Wedding
Raine's POV
Mabilis lumipas ang mga araw at mabuti na lang ay hindi naman na ganoon nangungulit si Aries. Minsan, sinusubukan niya pa rin akong kausapin pero umiiwas na agad ako.
Hanggang sa sumapit na ang araw nila Tito L at mama. Siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili kong tawagin siyang papa?
"Masayang masaya ka ma, ha?" nakangiti kong sabi kay mama.
"Excited lang ako para bukas anak. Ikakasal na kami ng tito Lyndon mo."
Ngumiti na lamang ako bilang tugon. Masaya akong malaman na masaya si mama.
"Paano ma? Kwarto lang ako ha. Pahinga ka na rin po. Good night!" paalam ko.
Malapit na ako sa aking kwarto ng makitang nakaabang doon si Leon.
"Hi!" bati ko.
"Can I talk to you? Sa garden." tugon niya.
"Okay lang naman." sagot ko at sinundan siya.
Sa ilang buwan kong pamamalagi dito sa mansion ng mga Martinez, hindi ko pa rin makabisado ang ilang lugar dito, minsan nga naliligaw pa ako pero mabuti na lang at may nakakasalubong akong ilang kasambahay.
Tumigil siya sa paglakad at umupo sa isang bench doon, umupo rin ako sa tabi niya at nanatiling tahimik. Hanggang sa basagin niya ang katahimikang bumabalot sa amin.
"What's your first impression to me, Ella?" tanong niya.
"Hmm.." binalingan ko siya habang nag-iisip. "Masungit. Lagi mo kasi akong iniirapan eh, tapos yung una pa nating pagkikita ang dilim ng aura niyo ni kuya Given." I chuckled.
Natawa rin ito at nakangiting tumingin sa akin. "And then?"
Inalala ko ang mga pagkakataong magkasama kami.
"And then, nakausap kita at nakasama, kaya naisip ko ang sweet mo din pala kahit paano." tumawa ako para maitago ang hiyang nararamdaman.
Umiwas naman siya ng tingin sa akin.
"You're cute," napabaling ako sa kanya. "na hindi lang ako ang nakapansin."
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.
"I like you, Ella."
Naiwan akong nakatulala roon habang inuunawa ang mga sinabi niya. Matapos sabihin ni Leon ang mga katagang iyon ay umalis na ito.
Napahingang malalim na lang ako at mapait na ngumiti. Pero halos mapatalon naman ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko.
"You didn't like anyone of us, right?"
"Kuya Wonder... k-kanina ka pa diyan?" tanong ko pero hindi siya sumagot.
"Oh, I'm wrong. May isa ka palang nagugustuhan sa amin, and that's not me too."
"Kuya.."
"I liked you too, Raine. Ang kaso alam ko namang walang patutunguhan ang nararamdaman ko. Heto nga't ikakasal ang mga parents natin. Tsaka isa pa, alam kong hindi tayo parehas ng nararamdaman." nakatayo lang ako sa harapan niya. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya upang yakapin o hindi.
Bago pa ako makasagot ay umalis na rin ito. Damn. I should be happy right now, kasal ito nila mama. Pero paano ako magiging masaya kung ang dalawang taong pinahahalagahan ko ay umamin sa akin at wala akong magawa.
The wedding done well, though. At nasa reception na kami ngayon. Ayos lang ang pakikitungo sa akin ni Kuya Wonder, parang walang nagbago. Pero si Leon, medyo napapansin kong umiiwas siya.
BINABASA MO ANG
My Stepbrothers and I (COMPLETED)
Teen FictionOne, two, three, four, five, six and seven... Pito silang magiging kapatid ko in the near future. Kakayanin ko nga kayang makasama silang pito sa iisang bubong? Cliché it may sound pero, paano nga kaya kung ma-inlove ako sa isa sa kanila? It's a big...