EXTRA CHAPTER 7

1.4K 36 1
                                    

Leonard "Leon" Martinez

Leon's POV

"Raine Ellaine San Agustin po, nice to meet you, mga kuyas!" I secretly raised my one eyebrow when she said that.

Kuyas? Ayon sa pagpapaimbestiga ko, mas matanda siya sa akin ng isang taon, ha? And I don't have any wrinkles! Do I look like an old man now, like my older brothers?

Nah! I'm too handsome to be old like them.

Napalingon ako ng bumaba siya galing sa kanyang kwarto, napalunok ako ng makita ang kanyang suot. She's... wet?

Lihim kong iniling ang aking ulo. Stop it, Leon! You're being warned about this! Just, just look away. Yeah, don't look on her. She's a temptress!

But fuck! Why do I have to feel this shit?! Why do I have to feel this jealousy? Pero bakit... bakit kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya dahil lang alam kong mas nauna na si Kuya Brave sa kanya. Na mas nauna siyang nakilala ni kuya Brave. What is this? First come, first serve?

Hell! I'll fight for it! I'll fight for my damn feelings! I can! I will! Only if she loves me too. But she's not...

Yes, mahal niya ako. Mahal niya ako bilang kapatid. Pero hindi ako ang tipo ng taong mananahimik lang sa isang tabi.

Pabalibag akong tinulak ni Kuya Brave sa pader sama kwinelyuhan. Napangisi ako sa kabila ng walang emosyon niyang mukha. His grip tighthen more, nainis yata sa naging reaksiyon ko.

Sa isiping iyon ay natawa ako.

"What's that Leon? Sa tingin mo ba dahil sa mga inamin mo sa kanya ay mamahalin ka na rin niya pabalik? Nagmamakaawa ka ba, Leon?" Mahina ngunit madiin niyang sabi.

"Natatakot ka ba, kuya?" Nang-uuyam kong tanong sa kanya. The next thing i know,  nakasalampak na ako sa sahig at hawak na ang pisnging sinapak niya.

Natatawa na lamang akong napailing at dumura ng may malasahang dugo. Sana naman ay magaling na ito bago pa ako umalis.

"Shit, Brave!" Rinig kong sigaw ni kuya Wonder sa kung saan.

Agad ako nitong inalalayan patayo saka sinamaan ng tingin si Kuya Brave na tila natauhan sa kanyang ginawa.

"Sorry..." mahinang bulong nito na narinig ko pa rin,  tumango na lang ako sa kanya bilang tugon. I understand him, this is love. Love can hurt other people.

"Pull your shits together, Bricks Raven." Kuya Wonder said using his authorative voice and then he accompany me to my room. Kakatapos lang ng kasal nila papa kanina at ganito na ang nangyari. Nice one, Leon. Nice. Hindi ka talaga nag-iisip minsan.

Pumikit ako sa aking upuan at sinubukang matulog. Mahaba pa ang biyahe patungong L.A. at wala akong magawa sa eroplanong ito. Can someone explain to me, why the hell I choose to ride this public plane even though we have our own?

Oh, yeah. For the last time I tried to impress Ella.  Sana na appreciate niya ang pagiging humble ko. Na-imbis mag-solo ako sa eroplano namin ay nandito ako sa bulok na eroplano na ito at nagtiya-tiyagang marinig ang malakas na hilik ng lalaking nasa harap ko.

"P're! P're, gising!" Sabi no'ng isang lalaking katabi nung naghihilik. Agad naman itong nagising at nag-unat pa.

Nagpasalamat na lang ako sa Diyos na humupa na ang ingay na ginagawa nito. Napailing na lang ako at makikinig na lang sana sa spotify ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Yan na ba yung Raine Ellaine San Agustin? Dalaga pa pala, eh." Batid kong nakangisi ito sa kanyang boses.

"Oo p're. Sayang nga lang at mamamatay ng maaga." Sagot naman ng isa na nagbigay ng takot sa aking pagkatao.

Sino ba sila? Teka, si Ella ba talaga ang tinutukoy nila? Sinubukan kong silipin ang litratong pinapakita ng lalaki at gayon na lamang ang panlalamig ng katawan ko ng makitang si Ella nga 'yon!

Shit. Who are these fuckers? Anong kailangan nila sa kay Ella?

"Sir, akin na po ang mga gami--" bago pa man matapos ng bodyguard ko ang sinasabi niya ay agad ko ng hinagis sa kanya ang dala kong bag at hinanap ang dalawang lalaki kanina.

Nakita ko silang palabas na ng paliparan kaya't mabilis ko silang sinundan, hanggang sa makarating kaming parking lot ng airport.

Nagtago ako sa malapit na pader saka sila pinagmasdan sa di kalayuan. May mga kasama na ito at halos lahat sila ay mga nakaitim at armado. Kapansin-pansin din ang malaking emblem na nakatatak sa kanilang mga suot na t-shirt na natatago  sa ilalim ng kanilang mga jacket. A death symbol.

Nang nagsimula na silang magsi-alisan sa parking lot,  umalis na rin ako sa pinagtataguan ko at binalikan ang mga guwardiya kong naiwan. Kailangan kong sabihan sila kuya Brave na nasa panganib si Ella! Shit, bakit ko ba iniwan ang phone ko sa bag?

Akala ko ay ayos na, pero mali pala ako. Dahil bago pa man ako makabalik sa loob ng paliparan ay hinarang na ako ng isang babae. "Sorry, kid. But this is not a game anymore." Nakangising sabi nito bago ako binaril. Tila nabingi ako at tumigil ang pagtibok ng puso. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat ay nabasa ko ang nakasulat sa emblem nito.

"T-thana..."

Nagising ako mula sa matagal na pagkatulog, ilang araw na ba ang lumipas?

Nang malaman kong nawawala si Kuya Brave at Ella ay kinutuban na ako ng masama ngunit hindi ko magawang sabihin ito kahit kanino, hindi ko alam kung paano.

The emblem... what is it again?

Naabutan kong mag-isang umiinom si Kuya Brave sa bar island sa ilalim ng gabi. Ilang araw na rin mula ng nakauwi siya rito ng hindi kasama si Ella. At kahit hindi pa siya nagsasalita alam kong nakakaramdam na rin ang lahat sa tunay na nangyari. "She's in danger, right?"

Hindi naman ako nito sinagot o liningon man lang. Patuloy lang ito sa pag-inom kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Umupo ako sa kanyang tabi at kumuha rin ng alak na maiinom. I think he deserve to know my story. "May nakasabay akong mga lalaki noon sa eroplano papuntang Los Angeles... They're talking about Ella's death." Sa pagkakataong ito ay nakuha ko na ang kanyang atensyon. Kumuyom ang mga kamao nito at sunod-sunod ang ginawang pagtungga sa alak.

"Noong una, ayaw kong paniwalaan na siya nga iyon. Kaya sinundan ko sila.  Only to found out that they are a big organization.  Sila ang bumaril sa akin, Brave. The THANA mafia organization."

The day when Ella revealed herself, hindi na ako masyadong nagulat. Alam kong may posibilidad na mangyari nga ito.  Mafia's. Damn, I got curious to them, kaya sa nakalipas na taon, hindi na ako nagtaka sa kung nasaan man ako ngayon.

☆★☆

My Stepbrothers and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon