KABANATA 18

2K 52 0
                                    

Warning

Raine's POV

"Umm.. hi?"

Akala ko ay tititig na lang siya sa akin ng magsalita siya.

"Can we talk? In private?" He coldly said.

Tumango naman ako bilang sagot at sinundan siya papunta sa gusto niyang lugar. We end up sa mini garden ng school.

"You're not safe here anymore."

Natigilan naman ako. May nalalaman din siya tungkol sa akin? Kasama niya ba si Ms. Cathy?

Kinalma ko ang sarili ko at mariin siyang tinitigan.

"Who are you? Kasamahan mo ba si Ms. Cathy?"

"Hindi na mahalaga kung sino kami. Raine dapat--"

"No! Sabihin mo nga, sino ba kayo? Anong kailangan niyo sakin? Dahil sa pagkakaalam ko, wala akong atraso sa ibang tao."

Bumuntong hininga naman ito. "I'm sorry, pero hindi ako ang dapat magsabi sayo niyan."

"Fine. Kung ayaw mo, wala na dapat tayong pag-usapan." tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo ng muli siyang magsalita.

"Nasayo ang singsing hindi ba?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Oo. Wag kang mag-alala ibabalik ko rin iyon sa--"

"Wag kang maniwala sa mga sinabi niya." pagputol niya sakin. "Isuot mo ang singsing."

Humarap naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "And why would I do that?"

"So we can track you easily." sabi niyang nagpalaglag ng aking panga.

"You mean..." nanlalaking matang ani ko.

That ring... is a tracking device?!

Tumango naman siya bilang pag-sangayon sa bagay na tumatakbo sa utak ko ngayon. What the hell.

"At inaasahan mo talagang susuotin ko pa iyon sa kabila ng mga nalaman ko?" Di makapaniwalang sabi ko.

Nagkibit balikat naman siya at ngumisi. "Kung gusto mong maligtas kaagad sa oras na nangangailangan ka. Oo."

"Sandali!" Pigil ko sa kanya ng maglakad na siya paalis.

Lumingon naman ito at nakapamulsang humarap sa akin. "What?"

Nag-aalinlangan akong magtanong tungkol sa kanina ko pang iniisip pero, baka may alam siya hindi ba?

"Kilala mo ba si Prince? Prince Valenciano?"

Matagal muna siyang tumitig sa akin bago walang emosyong sumagot. "Yeah."

Huminga ako ng malalim. "Tracking device din ba ang kwintas na binigay niya sa akin noon? At, alam mo ba kung bakit o sino ang pumatay sa kanya?"

"Maybe yes, maybe no. Siya ang makakasagot sa tanong mo dahil siya naman ang nagbigay sayo at hindi ako. At kung alam ko man o hindi ang nangyari sa kanya, hindi ko iyon sasabihin sayo." aniya at umalis na.

Naiwan akong naguguluhan sa mga sinabi niya. Isusuot ko ba ang singsing? Siguro hindi na. Nagkaroon na ako ng takot na magsuot ng kung ano mang alahas o kung ano man. Pero paano nga kung tama siya? Na makakatulong iyon kung sakaling mangailangan nga ako ng tulong? Pero bakit naman ako mangangailangan ng tulong kung sakali? Ugh! Gulong-gulo na ako.

"Malapit mo ng malaman ang totoo, prinsesa. Kaya wag ka ng masyadong mag-alala."

Hindi ko siya nilingon at nanatiling tahimik. Masyado na akong maraming iniisip. Tipong nagkapatong-patong na, kung pwede lang ay tumigil na muna sila. Can't they give me a time to rest even just a bit? God, I'm exhausted! Too much information, sucks.

"F.I.S.T. and you're one of us."

"Hindi niyo ako katulad, Ms.Cathy. Kung sino o ano man kayo." madiin kong sagot.

"Let's see." lilingunin ko na sana siya ng marinig ko ang boses nila Riz at Red na papalapit.

"Zup bakla, andito ka na pala."

"Ulannn!!!"

