Dare
Raine's POV
Sabay kaming umahon ni kuya Wonder.
"God, sorry babe! Nangawit na talaga ang mga braso ko kaya nakapitan kita." paliwanag niya.
Tumango nalang ako at ngumiti dahil na rin sa pagod. Halata naman rin sa mukha niya ang pag hingi ng tawad at pagod.
Shocks, kinabahan ako kanina! Akala ko matatalo ako.
Inabutan ako ni Leon ng tuwalya, kinuha ko naman ito at ginamit.
"Salamat" sabi ko.
Tumango lang ito at nginisian ang nasa likod ko.
"Pa'no ba yan kuya? Pagod ka na, kakalabanin mo pa si kuya Care." asar ni Leon kay kuya Wonder.
"Weak ka pala, bro!" kantiyaw pa ni kuya Blessing.
"Fuck off, brothers!" sagot lang sa kanila ni kuya Wonder at tumihaya sa sahig dahil sa pagod.
"Fuck, Wonder! Tumayo ka nga diyan!" saway sa kanya ni kuya Brave pero hindi siya pinansin nito.
Sa halip ay mas dinamdam pa ni kuya Wonder ang sahig na para bang nakahiga ito sa malambot nitong kama at hindi sa isang matigas at malamig na sahig.
"10 minutes break, at mag-uumpisa na kayo. For the mean time, kumain muna tayo, so we can gain our energy back." sabi ni kuya Worth na may hawak ng tray ng mga pagkain, kasama nito si kuya Blessing at kuya Given.
"What happened to you, Wonder?" kunot noo pang tanong ni kuya Worth sa kapatid nitong nakahiga na sa sahig sa sobrang pagod.
"He's really tired, I think." singit ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at linapitan si kuya Wonder.
"Kuya Wonder, kuya Wonder." pag tawag ko sa kanya na may kasamang tapik.
Ungol lamang ang sinagot nito sa akin.
"Kuya, kumain ka muna. Tsaka wag ka ngang humiga sa sahig, baka magkasakit ka." nag-aalala kong sambit.
Nagmulat ito ng mga mata tsaka umupo.
"Asan na ba sila?" tanong niya sakin.
Tinuro ko naman ang isang lamesa sa di kalayuan kung na saan ang iba na kasalukuyan ng kumakain.
Inabot ko naman sa kanya ang isang tuwalyang nasa malapit.
Kinuha naman niya ito at pinunas sa kanyang ulo.
"Halika na, babe." aya niya at nanguna ng pumunta kila kuya Worth na kasalukuyan ng kumakain.
Muntik ko ng makalimutang nakasuot pa rin pala kami ng makakapal na damit. Hindi kaya kami matuyuan, at magkasakit nito?
Kaya pumasok muna ako sa loob at nagbihis tsaka kumuha na rin ng mga roba at mga damit pa sa kanila.
"Where have you been?" tanong sa akin ni kuya Brave ng makabalik na ako.
Bakas sa mga mukha nilang lahat ang kaba at pag-aalala ng ikinanuot ng noo ko, anong meron?
"Sa kwarto ko. Anyways, kinuhaan ko na rin kayo ng mga robes at damit, baka matuyuan kayo't magkasakit." kibit balikat kong sabi.
Napabuntong hininga sila na pinagtaka ko.
"May problema ba?" I asked.
Umiling naman sila at tahimik na kinuha ang mga dala ko.
After naming magpahinga at kumain. Oras na daw para sa laban ni Care at kuya Wonder.
Well, para sa akin halata namang si kuya Wonder na ang matatalo, so why wasting our time na paglabanin pa sila? Pero on the other hand, malay mo may himalang mangyari.
BINABASA MO ANG
My Stepbrothers and I (COMPLETED)
Teen FictionOne, two, three, four, five, six and seven... Pito silang magiging kapatid ko in the near future. Kakayanin ko nga kayang makasama silang pito sa iisang bubong? Cliché it may sound pero, paano nga kaya kung ma-inlove ako sa isa sa kanila? It's a big...