4:00 am.I set my alarm at 4:15 am pero 4:00 pa lang gising na ko. Umupo muna ko sa gilid ng kama ko at tinitigan ang alarm clock. Ang bilis lumipas ng araw, pasukan na naman. I'm hoping na maging exciting ang year na to. Nagsimula na ko mag-ayos nang tumunog ang alarm ng 4:15.
By 5:00 kumakain na ko ng agahan.
*phone beeps*
1 message from Ziv:
Goodmorning! Happy first day! Buti na lang same school ang papasukan natin, libre mo ko ng lunch! :D –Ziv
Mukang magiging interesting nga ang first day na to.
"Oh, maaga ka din ngayon honey?" tanong ni mommy nang makitang naka bihis na si daddy. Umupo siya sa harap ko.
"Hm! Napaaga ang deadline ng research ko kaya kailangan ko pumasok ng maaga ngayon. Oh, Asha. Excited ka na bang pumasok? Malaki ang school mo, dapat madagdagan din ang kaibigan mo." Research. Dahil sa research na ginagawa niya, kaya kami palipat-lipat ng bahay. Kilalang professor and doctor ang dad ko. Pero bukod sa research na ginagawa nila ay nag vo-volunteer din sila sa mga isolated place o mahihirap na lugar for free. Nung bata pa ko at hindi ko pa naiintindihan ang mga ginagaw niya nagdadamdam ako sa kanya kaya sinabi niya sakin... "wala nang mas magandang pakiramdam kundi makita ang pag-asa sa mga mata ng mga taong tinutulungan naming." Simula noon, pinilit ko na lang tanggapin ang kalagayan namin pero sa totoo lang, deep inside ayoko pa rin ng sitwasyon na to.
"Tama Asha, maghanap ka naman ng babaeng kaibigan. Okay naman si Ziv, pero may mga bagay na hindi ka masasabi sa kanya. Tulad ng love life." Dagdag pa ni mommy. Tsh, dahil sa kalagyan namin kaya wala akong balak magkaroon ng kaibigan. Sabihin na nating... I hate goodbyes.
"Sumabay ka na sakin, ihahatid na kita."
Sinong magaakala na bukod sa first day ko ito, first time ko din maipit sa traffic. 5 minutes na lang male-late na ko sa school. Well, mukang masaya nga ang araw na to.
Woah, 10x ang laki ng school na to kesa sa previous school na pinasukan ko. Gaano kaya marami ang freshmen ngayon? Gano kaya karami ang makakalaban ko na top students? Ha! Kahit anong mangyari, dapat ako ang maging top student sa freshmen year.
"Asha!" kaway sakin ni Ziv sa di kalayuan. Late na ah? Bakit nasa labas pa siya?
"Ziv, anong ginagawa mo dito? Late ka na, dapat pumasok ka na sa classroom."
"Hinihintay talaga kita, patingin ng student register mo." Inabot ko sa kanya ang papel.
"First section?!" gulat na sigaw ni Ziv.
"Woah, Asha, di mo naman sinabi sakin na matalino ka pala? Woah, may kaibigan akong genius!" tinapik tapik ako sa balikat ni Ziv.
"Tsh, puro ka talaga kalokohan. Anong section ka ba?"
"Ako? Ah... section 5." Nahihiyang sagot niya.
"Okay lang yan, ilan ba lahat ang section sa freshmen?" tanong ko.
"Pito." Kung ganon, halos pangatlo sa lowest section si Ziv. Pinigilan kong wag tumawa baka ma-offend ko sya, kaya tinapik ko na lang din siya sa balikat.
"Okay lang yan, mag-aral ka na lang mabuti ngayon para sa 2nd year tumaas ka ng section." Ngumiti kaming dalawa.
"Kayong dalawa diyan! Ano pang ginagawa niyo dito sa labas?!" nagulat kaming dalawa ni Ziv at ang una naming instinct ay tumakbo.
"Kita na lang tayo mamayang lunch!" sigaw sakin ni Ziv.
Nasa 2nd floor ng main building ang mga freshmen, room 201. Buti na lang madali lang siyang hanapin. Pero pagpasok ko ng room nandun na ang teacher namin. Awkward. Nakatingin lahat sakin pagpasok ko.
YOU ARE READING
To my Human Diary
Teen FictionAsha likes on writing on her so-called diary because she has no friend to talk to. Due to her father's type of job, their family are forced to move address frequently resulting to her not having a normal childhood making it hard for her to form frie...