Ngumiti naman ako sa kanila bilang tugon sa kanilang pagbati. Nakalimutan kong magkikita nga pala kami rito sa mini garden at sakto namang dito napili ni Skylier na makipag-usap sa akin.

"Bakit ang tagal niyo, kanina pa kaya ako dito!" I said and fake a smile. Mabuti at hindi nila naabutan ang dalawa kong kausap kanina.

Not that hindi ko sila pinagkakatiwalaan kaya't linilihim ko ang mga nangyayari sa akin pero ayoko lang silang madamay sa pinoproblema ko.

Kung tutuusin mas gusto ko nga yung ganito lang kami. Normal teenagers, nag-uusap about girly stuffs and all. Hindi yung kung ano-anong kababalaghan ang mga nangyayari.

"Hoy hindi kami late ha! Maaga ka lang kaya." sabi ni Red at umupo sa bench na malapit.

Tumango naman si Riz bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "Oo nga. Bakit maaga ka? Nagka-himala na ba? Nagugulat na ako sa inyo ni Pula ha."

Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at nanahimik.

"I suddenly miss my brothers."

Nagulat ako ng sumabat ang dalawa. Nalakasan ko yata ang pagkakabulong ko.

"Correction bakla, stepbrothers."

"You miss them, huh?" Taas kilay naman na tanong ni Riz.

Napabuntong hininga naman ako. Wala akong gana para tumanggi. Kung may lakas lang sana ako ay tangging pakamatay na ako rito sa dalawa. But I think, masyado akong na-drain sa dalawang taong nakausap ko kanina.

"Whatever you say," irap ko sa kanila. "I just miss the old days." madamdamin kong ani.

"Aww, our beshy here is so dramatic." pag-arte ni Pula habang ma-drama pang tinatapik-tapik ang balikat ko.

Napabunong hininga at napailing si Riz na kalaunan ay napangiti rin. "Mall?"

The next thing I know nasa isang boutique na kami at pumipili ng matipuhan naming mga damit.

"Do you guys think I'm pretty with this dress? It looks bagay to me." maarteng ani ni Red habang pinapakita sa amin ang isang itim na dress with a very weird design.

Nagkibit balikat si Riz sa tanong niya pero nag-komento naman ito ukol sa damit. "In fairness ha, conservative at hindi revealing. Naniniwala na talaga ako sa himala." Riz chuckled.

Inirapan siya ni Red at nakangiting humarap sa akin. Expecting that she will have a better comment on me.

"Uhm..." nag-aalinlangan akong sabihin sa kanya ang nasa isipan ko pero wala namang masama kung magsasabi ako ng totoo hindi ba? "Ang panget niyan, hindi bagay sayo. It actually reminds me of my grandmother dresses."

Laglag ang panga nito, samantalang halos balutin na kami ng napakalakas na tawa ni Riz.

"What?! Bagay kaya sa akin!" Protesta ni Red na halos umusok na ang ilong.

"Hindi sa napapangitan ako sa mga damit ni lola pero hindi talaga yan bagay sa iyo." dagdag ko upang huminahon ito kahit paano.

"Bakla, ayos lang yan. No offense meant, but I think mas bagay talaga sayo ang mga revealing na damit kaysa ang mga pang conservative." Natatawang sabi ni Riz.

Padabog naman na ibinalik ni Pula ang damit at naghanap muli ng iba. I bit my lips to prevent my self from laughing also, baka lalo pa siyang magalit.

Nasa labas na ang dalawa ng boutique para roon ako hintayin matapos kong mabayaran ang mga pinamili ko. Napagdesisyunan naming lumipat ng ibang boutique dahil wala naman silang mapili rito.

"Thanks." Sabi ko at inabot ang aking mga pinamili.

Akmang aalis na ako ng may mamataan akong isang pamilyar na tao. I am totally shock when I so him here, pero mas natuon ang atensyon ko sa babaeng kasama niya.

Sinong kasama niya at anong ginagawa niya rito?

☆★☆

My Stepbrothers and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon