Juan Derrick "Wonder" Martinez
Wonder's POV
I am a NBI Agent. Pero kahit anong talino at galing ko sa larangan na ito ay hindi ko pa rin pala malalaman ang tunay niyang pagkatao.
She' so cute why cheering Blessing's name, but at the same time she's annoying.
Bakit si Blessing ang chinicheer niya at hindi ako? Dapat ako 'yon, eh!
Sige Wonder, ichicheer ka niya habang lumalangoy kayo, tanga.
Napailing ako sa naisip at napanguso na lang. Badtrip din kasi 'tong si Worth, bakit ba kasi samin niya pa isinabay si Raine? Ang daya.
Alam niyang may isang magpapatalo sa amin para lang hindi mai-dare si Raine. Pero... bakit ba ako 'yon? Pwede namang si Brave? Hayst.
If I know si Worth lang ay may pakana ng lahat ng 'to sa tulong ni papa. Kailan ko kaya sila mahuhili?
Napabuntong hininga na lamang ako ng makitang ayos lang siya. God, she will be the death of me. Pinagmasdan ko siya na bagong ligo. Bakit hindi man lang siya nagpaalam? Akala ko ay nasa likuran ko lang siya kanina, tsk. Kailangan talaga ay hindi inaalis ang paningin sa babaeng 'to.
Kinuha ko na lamang ang damit na dala niya at magpapalit na sana ng makitang wala itong underwear. Natawa na lang ako sa sarili at nagbihis na lamang ng pang-itaas na damit.
"Agent Galario, please check out the area near the parking lot."
"Copy, sir."
Matapos kong magbigay ng utos sa isa sa mga kasamahan ko ay nagmasidmasid muna ako sa paligid. We disguised our selves as a civilian para hindi kami matunugan ng mga kalaban.
Ayon sa pinagkukunan namin ng impormasyon ay magkakaroon ngayon ng dealing ukol sa droga. At isang drug lord pa ang mangunguna rito.
He's brave, huh? Hindi ba siya natatakot na mahuli ng mga awtoridad? Oh well, nasa mall kami at maraming sibilyan ang maaaring madamay kung sakaling mamali kami ng hakbang.
Bahagya akong natigilan ng makita ang isang pamilyar na mukha. Fuck. Anong ginagawa niya rito?
"Sir, papasok na po ang sasakyan nila." Naagaw muli ang atensyon ko ng magsalita ang kasamahan ko sa kabilang linya.
"Okay. Just keep your eyes on them." Pagbigay ko ng utos. Habang ang mga mata ko naman ay sinusundan ang mga galaw ng tatlong kababaihan.
Ano bang ginagawa nila Raine dito sa mall? Shit, pag minamalas ka nga naman.
Our operation ended successfully. Nahuli namin ang drug lord at ang mga ka-transaction nito sa labasan ng mall at malapit ng umalis, na hindi pumapalya. Mabuti na lang rin at hindi kami nakagawa ng isang malaking eksena.
Matapos no'n ay hinabilin ko na lang ito sa mga kasamahan ko at bumalik na sa loob ng mall. Worth texted that I should go home now because he have an important announcement. Mabuti nang isabay ko si Raine.
Nakita ko sila ng mga kaibigan niya sa isang kainan. Lalapitan ko na sana ito ng bigla itong tumayo sa kanyang kinauupuan at nagmamadaling umalis. Marahil ay natanggap na rin niya ang text ni Worth.
Sinundan ko na lang siya hanggang sa makarating na siya sa lugar kung saan niya pinarada ang kanyang sasakyan,at doon lamang ako nagpakita. Buti na lang at nakita ko siya rito sa mall kanina, kundi ay mapapacommute ako ng wala sa oras. Pero sino nga bang linoloko ko? Ako? Si Juan Derrick Martinez magcocommute? Grab na lang, pwede pa.
