Bumibilis ang pagtibok nitong aking puso,
Sa tuwing ang ating mga mata ay nagtatagpo.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan,
Bigla na lamang kinakabahan.
Ano nga ba itong nadarama?
Na para bang ang mundo ko'y binagyo't nasalanta.
"Pano mo nga ba masasabi kung may gusto ka sa isang tao? Una, sa tuwing makikita mo siya bigla na lang bibilis ang tibok ng puso mo."
"For your practical exam in P.E, everyone should present next week the proper way of dancing waltz together with your partner. I will grade you individually and as a partner. We will start next week, okay?" Announced our teacher in P.E. Hay, kahit anong gawin ko parehong kaliwa ang paa ko. Mapapasa ko kaya tong subject na to?
"Natasha and Mark kayo ang mag-partner." What the heck?! Lumingon ako sa likod ko para makita ang pinaka creepy na ngiti ni taba. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet.
"bigla na lang bibilis ang tibok ng puso mo."
Naalala kong sabi ni Ashley kahapon. Napailing ako. Hindi. Imposible. Makita ko pa lang siya nasusuka na ko. Tumigil ka tumigil ka. Hinawakan ko ang dibdib ko baka sakaling tumigil ito sa pagtibok.
"Asher and Stella." Napalingon ako kay Asher, busy siya sa pagsusulat ng pangalan ng mga magkaka-partner. Lumingon ako kay Stella, at halata namang masaya siya na silang dalawa ang magka- partner. Kainis sinasadya ba ng mga teacher namin na silang dalawa lagi ang magka-partner?
*Lunch*
"May good news ako sainyo." Masayang bungad ni Ziv samin paglapit niya sa table. Sabay sabay ulit kaming apat magtanghalian. "Pasok na ko sa varsity!"
"WOW! Congrats!" masayang bati ni Ashley na pumapalakpak pa.
"Congrats, Ziv!" masaya ko ding pagbati sa kanya.
"Salamat! Kaya lang, Tatlong beses ang practice pag weekdays tapos may Saturday practice din. Hindi na ko makakasabay sainyo paguwi." Medyo malungkot na sabi niya.
"Ano ka ba, sabay pa rin tayo. Hihintayin kita." Sabi naman ni Ashley. "Sigurado ka? Lagi mo na lang akong hinihintay baka magalit na sakin si Asher." Nguso niya kay Asher na tahimik lang.
"Basta ihahatid mo siya pauwi." Sagot niya. Ngumiti naman si Ashley sakin at nagkaintindihan na kami.
"Eh pano si Asha, wala kang kasabay pauwi." Tumingin si Ziv sakin. "Ano ka ba, nandiyan naman si Ash eh. Diba Ash?" tumingin kaming lahat sakanya. Tinuro niya lang ang sarili niya na parang nagtatanong na 'bakit ako?'. Bago pa siya makasagot ay biglang lumapit si Stella.
"Hi!" kumaway siya samin at umupo sa tabi ni Ash. Bat ba lagi na lang may extrang upuan pag kumakain kami?
"Ash, okay lang ba na mag-practice tayo mamaya para sa PE next week? Kahit sandali lang para hindi natin makalimutan." Sabay kaming napa-irap ni Ashley. Ayan na naman po siya, hindi ko talaga kayang matiis pakinggan sa tuwing ganyan ang tono ng boses niya. "Huh? Ah, sige." Sagot naman ni Asher. Wow ha, pag kay Stella ang bilis sumagot ng kumag na to. Magsama kayong dalawa. Tumayo na ko kahit hindi ko pa ubos ang kinakain ko. Nawalan na ko ng gana, matutulog na lang ako sa library kesa makita tong dalawang to. "Tek, Asha!" narinig kong tawag ni Ziv pero hindi na ko lumingon. Nakasalubong ko naman si Mark sa hallway.
"Hey, Natasha!" that creepy voice!!! Bumilis na namang ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari!
"A-ano na naman ba?" asar kong tanong sa kanya.
YOU ARE READING
To my Human Diary
Ficção AdolescenteAsha likes on writing on her so-called diary because she has no friend to talk to. Due to her father's type of job, their family are forced to move address frequently resulting to her not having a normal childhood making it hard for her to form frie...