"We only have two weeks left before our 1st Periodical Exam, I hope everybody will prepare for it." Announce ni Sir Santos kaninang umaga, for sure lahat kami mag pe-prepare para dun, si taba lang naman ang hindi competitive sa klase na to. Pero bukod dun, may isang announcement ang kinagulat namin ni Asher kanina.
"Please welcome your new classmate and I hope you help her since she missed half of our lessons." Hindi ko alam kung may telepathic connection kami ni Asher pero nung pumasok ung bagong studyante nagtinginan kaming dalawa. Siya yung babaeng tinulungan namin na mabalik ung nanakaw niyang bag.
"Hello everyone, I'm Stella Sy. I hope we get along together well. Please help me." Natandaan niya siguro si Asher dahil bago siya umupo tinitigan muna niya ito at ngumiti. Hindi naman siya pinansin ni Asher. Buti naman.
Sabay sabay ulit kami kumain ng tanghalian nila Ashley at Ziv, himala din naman na sumabay samin si Asher, kadalasan kasama niya ung iba naming ka-klase na lalake.
"Hi." Sabay sabay kami lumingon sa pinanggalingan ng boses. Si Stella.
Para kay Asher ang bati niya pero si Ashley ang sumagot.
"Hi, sorry may girlfriend na siya." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napa-lakas ang siko ko sa kanya. Ngumiti lang si Stella at tumingin naman sakin.
"Hi, nasa section 1 ka din diba? Okay lang ba kung maki-upo ako sainyo?" tumango ako para sumang-ayon at umurong sila Ziv at Asher para makaupo si Stella.
"I'm Stella. Freshmen ka din ba? From what section?" tanong niya kay Ashley.
"Ahh, transferee? Ashley, section 5." Sagot niya.
"Hi, Ziv nga pala! Section 5." Kusang bati na din ni Ziv. Awkward naman naming tinuloy ang pagkain at tumahimik. Saming lahat, si Asher lang ang walang reaksyon. Maya maya pa ay nagsalita ulit si Stella.
"Ahm, oo nga pala. Hindi ko alam kung naaalala mo pero ako yung tinulungan mo dati sa may plaza? Ung nanakawan ng bag?" sabi niya kay Asher. Tumango naman ito para sabihing naaalala niya.
"I'm glad to see you again, I feel like I already know someone here so hindi na siguro ako mahihirapan mag-adjust. I wasn't able to get your name before though..."
"May mga times talaga na mabait si Ash, kaya maraming babae ang nag nagkakagusto sa kanya. Pero wag kang magpapaloko, dahil ang totoo siya ang pinaka masungit at nakakatakot na lalakeng makikilala mo." Singit ulit ni Ashley.
"Ash...?" ulit ni Stella.
"Asher." Sagot ni Asher.
"Nice to meet you." Nilahad niya ang kanyang kamay pero si Ashley ang kumuha para makipag shake hands. "Nice to meet you transferee."
Sa mga sumunod na araw, parang linta na sunod ng sunod si Stella kay Ash. Sa tuwing may hindi siya maintindihan, kay Asher siya nagtatanong. Ang weird naman na dalawa kami ni Asher ang tumulong sa kanya pero kung umasta siya parang hindi niya ko naaalala. Parang ngayon, nandito ako sa library para mag-aral pero imbes na mapayapa ang utak ko, bigla siyang pumasok at umupo sa tabi ni Asher na para bang alam na alam niyang dito siya lagi pumipweto. I mean, duh sa alki ng library naming pwede kang maligaw. Ang nakakairita pa magkaharap kami ni Asher kaya ng umupo siya sa tabi niya may choice ba ko kundi tignan din siya? Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala sila tinititigan ng masama at mali mali na ung sagot ko sa math problem na sinasagutan ko kanina pa.
"Asha, mali yung sagot mo sa number 5. Hindi ba ganito ung tinuro mo kanina?" sabi ni Michaela na ngayon ko lang naalala na katabi ko pala. Bago pumasok si Stella, tinuturuan ko si Michaela ng tamang solution sa assignment namin sa Math. Tumingin naman saglit si Asher ng marinig yun at kinuha ang notebook ko. Pagbalik ng notebook ko tinama niya ung mga mali na sinulat ko. WOW! Sinabi ko bang kailangan ko ng tulong niya? Err, nagmuka lang akong walang utak sa harp ni Sttella. Lalo lang akong nairita, alam ko naman ung tamang sagot mali lang nasulat ko dahil naiirita ako sa prisensya nilang magkasama.
YOU ARE READING
To my Human Diary
Teen FictionAsha likes on writing on her so-called diary because she has no friend to talk to. Due to her father's type of job, their family are forced to move address frequently resulting to her not having a normal childhood making it hard for her to form frie...