Fine. I can call my drivers to fetch me here but, is it fun to commute sometimes? If it is not just hectic, I'm surely do it everyday.
I love seeing people around. Lalo na yung mga chicks. Ang swerte lang naman sa jeep ay kapag may nakatabi kang mabango at sexy na babae. Ang swerte mo talaga pag gano'n dude. Tapos bigla prepreno yung jeep saka mapapadikit yung mga bundok nila sa balikat mo. Damn boy! Minsan nga iniisip ko sinasadya nang ibang gawin iyon eh, kahit hindi kasi malakas yung preno ay sinasanggi talaga nila.
Sorry, girls. Pero hindi ako pumapatol... minsan lang.
Aaminin kong mga magaganda ang kaibigan ni Raine. Pero hindi ko naman sila balak na lokohin O kung ano pa man. It just that, that one girl is familiar.
Hindi ko naman alam na mas mahirap pa palang sagutin ang mga tanong ni Raine kaysa ang naging operasyon namin kanina.
Love. Yes, I've been in love. At sa kinamalas-malasan nga naman sa maling tao pa. Why so cruel, destiny?
Kapag hindi ka ba talaga mahal ng taong minamahal mo ay hindi na pwedeng maging kayo? Malabo bang mahalin niya rin ako?
She's my first love but sadly I'm not hers.
Ano bang ginawa ko noong past life ko at lahat na lang ng babaeng mahal ko ay hindi ako minamahal? Hindi ba ako deserving para mahalin?
I am falling to Raine but she's falling into someone else. When will you be good to me, destiny? If Raine is not my destiny, then who? When will I able to meet her? Sabik na sabik na akong maranasang mahalin din ng taong mahal ko.
She's charming. Lahat kami ay napamahal sa kanya.
Napatingin ako kay Brave na sumisimple kay Raine. Lucky bastard.
I was shocked when I learned that she's part of a mafia. Sa buong buhay ko bilang isang NBI agent ay hindi pa ako nakakatanggap ng isang misyon na may kinalaman man lang sa isang organisasyon na gaya nito.
Why? How? Paano siya napasama sa organisasyon na iyon? I did my background check on her! Sigurado akong malinis ang record nila ni Tita Miranda. Is she secretly join? No, she's not. Base sa mga matang nakita ko sa kanya ay parang hindi pa rin iyon masyadong nagsisink-in din sa kanya.
Napailing na lang ako ng mamataang mag-isang umiinom si Brave sa hardin. Base on the empty bottles na nakakalat sa lamesa ay mukhang may tama na siya.
Linapitan ko siya at kumuha ng isang bagong alak bago umupo sa kanyang tabi. "Stop drinking." Sabi ko na hindi man lang nakakuha ng tugon galing sa kanya.
Napailing na lang ako at hindi na nagsalita ng basagin niya ang katahimikan. "You're an agent, right?"
Natigilan ako roon at napipilan sa kanyang tanong. Mahina na lamang akong natawa kinalaunan. Wala talagang maitatagong sekreto sa aming pito. "Yeah, why?"
"Will you help me to find her?"
Saglit akong natahimik sa naging tanong niya at pinagmasdan lang siya sandali. He looks like a trash, actually.
Pwede kong gamitin ang kakayahan ko bilang isang agent ngunit ang kapalit naman no'n ay ang lisensya ko.
I sighed. Bakit ba naging ganito? Babe, Hindi ba pwedeng bumalik ka na lang dito? Na-enjoy mo ba diyan masyado?
Mariin akong tumingin kay Brave bago ngumiti. "Of course, i'll help you."
☆★☆
BINABASA MO ANG
My Stepbrothers and I (COMPLETED)
Teen FictionOne, two, three, four, five, six and seven... Pito silang magiging kapatid ko in the near future. Kakayanin ko nga kayang makasama silang pito sa iisang bubong? Cliché it may sound pero, paano nga kaya kung ma-inlove ako sa isa sa kanila? It's a big...