broke the rule...

996 23 1
                                    

[KATH'S POV]

Nandito na kami ngayon sa school matapos kasi naming pagusapan yung tungkol dun sa threat pinaimbistigahan ni kuya art kina blade at spade kung kanino galing yung threat

Sila spade at blade ay iba pa naming ka myembro. sa dami namin, bukod sa pitong kasama ko sa bahay may anim pa akong kasamahan sa gang na pinagkakatiwalaan ko
Sina spade, blade, hunter, Cassandra, akira at zappira hindi nalalayo ang galing nila sa amin sa pakikipaglaban

Hanggang ngayon wala parin kaming lead kung sinong nagbigay nung threat letter sa amin basta sabi ni kuya art maghanda lang daw kami dahil kahit anong oras pwede silang sumalakay sa amin

Nandito kami sa room, ni isa sa aming walong babae walang nagsasalita dahil nagiisip kami kung kanino galing yun pero ang nakakapagtaka bakit walang teacher?

"Pansin nyo ba, walang teacher ngayon oh" sabi ni chloe

Napansin din pala nila yun
"Oo nga pansin din namin" sabat ni holly

"Umm.. miss excuse me" sabi ni joy sabay kalabit dun sa babaeng nakaupo sa harap nya tumingin naman yung babae samin and WOW! hindi naman pala endangered ang mga cute dito. looking at her? She's cute, pinkish yung cheeks nya and that's makes her look much cuter.

"Yes, ano po yun ate?" Okay lang tawagin syang ate mukha namang mas bata yung babae kaysa kay joy eh pero parang 3rd year palang ata sya ah

"Uummm.. magtatanong sana ako kung bakit walang teacher na umatend sa class ngayon"

"Ate, kasi masyadong busy yung mga teacher ngayon dahil pinaguusapan nila yung tungkol sa camping ng bawat section"
"Camping?!?" Sabay sabay naming tanong

"Yes, every year nagkakaroon ng camping pumupunta yung mga student sa isang province kung saan sila mag cacamp kasama yung adviser nila. Magkakaiba ang pinupuntahan ng bawat section so yung bus na sasakyan is by section" Mahabang paliwanag ni girl
Ganon pala yun ang galing naman

"Pero parang 3rd year ka palang ah" sabi ko
"Haha! 3rd year palang naman talaga ako mga ate nilipat lang ako dito dahil may pinapabantay sa akin pero nakakapag aral naman ako as 3rd year may special lesson kasi sakin yung bawat teacher dito so kahit na nasa 4th year high school ako na room tinuturuan parin ako ng pang 3rd year na mga lessons" Mahabang paliwanag nya

"Teka sino bang binabantayan mo?" Tanong ni lea

"Private po mga ate eh bawal kong sabihin"
"Ah ganun ba, sige ano nalang name mo?" Tanong naman ni kate

"Ahh.. ako po si..."
"CRYSTAL!!!" Ouch! Basag eardrums yun ah

"Aish! Ano ka ba ang ingay ingay mo! Kung makasigaw ka akala mo naman napaka layo ko sayo" so the name of this girl must be crystal yun kasi tawag sakanya nung babaeng sumigaw kanina pero cute din sya ah amputi nya and she looks so lively. Nagpeace sign lang yung babae kay crystal

"Sorry mga ate ah ganyan napo talaga yan maingay"
"Haha! No it's okay sanay na kami sa maiingay na mga tao" sabi ko sabay tingin naming anim kila yesha at lea sinamaan lang nila kami ng tingin kaya napahagikgik kami. Nakakatuwa silang asarin

"Haha! Ang cu-cute nyo mga ate" sabi samin nung babaeng sumigaw kanina

"Ako nga po pala si crystal anne jeung at eto naman pong sumigaw ay si princess diamond ann pwede nyo po akong tawaging anne at pwede nyo naman po syang tawaging cess nalang" sabi ni crystal
JEUNG?!? Familiar yung apelyido nya saan ko ba yun narinig? Ay bahala na nga.

"Okay! Ako naman si kath eto yung twin sister ko si kate (sabay turo ko kay kate) at eto naman ang pinsan kong si joy sila naman sina holly, eya, chloe, yesha at lea" sabi ko habang tinuturo ko sila isa isa

Gangster Ladies Meet The Playboy prince's. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon