Chapter 12: Operation: Failing Grades!

8 0 0
                                    




"Asha!!!" tumatakbo akong sinalubong ni Ashley at mukang excited ang bruha dahil sa bahay nila ako uuwi ngayon. Tumalon pa siya bago yumakap sakin at kahit payat si Ashley, di ko akalain na mabigat pa rin siya kaya muntik na ko mawalan ng balance buti na lang inalalayan ako ni Asher na nasa likod ko lang. Kung meron man less enthusiastic sa pag sleep over ko sa bahay nila, siyempre siya yun.

"Inayos ko na kagabi pa yung kwarto ko! Pwede bang samin ka na lang tumira forever para may kapatid na kong babae. Alam mo ba kung gano ka-boring maging kapatid si Asher? Daig ko pa may dalawang tatay sa bahay." Nai-imagine ko. Mas malamang konting galaw lang, may masasabi ng scientific term tong si Asher at kahit hindi siya tinatanong kung anong pinagmulan ng isang bagay, for sure kaya niyang iexplain kahit nakapikit ang big bang theory, sinong nakaimbento ng ilaw, o kung anong capital ng Iraq, kahit ata mga plano ni Hitler kaya niyang irecite. Lihim akong natawa sa naisip ko.

"Ashley, ilang araw lang siya sa bahay kung ano-ano nang naiisip mo." Sabi naman ni Asher.

"Edi pakasalan mo siya." Sabay kaming naubo ni Asher. Walanghiya talaga to si Ashley, di niya ba kayang sarilinin na lang ang laman ng utak niya? Bakit kailangan niya pang sabihin yun.

Pagdating sa bahay ay binati ako ni Mrs. Gonzales

"Natasha! Tuloy ka. Wag kang mahiya samin, ituring mo na tong parang sarili mong bahay."

"Thank you po Tita Sal." Nagmano ako sa kanya.

"Nasa taas na yung iba mong gamit, kayo na lang bahala ni Ashley magayos. Lalabas lang ako, pupunta ako ng palengke. Asher, isara mo mabuti ang bahay!" nagpaalam na samin si Mrs. Gonzales

Umakyat kami sa kwarto ni Ashley. Grabe pink na pink, alam mo agad na babae ang may-ari eh. Pagpasok ng kwarto ay makikita agad ang king size na kama, sa gilid nun ay may study table kung saan nakapatong ang laptap niya at puno ng limang klase ng picture frame na puro litrato  niya. Sa harap ng kama ay may full length mirror katabi ang aparador niya na kulay puti. Salamat naman at hindi kulay pink yung ibang furnitures. Pero may pink na carpet sa pagitan ng kama at nung salamin at may mga maliliit na unan din sa lapag at isang malaking pink na teddy bear!

"Ayaw mo naman sa pink noh?" sabi ko sa kanya pagkatapos maglibot ng tingin.

"Ayyeeee, cute naman ah? Ano bang favourite color mo?" tanong niya.

"Blue, yung parang ulap na blue."

"Talaga? Pareho kayo ni Ash."

"Talaga?" ngumiti ako. Biglang may nag doorbell.

"Ang bilis naman bumalik ni tita Sal?" nagkatinginan kami ni Ashley, medyo malayo dito samin ung palengke kaya imposible na makabalik siya agad. Bumaba kami ni Ashley para tignan kung sinong dumating. And guess who?

"Stella?" sabay na sabi naming ni Ashley at nagka tinginan.

"Oh, anong ginagawa mo dito Asha?" gulat na tanong ni Stella. Wow ha, ikaw nga dapat ang tanungin ko kung bakit nandito ka na naman!

"Dito siya nakatira ngayon. Eh ikaw bakit ka nandito?" tanong ni Ashley kay Stella.

"Ahh, talaga?" sagot ni Stella.

"Wag kayo masyadong maingay sa taas Ashley, mag-aaral lang kami." Sagot ni Asher at umupo na sa sala at inayos ang mga librong gagamitin nila. Mag-aaral na naman? Hindi ba niya kayang kumuha ng private tutor bakit si Asher pa ang inaabala niya? Umupo na din si Stella sa tabi ni Asher. Tsh, mas excited pa siyang makatabi si Asher sa upuan kesa mag-aral noh. Hinila naman ako ni Ashley papunta sa kusina.

"Anong gagawin natin? Nandito na naman ung bruha." Tanong ni Ashley sakin.

"Anong ibig mong sabihin? Wala naman tayo dapat gawin. Hayaan mo sila." Wala naman talaga kami dapat gawin, kasi wala naman kaming magagawa kundi maghintay na matapos sila.

"Sister-in-law, papayag ka na lang ba na maagaw ng bruhang yun ang future husband mo?" binatukan ko siya ng mahina.

"Sinabi na wag mo kong tawagin ng ganya eh. Mamaya marinig ka ni Ash." Umakto naman siya na parang may zipper ang bibig niya at sinara ito. Ilang minute na din ang nakakalipas at nagtatago pa rin kami sa kusina.  Tanaw naming silang dalawa mula dito.

"Naintindihan mo ba?" tanong ni Asher kay Stella. Nagisip muna siya ng mabuti. "Hmmmm, medyo nalilito pa rin ako ng konti." Sagot niya.

"Practice lang yan, teka may kukunin lang ako sa taas." Sabi ni Asher at tumayo na. Nang nakaakyat na siya, lumapit ako kay Stella para tignan kung anong ginagawa niya.

"Madali lang tong number 2, gusto mo turuan kita?" umupo ako sa tabi niya. Inabot naman niya sakin ung papel na hawak niya. Sinimulan kong i-solve ung problem 2. Ang hindi niya alam mali ung solution na ginawa ko. HAHAHA!

"Akala ko ba matalino ka Asha, mali ung ginawa mo. Ganito dapat." Kumuha siya ng bagong papel at sinulat ng tama ang solution. What the heck? Akala ko ba hindi niya alam pano i-solve yun? Tatanungin ko n asana siya pero bumaba na si Asher kaya tumayo na ko. Tinignan naman niya ko na parang nagtatanong. "Anong ginagawa mo?"

"Ahh, wala tinignan ko lang ung sino-solve ni Stella." Umurong ako para makaupo ulit siya. Pabalik na ko sa kusina ng magsalita si Ash.

"Oh, nalilito ka pa rin ba? Mali ung sagot mo sa number 2." Sabi ni Ash. Napalingon ako. Anong mali, eh kakasagot niya lang ng- pero pagtingin ko papel ko ung hawak ni Asher. Malamang mali talaga yung sagot dun. Nasan na ung papel na ma tamang sagot? Lumingon si Stella sakin at ngumiti. BRUHA!!! Sinasabi ko na nga ba eh hindi naman talaga niya kailangan ng tulong ni Asher! Hinila ko si Ashley palabas ng bahay para hindi nila kami marinig.

"Anong ngyari?" tanong niya at kinuwento ko ang nagyari. Gulat na gulat naman siya.

"Aba bruha talaga! Sabi ko sayo hindi mapagkakatiwalaan yung ganong muka eh!" gigil na sagot ni Ashley.

"Hindi pwede to, sister-in-law. May plano ako."

"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan eh!"

"Okay, okay, Sis na lang?"

"ASHLEY!!!"

"Okay, okay! Makinig ka muna, sa tingin mo ba pagkatapos ng exam magpapa-tutor pa rin siya kay Ash?" nagkibit balikat ako dahil hindi ko alam.

"Sigurado ako, purposely ibabagsak niya ung grade niya para sa next grading tutulungan pa rin siya ni Ash."

"Sa tingin mo?" tumango siya ng tumango.

"Kaya dapat ikaw din!

"Ako? Anong ako din?"

"Kailangan mo din ibagsak ung exam para tulungan ka din ni Ash."

"ANO?!" nasisiraan na ata ng bait si Ashley. "Bakit ko naman gagawin yun?"

"Hay, wala ka ba talagang ideya? Kaya nga ako nandito eh, tuturuan kita pagdating sa pag-ibig."

"Nababaliw ka na."

"Ano bang mas mahalaga? Ung mataas na grade o makasama si Asher?"

"Mataas na grade."

"Wrong answer! Ung grade mo pwede mong bawiin anytime. Pero pag naagaw ni Stella si Asher, hindi mo na siya pwedeng bawiin lalo na kung never naman siyang naging sayo." Dahil hindi naman siya naging sakin? Wow, make sense. Napaisip ako saglit sa sinabi niya.

"Pero, wala naman sakin yung desisyon na yun diba. Saka, imposible naman na magka gusto sakin si Asher. Kung si Stella pa rin ang pipiliin niya, wala naman ako magagawa." Ako naman ang binatukan niya.

"So ano? Hindi pa nga nagsisimula sumusuko ka na agad? Pano mo naman masasabi na si Stella ang gusto niya tinanong mo na ba siya?" sinimangutan ko siya.

"Kahit na, never pa ko nagkaroon ng bagsak na grades noh. Hindi ko gagawin un para lang sa... Teka,sinabi ko bang may gusto ako sa kanya?"

"Hay, wag mo na i-deny okay? No lies remember?" hindi na lang ako nagsalita. So much for my first day of living with them.

Nababaliw na ata ako dahil nakikinig ako sa mga sinasabi ni Ashley. Pero at the same time, masaya ako dahil may napagsasabihan ako ng mga ganitong sikreto. Erase, erase. Binuking pala ako ng sarili kong puso kaya hindi ko maloko si Ashley. Nonetheless, masaya pa rin ako. Ganito siguro ang pakiramdam ng may kapatid na babae.  :)

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now