KABANATA 17

1.9K 67 0
                                    

New

Raine's POV

"What's with them?" tanong ko ng makita ang mga nagtitiliang mga estudyante.

"May bago daw na salta dito. Gwapong boylet daw kaya nagkakaganyan" sabi ni Red.

"Salta talaga?" Natatawang sabi ni Riz.

Nagtaka naman ako sa inaakto ni Red. Bakit parang hindi siya naapektuhan?

"Oh, nakita mo na?"

Umiling naman siya. Nagkatinginan naman kami ni Riz.

"Anong meron? Bakit parang wala kang gana? Gwapong lalaki diba?" Sabi ko.

Tumawa naman si Riz. "Kaya nga. May himala na ba sayo at sa panlalalaki mo, Pula?"

"Bawal na bang mag bago?" Sagot nito sa amin.

Muli kaming nagkatinginan ni Riz at sabay na natawa. "Wow! Big word!"

Natigil ang kwentuhan namin ng mag ring ang bell. Dahil hindi naman kami pare-parehas ng silid na papasukan ay naghiwa-hiwalay na kami sa hallway.

"Yung gwapong transferee, magiging classmate daw natin!" Usapan ng mga babae kong kaklase ng makapasok ako sa classroom namin.

Napailing na lang ako sa kanila. Basta gwapo talaga pinagkakaguluhan na.

Pero bago pa ako makarating sa inuupuan ko, narinig ko rin ang usapan ng mga kaklase kong lalaki.

"Pre! Bata daw at sexy ang magiging sub teacher natin ngayon!"

"Oh?! Ayos! Hindi ko na kailangang magtiis sa matandang si Mr. Navarro!"

We have a sub teacher? Anong nangyari kay Mr. Navarro? Ang dami naman palang bago ngayon.

Napukaw ang atensyon naming lahat ng may malakas na tunog ang narinig namin sa harapan.

"Good morning class. I am Ms. Cathy Rivera, ang inyong pansamantalang guro habang hindi pa maayos ang kalagayan ni Mr. Navarro, na ngayon ay nasa hospital pa rin at nagpapagaling dahil sa heat stroke."

Nalaglag ang panga ko ng mapagtanto ang babae sa harapan. She's the same girl that I've met noon, sa reception! At mukha pa siyang bata para maging guro!

Anong ginagawa niya dito? Kilala niya ba ako?

Nasagot ang tanong ko ng magtama ang mga mata namin at masuyo itong ngumiti sa akin. Pakiramdam ko'y kilala niya nga ako.

"Oh! And I like to introduce you class, your new classmate. Maaari ka ng pumasok." tukoy nito sa taong nasa labas ng pinto.

What the... hell?

"Introduce yourself, young man" ani ni Ms. Cathy na para bang hindi siya 'young'.

"Skylier Toronzo. Nice to meet you all." walang buhay na pagpapakilala ng lalaki.

Shit! Siya yung may-ari ng singsing! Gosh! Makikilala niya kaya ako? Hindi ko pa naman na suot yun. Bakit ba sila sabay na nagpakita sa akin? Bakit ngayon pang namomroblema pa ako kay Prince?!

Natawa naman si Ms. Cathy, na ipinagtaka ng lahat. Yung lalaki namang nagmamay-ari ng singsing na ang pangalan ay Skylier, diretso at seryoso pa rin ang tingin.

Umupo ito tatlong upuan ang layo sa akin. Makikilala niya kaya ako? Ibabalik ko pa kaya sa kanya yung singsing?

Natapos ang buong klase na naguguluhan ako sa mga nangyayari, ang daming mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Mabilis na umalis yung lalaki kaya't hindi ko na ito nakausap. Lalabas na rin sana ako ng patigilin ako ni Ms. Cathy.

"Ms. San Agustin? Maiwan ka muna."

Kumabog ng napakabilis at lakas ng puso ko. She just call my surname! San Agustin pa rin kasi ang ginamit kong apelyido at wala naman iyong kaso sa mga Martinez lalo na ni Tito L.

"Y-yes, ma'am?" Utal kong tanong. Ni hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya't sa sahig lang ako nakatingin.

"C'mon, look at me, princess." napaangat ako ng tingin sa sinabi niya, nakangiti naman siya sakin.

She called me princess!

"W-who are you?"

"I'm Cathy Rivera, right? Your sub teacher."

"Why are you calling me princess?!"

Pero imbes na sumagot ay nakangiti na itong umalis sa silid. So what? Pinaiwan niya ako rito sa silid para lang tawagin akong gano'n. Sino ba kasi siya?

"You okay?"

Napatingin ako kay kuya Blessing na nasa tabi ko ngayon. Kaming dalawa lang kasi ang vacant sa mga oras na ito, kaya siya lang ang kasama kong tumambay sa cafeteria.

"Yup. Just thinking of something."

"And that something is?" Tanong niya at sumubo ng spaghetti.

"Nothing.."

Napasulyap naman siya sa akin at natawa. "Something is nothing?"

Bumuntong hininga ako. "What if, hindi mo talaga alam kung sino ka? Halimbawa, hindi ka pala talaga Martinez? Paano kung sa isang mas malaki o maliit na pamilya ka pala nabibilang? Anong gagawin mo?"

Kumunot naman ang noo niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat saka hinarap sa kanya. "Why? Hindi ka ba si Raine Ellaine San Agustin?!"

"Kuya naman eh!" Sabi ko sabay tampal sa braso niya na ikinatawa niya. "What if nga lang!"

Tumigil naman ito sa pagtawa at nagkibit-balikat. "Then I'll accept it. Ang mahalaga nakilala ko sila na tunay kong pamilya at ang mga Martinez."

"Sasama ka ba sa kanila at iiwan ang mga Martinez kung sakali?" Tanong kong nagpa-seryoso sa kanya.

Tumagal pa ng ilang minuto bago siya sumagot. "No. Masaya akong nakilala sila pero... hindi ko iiwan ang kinalakihan kung buhay. Hindi dahil sa yaman o kung ano pa man, kung hindi dahil... napamahal na sila sa akin." Ngumiti siya sa akin. "At siyempre kayo ni Tita M."

"Hey." sabay kaming napatingin sa kararating lang na si Care. Simula talaga ng may mangyari kay Leon, medyo lumamig na siya sa lahat. Ito ba yung sinasabi ni Pula noon? Ang masungit na Cazius Eros Martinez.

"Hi!" Pagbati ko.

"Hey, dude!" Bati naman sa kanya ni kuya Blessing.

"Kain?" I asked him.

Tumango naman ito sa akin at bahagyang ngumiti. "Bili lang ako."

"Sekreto lang natin yung sinabi ko kanina ha?" Bulong sa akin ni kuya Blessing ng makaalis na si Care para bumili ng pagkain nito.

"Why? Nahihiya ka 'no? Ayiee!" Tudyo ko sa kanya.

Agad naman siyang umayos ng upo at nag-iwas ng tingin. "Hindi ah." aniyang namumula naman ang magkabilang pisngi.

Hayst. Mabuti na lang at hindi na namin muling napag-usapan iyon ni Kuya Blessing. Bakit ko pa ba kasi natanong sa kanya iyin? Baka mamaya ay mahalata niya pang may pino-problema ako.

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng kausapin ako ni Ms.Cathy tungkol sa bagay na hindi ko naman alam. Isang linggo na rin ang nakalipas ngunit hindi ko pa naiisauli kay Skylier ang singsing niya. Ni hindi ko nga iyon malapitan upang maka-usap dahil napaka-ilap niya sa mga tao dito sa eskwelahan, maliban kay Ms.Cathy.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may relasyon ba sila. Maging ang ibang mga estudyante ay iyon din ang usap-usapan. Wala naman kasing nakakapagpatunay kung may tagong relasyon nga ang dalawa.

Pero nagulat na lang ako na isang araw, nasa harap ko si Skylier.

☆★☆

My Stepbrothers and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon