First Love
Raine's POV
"Tingin mo makakasama pa yang si Ulan? Eh, mukha ngang living zombie na yang babaeng yan eh". rinig kong sabi ni Red.
"Malay mo. Hoy baklang ulan! Ano? Tuloy ba lakad natin?" tanong naman sakin ni Riz.
Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Tumango ako bilang sagot at pinilit kong wag mapapikit sa sobrang antok.
Nandito kami ngayon sa tambayan namin, ang mini garden sa school.
Naisip nilang ngayong araw na lang kami magshopping bilang bonding namin.
Uso ba ngayon ang bonding chuchu na yan?
So, pumayag na lang ako kahit na ang gusto ko na lang ay humiga ay matulog. Hindi pa sapat ang enerhiyang nababalik sa akin lalo na't kababalik lang namin kagabi.
Nakakapagod din palang libutin ang halos buong lugar ng Laguna. Pero worth it naman ang pagod ko dahil sa mga magagandang lugar na napuntahan namin.
"Ano pang tinutunga-tunganga niyo diyan? Tara na!" ani ko sa kanila.
Ii-enjoy ko na lang ang sarili ko kasama ang mga bakla.
Nasa parking lot na kami ng makita ko ang isang pamilyar na tao.
Si Prince.
Umandar na ang sasakyan ni Riz at sumunod na rin si Pula. Pinagpilitan kong mag-convoy na lang kami kahit na ayaw nila dahil daw baka maaksidente pa ako sa daan gayong inaantok pa naman daw ako. Pero siyempre, sinabi kong hindi pa naman ako magpapakamatay at tanga, para gawin yun. Kaya kahit, nag-aalangan man ay pumayag na sila.
Nakatingin lang ako kay Prince at pinagmamasdan ang perpekto niyang mukha at pangangatawan. Masasabi kong mas toned ang muscles ng mga kapatid ko pero may maibubuga naman siyempre ang Prince KO.
At bakit ko nga ba siya pinagkukumpara sa mga ulupong kong kapatid. Tss.
Napatalon ako at napasinghap ng makitang nakatingin ngayon si Prince sa sasakyan ko. Though, I'm not so sure, pero ramdam ko ang titig niya rito.
Na parang tumatagos ang mga titig niya sa heavy tinted kong sasakyan at alam niyang nakatingin ako sa kanya ngayon, pinagmamasdan siya. Pero alam kong imposible 'yon. Hindi nga niya ako kilala, sasakyan ko pa kaya?
Napabuntong hininga na lang ako ng sumakay siya sa kotse niya at pinaandar ito paalis.
Damn, my heart is beating fast again. Napahawak na lang ako sa tapat ng puso ko, ang kawawa kong puso. Winawasak niya ng hindi man lang niya alam.
Binuhay ko na rin ang makina ng sasakyan ko at umalis roon.
Prince Valenciano, is my first love. Alam ko sa sarili kong mahal ko siya, at hindi na lang iyon basta pagkagusto o crush na akala ko noon. I don't know when and why. Sadyang gaya ng sabi ng iba, magigising ka na lang mahal mo na pala siya. Na tumitibok na ang puso mo para sa kanya.
Na kahit hindi naman kami magkakilala, I fell in love with him. Na kahit hindi niya ako pinapansin, makita ko lang siya araw-araw ay sapat na sa akin. Kahit masakit.
Gano'n naman talaga diba? Kaya mong tiisin yung sakit kasi mahal mo siya?
Pero kasi may isang bagay akong hindi magawa, yun ay ang umamin sa kanyang mahal ko siya.
I have this weird feeling na, oo, maaaring una ko siyang minahal pero, hindi eh, hindi siya yung taong kaya kong ipaglaban, hindi siya yung taong kaya kong mag take ng risk para sa kanya. Hindi siya yung taong mamahalin at makakasama ko hanggang huli.
BINABASA MO ANG
My Stepbrothers and I (COMPLETED)
Teen FictionOne, two, three, four, five, six and seven... Pito silang magiging kapatid ko in the near future. Kakayanin ko nga kayang makasama silang pito sa iisang bubong? Cliché it may sound pero, paano nga kaya kung ma-inlove ako sa isa sa kanila? It's a big...