KABANATA 16

1.9K 65 0
                                    

Death

Raine's POV

"Magkita tayo bukas, alas-dos ng hapon sa old library." matapos niyang sabihin ang mga iyon ay pinatay na niya ang tawag.

Kinabukasan ay napansin din nila Red at Riz ang kabalisahan ko. Kinakabahan kasi ako sa hindi malamang dahilan, kakaiba kasi ang boses ni Prince ng sabihin niya ang mga iyon kahapon.

"Samahan ka na lang kaya namin? Baka ma-paano ka pa eh." nag-aalalang sabi ni Riz.

"Sira, ang OA niyong dalawa hindi pa ba kayo nasanay sa boses nun? May pagka-cold. Tsaka isa pa, baka guni-guni mo lang yun, ulan. Duh, magkikita lang kayo dun sa tagpuan niyo-- este sa old library." mahabang saad naman ni Red.

"Kahit na ano! Paano pala kung may masama talaga siyang balak diba?" sabi muli ni Riz.

"Kung mangyari iyon--"

"Hindi niya magagawa iyon." pagputol ko kay Red. Sabay silang napabaling sa akin.

"Paano ka naman nakakasigurado?" tanong ni Riz.

"Aalis na ako. Tawagan ko na lang kayo kapag nagkaproblema." sagot ko at umalis ng hindi pinapansin ang mga pagtawag nila.

Paano ako nakakasigurado? Hindi naman ako sigurado eh, pero wala namang dahilan si Prince para gawan ako ng masama hindi ba?

Napa-aga ako ng 30 minutes pero ng makarating ako doon ay nandoon na rin siya.

"Am I late? Ang aga mo naman yata?" I asked him.

Tinitigan niya muna ako bago bumaba ang tingin niya sa suot kong kwintas. Ang kwintas na binigay sa akin noon ni Leon.

"Bakit yan ang suot mo? Nasaan ang binigay ko sayo?" Bakas ang galit sa kanyang mukha sa di malamang dahilan. Kaya ng humakbang siya papunta sa akin ay napaatras naman ako.

"Pasensiya na, kailang-- No!" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinablot niya ang kwintas na suot ko at tinapon kung saan.

"You shouldn't wear anything like this, except the things I'm giving to you, Raine!" sigaw niyang ikinalamig ng buong katawan ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot, lumuluha na rin ang mga mata ko. Pero wala siyang pakialam doon, mariin lang ang tingin niya sa akin.

"Why?" Nagpapasalamat ako sa sariling hindi nautal. "Bakit mukhang ikaw pa ang galit sa ating dalawa? I have the right to choose whatever I want to wear! At ngayon-ngayon lang, sinira mo ang isa sa mga importanteng bagay para sa akin! So, tell me! Anong kinagagalit mo samantalang ako ang mas may karapatang magalit dahil sa ginawa mo!" Natigilan siya.

"Ano? Nawalan ka na ng boses diyan? Hindi ka man lang--"

"Shut up, bitch. Wala ka rin namang kwenta." malamig na saad niya bago tuluyang umalis.

What the hell just happened?

Napahawak na lang ako sa kanang pisngi na malamang ay namamaga na dahil sa sampal niya. I can't believe he can do this to me, wala akong masamang ginagawa!

"Raine!"

Napaiyak na lang ako ng sabay akong yakapin ng dalawa kong kaibigan. At least, they here.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila ng mahimasmasan.

"We're worried of you, Raine.Kaya sinundan ka namin ng hindi na namin mapigilan ang pag-aalala." Riz said. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ano bang nangyari ha, Ulan? Nakita pa naming lumabas dito si Prince kanina, tapos umiiyak ka! Tell us, may ginawa ba siya sayo? Ano yun, huh?" Nag-aalala ring sabi ni Red.

I know their just concerned about me but I think hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ko yung nangyari kanina. Baka biglang magwala ang dalawang ito at hindi ko mapigilan.

Galit ako kay Prince ngayon dahil sa ginawa niya, pero may tamang pagkakataon para ikwento ko iyon sa kanila, may mas kailangan pa akong gawin muna ngayon.

"Ah wala, yun." I said and give them a warm smile. "Mabuti pa tulungan niyo na lang akong hanapin yung kwintas ko. Naputol kasi kanina."

Alam kong hindi sila naniwala sa mga sinabi ko, halong pag-aalala at pag-dududa ang nababakas ko sa mga mata nila. Pero salamat na lang at wala na silang sinabi pa at tinulungan na lang akong hanapin ang kwintas na binigay sa akin ni Leon.

After an hour nahanap na rin namin ang necklace, but sadly sira na ang nagsisilbing tali nito.

Pagkauwi ko sa mansion, agad kong tinago ang kwintas na binigay ni Leon sa akin. I feel sad because it felt like I'm the one who's responsible to take care of it, kaya kapag nasira ito ng kung sino, parang ako na rin ang mismong sumira dito.

Napatitig naman ako sa kwintas na binigay sa akin ni Prince noon. Nang sabihin niya sa aking lagi ko itong isuot ay sinunod ko siya, pero ng bigyan din ako ng kwintas ni Leon, syempre mas pipiliin kong isuot ang bigay sa akin ng kapatid ko.

Mahigpit kong hiniwakan ang kwintas na binigay niya. Ano bang meron sa kwintas na ito at gusto niyang lagi ko itong isuot?

Bago ko pa man masira ang kwintas ay binalik ko na ito sa lagayan. Naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina.

"You shouldn't wear anything like this, except the things I'm giving to you, Raine!"

What does it mean?

Napahawak ako sa suot kong singsing, it's the golden ring with diamond na sa tingin ko'y pag-aari ng lalaki noon na nakabangga ko.

Napagdesisyunan kong itago na lamang din ang singsing. At hindi ko ginagawa ito para kay Prince, kundi para sa sarili ko. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari kanina.

"Raine! Did you heard the news already?" tanong ni Riz sa akin kinabukasan. Bakas ang takot sa kanilang mukha.

"What news?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

Nagkatinginan naman silang dalawa ni Red sa isa't isa bago ako hinila palayo sa mga tao. Dumiretso kami sa condo ni Red.

"Anong ginagawa natin dito mga bakla? Malapit na ang class ko 'no!" sabi ko sa kanila.

Seryoso naman nila akong tinitigan, lalo na ni Red. Naasiwa tuloy ako lalo na't bihira lang naman siyang mag seryoso.

"Huy? Ano ba talagang ganap sa inyo mga bak--"

"Prince is dead."

Para akong binagsakan ng malaking bato at nabaon sa lupa. Gulong-gulo ang isip ko at hindi makapaniwala sa narinig.

"H-how? Paanong n-nangyari yun? Bakit? Kailan? Sino daw ang may gawa?" Sunod-sunod kong tanong. Natatakot akong ako ang pagbintangan. Selfish man pakinggan,pero yun talaga ang una kong naisip. Paano na lang kung ako ang pagbintangan?

Bumuntong hininga si Riz. "Relax. Hindi ka madadawit. Alam naming inosente ka, Raine."

Tumango naman si Pula at banayad na ngumiti sa akin.

"10 pm, kagabi ng matagpuan ang bangkay niya sa tinutuluyang condo. Ayon sa balita ay mukhang sniper daw ang bumaril dito at saktong sa ulo ito tinamaan. Pero wala pang nakakaalam kung bakit at sino ang may gawa." paliwanag ni Red.

Napa-upo na lang ako ng di namamalayan at agad naman akong dinaluhan ng dalawa. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

Naisip ko ang mga huling sinabi sa akin ni Prince ng magka-usap kami. Naguguluhan ako ngayon kung pagbabanta ba iyon at indirect saying na mag-iingat ako. Pero saan naman? Kanino?

☆★☆

My Stepbrothers and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon