KABANATA 34

1.4K 41 0
                                    

F.I.S.T

Raine's POV

Six months of training is a hell for me. Gaano ba kahirap maging mafia? Simple, you should be a demon on fighting and you should be heartless. Sa loob ng anim na buwan ay tinuruan muna nila ako mentally. Kung paano ko ihahandle ang mga pagkakataong may mamatay sa aking harap, kasamahan man o kalaban. They trained me how to be like a demon that no conscience on killing people lives.

May mga pagkakataon ring may dinadala silang isang kalaban at sa akin nila pinapapatay. It's immoral, but they say it's fine. We're mafia's after all. Hindi maiiwasan ang pagpatay sa mundong kinabibilangan namin.

Sa ilang buwan kong pananatili rito natutunan ko na ring tanggapin sa aking sarili na hindi normal ang buhay ko. That i'm not a normal teenager with a normal life anymore. Isa na akong mafia.

Sa loob ng anim na buwan ay natuto na akong kontrolin ang sariling emosyon at lumaban na hindi ginagamit ang puso. Dahil ang mafia ay isang oraganisyon na ang emosyonal ay talo.

We are F.I.S.T - Fearless, Intelligent, Sexy and Trustworthy mafia's. Somehow, the meaning of our mafia name makes me smile. Ang witty ng nakaisip.

I wonder kung bakit hindi niya nilagay ang adjective na 'brave' hindi ba kami matapang?

Damn. Bakit ba kasi kapangalan nila ang ibang adjective? And damn our crest. It was a lion.

Kamusta na kaya silang pito? Did they miss me? Naaalala pa Kaya nila ako? Siya kaya? Did he still loved me after six long months? Matatanggap pa kaya nila ako sa kaalamang may mga pinatay na akong tao at hindi man lang ako nakaramdam ng konsensya o awa? Maybe not. Who will love a killer, anyway?

"Raine." Tawag sa akin ni Cathy.

Ang sabi niya sa akin noon ay codename lamang nila ang mga pinakilala nilang pangalan. Her true name is Katherine Mae Gonzaga. Siya pala yung nagbigay ng mensaheng galing kay 'KMG'. She also told me na wag na siyang i-miss, mas mataas naman daw kasi ako sa kanya dahil ako ang anak ni Alejandro Quinston. Kaya ang sabi ko naman sa kanya ay wag na rin akong i-miss dahil mas matanda siya sa akin at kung hindi niya ako susundin ay hindi ko siya papakinggan.

Sa lahat kasi ng sector, ang royals ang dapat na galangin ng lahat ng sector. At ang mga natira ay pantay-pantay dapat ang turingan.

"Why?" tanong ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata.

Kakatapos ko pa lang mag-ensayo kung paano bumaril kasama ni Skylier isang oras na ang nakararaan. May isang linggo na lang kasi akong training bago sumabak sa tunay na ensayo.

"Wala sinusubukan ko lang na tawagin ka. Sigurado ka na bang iyon ang gagamitin mong codename, Eniarine?" natatawang ani niya.

Kung nakamulat lang sana ako ay inirapan ko na siya. Anong masama sa paggamit ng dati kong pangalan? Tsaka, mas maraming nakakakilala sa akin sa pangalang iyon, not that magpapakita pa ako sa kanila. Pero naiintindahan ko naman si Cathy. Hindi na kasi kami pwedeng magpalit ng codename sa oras na mairehistro na namin iyon.

"Yeah. Hindi pa rin kasi ako masyadong sanay sa Eniarine."

"An--" akmang may sasabihin pa siya ng malakas na bumukas ang pinto at umalingaw ang malakas na sigaw ni Skylier.

"Baby Princess!"

Agad akong nagmulat ng mata at ngumiti. Skiet Alonzo a.k.a Skylier Toronzo. Sa loob ng anim na buwan naming pagsasama ay lalo ko silang nakilala lalo na siya. Kung ang Skylier na nakilala ko ay masungit ang Skylier naman na nakilala ko sa anim na buwang nakalipas ay napakalambing at maalaga. Hindi ko nga inaasahang magiging kaibigan ko siya.

"Kailangan mong mag bihis!" sabi niya habang naghahalungkat ng pwede kong maisuot sa damitan ko.

Nagkatinginan naman kami ni Ms.Cathy at parehas kaming nakakunot ang noo.

"Bakit naman? Magtri-training ba ulit tayo?" Litong tanong ko.

"Hindi! Tumawag kasi si Duay, iniimbita ka sa F.I.S.T. base 2 para doon ka naman mag-training!" Excited na sabi nito saka hindi tumitinging kumuha ito ng aking underwear bago ibigay sa akin. Hindi naman ako nailang dahil gumamit naman siya ng damit pang-kuha.

Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Cathy. "What? Bakit naman daw?"

Umikot naman ang mga mata ni Skylier sa kanya. "Alangan, do'n nila balak tapusin ang huling linggo ng pag-iensayo ni Baby Princess. Ano pa ba?"

"Pero bakit naman doon pa?" Tanong ko. Dahil kung ang base 1 ng F.I.S.T ay nakabase sa Asya, ang base 2 naman ay nakabase sa Hilaga at Timog Amerika.

Nagkibit-balikat naman si Skylier. "Ang alam ko lang ay dapat ka ng pumunta roon ngayong araw na ring ito. Tapos sila Duay na lang ang magpapaliwanag sa'yo pagnakarating ka na roon." Aniya sabay hagis sa akin ng malaking bag. "Bilisan mo ng mag-ayos, handa na ako."

Hindi gaya sa Pilipinas mas high-tech ang mga kagamitan dito sa California, USA. Kahapon pa kami nakarating dito at agad naman na akong nakapag-adjust.

"Nice car." Rinig kong bulong ni Cathy sa aking tabi habang nakatingin sa isang pulang kotse na hindi ko alam ang pwedeng gawin.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Skylier. "Kung bakit naman kasi sa Pilipinas pa ako na-aasign." Tila nanghihinayang na ani niya.

"Syempre tanga ka." Sagot sa kanya ni Cathy.

Napailing na lang ako kanilang dalawa ng mag-umpisa na silang mag-away. Kung bakit naman kasi silang dalawa pa ang nakasama ko dito.

Huminto ang babaeng nauunang maglakad sa amin sa harapan ng isang pinto. Gumilid ito at yumuko ng biglang magbukas ang pinto at lumabas ang isang matangkad at maputing lalaki na sa tingin ko'y ilang taon lamang ang tanda sa akin.

Nakangiti ito sa akin at bakas ang tuwa sa mga mata nito. Bahagya itong yumuko sa akin. "Welcome back, Ms. Eniarine Fortalejo."

"I am F25 Roz Duay, madam. A fister. I am the current leader of F.I.S.T base 2, quarter 15. It's an honor to meet you, madam." Pakilala nito. Tumango naman ako at ngumiti.

Naglakad kami papunta sa isang puti at malawak na kwarto. "F34 Skylier Toronzo told me that you invited me here to train me in my last week of my training program. I assumed that my parents know about this?"

Hindi naman nawala ang ngiti sa mukha ni Roz, taliwas sa inaasahan ko. Umupo ako sa kabisera ng isang mahabang lamesa. Sa kanan ko naman ay si Cathy at ang katabi niya ay si Skylier. Umupo naman sa aking kaliwa si Roz.

"Yes, of course, madam. Actually, they are heading here for any minute now."

Ako naman ang natigilan at napatulala saglit. Papunta dito ang tunay kong mga magulang? Makikita ko na ba sila?

"Why?" Nagtataka naman silang napatingin sa akin dahil sa naging tanong ko. "I can finish my training in the Philippines, so why should I continue my training here?"

Saglit namang natigilan si Roz at mukhang nag-iisip ng maisasagot sa akin ng biglang tumunog ang isang intercom at nagsalita ang boses ng isang babae.

"The royals are here. Please show respect."

Lahat kami sa loob ng kwartong iyon ay natigilan lalo na ako. They are here. My parents. Tumingin sa akin si Roz at tipid na ngumiti. "I think it's better if they are the one to tell it to you."

Pagkasabi niya sa mga salitang iyon ay biglang bumukas ang pinto at agad kaming napatayo.

☆★☆

My Stepbrothers and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon