KABANATA 3

3K 108 9
                                    

Family Dinner

Raine's POV

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ng aking sasakyan ng makita kung anong oras na. Ang bilin pa naman sa akin ni tito L kanina bago ako umakyat ng kwarto ay may family dinner kami ngayon!

At late na ako ng 30 minutes! Ghad, nakakahiya. Napasobra ako sa pakikipag-bonding sa dalawang bakla!

Agad-agad akong lumabas sa aking sasakyan at pumasok na sa loob ng bahay. Tahimik naman ito, parang walang kakaibang kababalaghan ang magaganap.

Pero, saan ba muna ako pupunta? Sa kwarto o sa hapag?

Napatingin naman ako sa suot kong damit, at akmang lalakad na papunta sa aking kwarto ng may marinig akong nagsalita sa aking likuran.

"Anong oras na?"

Agad akong napatigil ng marinig ang malamig na boses na galing lamang sa aking likuran. Bakit pakiramdam ko anumang oras mahihimatay na ako?

Tinignan ko muna kung anong oras na sa wrist watch ko, bago ko dahan-dahang liningon ang taong nasa likod ko.

Isang gwapong nilalang ang bumungad sa akin. Kapansin-pansin rin ang dalawa niyang maliit na nunal sa gilid ng kanyang labi.

"8:30." sagot ko. Teka sino ba 'to?

"Alam mo naman pala eh. So why are you late?" sabi naman ng isa pang lalaki, na sa tingin ko ay mas bata sa akin ng isang taon? Pero hindi masyadong halata dahil ang mature niyang tignan.

Ghad, ano bang problema ng mga lalaking 'to, kasalanan ko bang nakalimutan ko?!

Yeah, kasalanan ko nga talaga.

Sasagot na sana ako ng may isang pang lalaki ang dumating.

"Kuya Given, Leonard, tinatakot niyo naman yata ang sissy natin?" sabi nito at tumawa.

Wait, sissy? Wow ha. Na-shock naman ako.

Hmm, chinito siya at ang amo niyang tignan.

"Tayo na sa hapag-kainan mga kapatid, pinapatawag na tayo ng kamahalan." sabi muli nito at tumawa.

Sininghalan lang naman ako nung dalawang lalaking nagtatanong kung anong oras na, na sa tingin ko ay Given ang pangalan at umalis na. Umirap naman sa akin yung medyo bata pa, na sa tingin ko ay si Leonard, bago umalis. Kaya naiwan na lang ako kasama ni Mr.Sissy guy.

"Uhm, mag papalit pa sana ako ng damit." naiilang na sabi ko.

Ngumisi naman ito bago ako hinawakan sa braso at banayad na hinila.

"Alam mo maganda ka na, kaya wag ka ng mag-abalang magpa-ganda pa lalo. Baka may ma-baliw." sabi nito na ikina-pula ng pisngi ko. Baliw na lalaki.

Nang makarating na kami sa hapag kainan agad kong napansin si mama at tito L.

"Raine anak, mabuti naman at nakauwi ka na." sabi ni mama sa akin.

"Ah, opo. Pasensiya na late po ako, hindi ko po kasi napansin yung oras." Sunod-sunod na paliwanag ko.

Pinaghila ako ng upuan ni Mr. Sissy guy, kaya nagpasalamat ako. Ngumiti lang ito at umupo sa katabi ko lang na upuan.

"Naiintindahan ka namin, hija. Nga pala, mabuti naman at mukhang kilala mo na si Care." sabi ni tito L. Na kasalukuyang nakatingin sa katabi kong lalaki na prenteng nakaupo.

"Ah, opo. Nakasalubong ko po siya kanina sa sala." sagot ko.

Ngumiti na lang si tito L sa akin bilang sagot, at inikot ang kabuuan ng hapag. Inumpisahan ko na ring igala ang aking mga mata.

Si tito L ang pinaka-dulo, sa kanan niya ay si mama na may katabing lalaki na malawak ang ngisi sakin, ngising pang manyakis, pero masasabi kong gwapo ito. Bakante naman ang upuang katabi nito, may darating pa siguro?

Pagkatapos ay yung lalaking nakasalubong ko rin kanina, kung di ako nagkakamali, Given ang pangalan niya. Sa kaliwa naman ni tito L, ay isang lalaki na pinakapanganay yata sa aming magkakapatid? Seryoso ito kung makatingin, sunod naman ay ako, at yung lalaking humatak sakin dito na Care raw ang pangalan.

Katabi ni Care ang isang lalaking may maamong mga mata,actually he's familiar di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita, kamukha niya yung Given, di kaya kambal sila? Ang pinagkaiba nga lang, isa lang ang nunal niya sa gilid ng labi at yung isa mukhang mabangis na tigre at siya naman ay maamong kuting. Sa huli naman ay ang gusot na pagmumukha ng lalaking nagngangalang Leonard.

"Where's Brave? Siya na lang ang kulang." tanong ni tito L sa lalaking seryoso.

"Nasa daan na sigu--" natigil ito sa pagsasagot ng makarinig kami ng mga yapak patungo rito.

Pumasok ang nakapamulsang lalaki sa hapag at mariing tumitig kay papa, naka white t-shirt at maong shorts lang ang lalaki pero sumisigaw ang matipunong katawan nito, black na black ang kulay ng buhok gayundin ang mga mata nito, matangos na ilong at manipis at mapulang labi na parang naka-lipstick na nga ito.

"Sorry, I'm late." sabi nito sa malalim na boses.

What the hell, Raine Ellaine San Agustin? Bakit ang dami mong napapansin ngayon, huh?

"Pa-grand entrance eh?" Bulong ng bunsong Martinez na rinig naman naming lahat.

"Mabuti naman at nakarating ka na. Hindi pa naman kami nag-uumpisa." sabi nung seryoso, at mariing nakatitig sa lalaking bagong dating.

Sa pananalita nung seryosong lalaki, parang hindi naman simpleng family dinner ang gagawin namin. At sa sobrang tahimik nila na parang may multong dumaan, pati si mama walang kibo, awkward.

"Maupo ka na rito, hijo" ani ni tito L. Agad namang umupo sa bakanteng upuan ang lalaki.

Pagkaupo ng lalaki agad na nagkatama ang aming mga mata, pero umiwas din ako agad, kakilabot. Buti na lang di kami magkatapat ng upuan, pero katapat ko naman yung lalaking kanina pa nakangisi sa akin, di ba siya nangangawit?

Tumikhim si tito L at akmang magsasalita pero hindi naman tinutuloy.

"I think, we should eat. Alam kong gutom na kayang lahat." sabi ni mama, na agad naming liningon.

Ngumiti lamang ito at inilahad ang mga pagkain na nakahain sa aming harapan.

"Tama ang Tita Miranda niyo, masarap kumain habang nagkwe-kwentuhan at habang mainit-init pa ang mga pagkain." sabi ni tito L na bahagya pang tumawa ng pilit bago magsalita.

May narinig naman akong nasamid sa di kalayuan. Wala pang kumakain, may nasasamid na?

"Kwentuhan ba talaga?" bulong na naman nung Leonard.

Ano bang problema ng bunsong Martinez na 'to? Ang hilig bumulong pero rinig naman ng lahat. Teka, bulong pa rin ba talaga yun?

Nasa kalagitnaan kami ng tahimik na pag-kain, ng biglang magsalita si tito L.

"Sons," pag tawag atensiyon niya sa kanyang mga anak. Pero lahat naman kami ay liningon siya. Si mama lang ang umayos ng upo at nginitian kami.

"Alam kong kilala niyo ng lahat ang Tita Miranda ninyo." sabi nito, na ang tanging tumango lang ay yung seryosong lalaki, yung naka-ngising lalaki, si Care at yung katabi niyang may maamong mukha.

"Ngayon, gusto ko namang ipakilala sa inyo, ang anak ng Tita ninyo, Raine hija." pagtawag sakin ni tito L.

Tinignan ko muna ang mga lalaking nakapalibot sa akin ngayon na nakatitig sa akin, kulang na lang ay malusaw ako sa paraan ng pagtitig nila.

"Raine Ellaine San Agustin po, nice to meet you, mga kuyas!" masiglang pakilala ko.

☆★☆

My Stepbrothers and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon