ka ni boss." isang mataba at armadong lalaki ang pumasok sa kwarto.
Padaskol namang binitawan ni Angela ang mukha ko at pekeng ngumiti sakin. "Mag-uusap pa tayo mamaya, best friend."
Napahingang malalim ako ng umalis na sila at ako na lamang ang natira sa buong kwarto. Ngayon ko lamang naramdaman ang sakit ng sampal ni Angela pero pinipigilan ko pa rin ang sarili kong maiyak.
Siya ba ang may pakana ng lahat ng ito? Ginawa niya ba ito dahil sa mga walang kwenta niyang dahilan mula pa noon? Dahil ba kay Aries? Kasali din kaya
'Ma'am, pinapatawag ka ni boss'
Boss. May mas mataas pa kay Angela, kung gano'n maaaring kasangkapan lang siya ng tunay na may pakay sa akin. Sila din ba yung nagpapadala sa akin ng mga sulat? Ang mga taong nasa likod ng pag-baril kay Leon?
Linibot ko ang paningin ko sa silid at may dalawang cctv camera na nakalagay dito. Ang isa ay nakatutok sa pinto at ang isa ay sa akin naman. Isa pa, wala akong makitang pwedeng gamitin para matanggal ko ang mga kadenang nakakabit sa akin kaya't malabong makatakas ako.
Wala ring mga bintana ang kwarto, tanging isa pang pinto na tingin ko'y banyo naman ang mayroon. Hindi ko tuloy matukoy kung nasaan kami ngayon.
Kamusta kaya ngayon si Brave? Binubugbog kaya siya ngayon? Oh God, sana naman ay hindi. Masasaktan ko talaga ang Angela na 'yon.
"Pasok!"
Isang malakas na ingay na nanggaling sa bukana ng pinto ang umagaw sa atensyon ko.
"Hubby!" Tumayo ako at umambang lalapit sa kanya ng pigilan ako ng mga kadenang nakakabit sa akin.
"Wifey.." nanghihinang niyang sambit ng makita ang kalagayan ko.
Kinadena rin siya ng mga lalaki sa tapat ko at tumatawang umalis ang mga ito.
Naluluha akong nakatingin sa kanya samantalang mariin lang siyang nakatingin sa akin.
"Did they hurt you?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Umiling ako bilang sagot ngunit mukhang hindi ko naman na iyong maiitanggi dahil nakatitig na siya ngayon sa kaliwa kong pisngi, na sinampal ni Angela kanina. Maaaring namumula ito ngayon dahil napansin niya pa.
"Wala lang 'to." sabi ko at nag-iwas ng tingin pero nakita ko pa rin ang pag galaw ng kanyang panga, tanda ng panggigigil o galit.
"I'll kill those fucking bastards, once we're out of here!"
"Wala nga lang 'to, wag kang mag-alala. Ikaw? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalala akong tumingin sa kanya.
Nagtiim bagang naman ito. "You're saying to me that I should not be worry to you, while you're worrying to me? Seriously wifey, are you kidding me?" Sarcastic niyang sagot sakin.
Nanatili naman akong tahimik at binalingan na lang ang ibang bagay.
"I'm fine. Mahihina naman sila, hindi ako masyadong napuruhan." sabi niya maya-maya.
Saglit naman akong sumulyap sa kanya at nakita kong may sugat ito sa gilid ng labi.
"Whatever you say." pagtataray ko sa kanya at nanahimik muli.
He groaned. "C'mon, Raine. Dito pa ba tayo mag-aaway?"
Napapikit naman ako sa inis. Oo nga naman Raine, sa ganitong sitwasyon ka ba magiging immature ulit? Raine. First name na lang ulit? K, fine.
"Of course not. Sino bang nag sabing nag-aaway tayo ngayon? Wala naman diba, kuya?" walang emosyon kong sabi.
"Wifey, ayaw ko lang nama--"
"Kuya, okay nga lang diba? Shh, ka lang. No problem tayo!" Sabi ko at sinundan pa ng tawa.
"Wifey.."
"Sa tingin mo alam na kaya nilang nawawala tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"I don't know.." sagot niya habang nakatitig pa rin sakin.
"Ilang oras na ba tayong nandito?"
"Wala rin akong alam. Kinuha nila lahat ng pwede nating gamitin para maka-contact. Pero base sa tagal na natin dito, tingin ko mga apat na oras na din. Kaya malamang ala-una na ng madaling araw."
Napakunot naman ang noo ko. "Hindi ka natulog?" Tanong ko at umiling naman siya.
"Matulog ka na. Ako ng magbabantay."
"But--"
"No buts, Brave. Tsaka para may lakas ka kung makaalis tayo dito diba?"
Siguro dahil na rin sa pagod ay agad na siyang nakatulog. Ako naman, pinagmamasdan lang siya. Sana matapos na 'to.
Hindi sinasadyang matuon ang pansin ko sa aking mga daliri. Yung singsing. Kung nakinig kaya ako sa sinabi ni Skylier noon maiiligtas nga kaya kami dito ngayon?
Sino ba talaga siya? Kasamahan niya ba si Ms. Cathy?
☆★☆
BINABASA MO ANG
My Stepbrothers and I (COMPLETED)
Teen FictionOne, two, three, four, five, six and seven... Pito silang magiging kapatid ko in the near future. Kakayanin ko nga kayang makasama silang pito sa iisang bubong? Cliché it may sound pero, paano nga kaya kung ma-inlove ako sa isa sa kanila? It's a big...