Chapter 3: The Romeo and Juliet Project

7 0 0
                                    


"Nabalitaan niyo na ba yung tungkol sa high school student na kinidnap? Grabe, nakakatakot! Ayoko na tuloy umuwi mag-isa."

Bigla na lang may kumalat na balita na may isang studyante ang nawawala na ng ilang araw, ang hinala ng mga magulang nito ay kinidnap na siya. Pero tatlong araw na ang nakakalipas pero wala pang tumatawag sa kanila para manghingi ng ransomed money kaya hindi masasabi na kinidnap nga siya. Nasa 2nd year high school ang babaeng nawawala at isa siya sa mga kilalang varsity ng volleyball sa school.

Ilang lingo na rin ang nakalipas simula ng magsimula ang klase. Hindi na rin kami nagpapansinan ni seven zero one simula nung malaman naming na magkapit bahay pala kaming dalawa. Well, siya lang pala yung bigla na lang umiwas sakin. Sa tuwing magkaka salubong kami, parang hindi na niya ko nakikita. Tsh, okay lang. At least tahimik na ang buhay ko, bakit ba iniisip ko pa ang taong yun?

Nakaupo ako ngayon sa loob ng library at pilit na sino-solve sa utak ko ang kaso. Okay, so tatlong araw na ang nakalipas ng hindi na umuwi sa bahay ang sophomore varsity player na si Rebecca Sison. Sa tatlong araw na yun, walang natanggap na tawag ang magulang niya na nanghihingi ng ransome money.

Rebecca -> No Call. No Ransome Money -> ???

Hindi rin makita ang mga gamit niya na dala sa school. Walang ebidensya na kinidnap siya. So, kung hindi siya kinidnap. Baka naglayas lang siya ng bahay? Pero sabi ng magulang niya wala kumpleto ang damit niya sa bahay, bukod sa uniform at pamalit na damit para sa training yun lang ang dala niya ng araw na yun. Baka naman nakipag tanan na siya?

"So, sa tingin mo hindi kinidnap si Rebecca?" nagulat ako sa taong umupo sa tabi ko, pagtingin ko si seven one pala.

"Pwede ba, ang laki laki ng library dun ka sa malayo umupo." Tinakpan ko ang sinulat ko sa papel at tinuloy ang pag do-drawing na sinimulan ko kanina. Kinatok niya ang table at tinignan ko siya ng masama. Tinuro niya ang mga book at papel na kanina pa nandiyan sa lamesa. So siya pala ang nagiwan ng mga gamit dito. Inirapan ko lang siya kahit na gets ko na ang ibig niyang sabihin. Pag-upo ko ditto nandito nayang mga gamit baka umikot lang siya para maghanap ng libro. Umusog ako ng isang upuan palayo sakanya. Sa tuwi na lang nagkikita kaming dalawa iniisip niya hindi ako nagaaral mabuti. Sipain ko kaya to, hindi ba niya alam kaming dalawa ung nag tie sa top 1 freshmen student sa entrance exam. Naaalala ko pa ng ipost nila sa website ung resulta, pano ko makakalimutan ang pangalan ng kaagaw ko sa top 1?

"As part of your project in English, freshmen students section 1 and 2 are chosen to perform Romeo and Juliet on stage for the upcoming student assembly two weeks from now. Meaning, we have 2 weeks to practice so I expect your participation in this event. To save time, I already picked the students perfect for the roles. Others are expected to help for the prop-making. Understood?" announced our English teacher Ms.Sarah.

"Yes!" sabay sabay naman naming sagot. Kung ako ang tatanungin mas gusto ko pang mapunta sa prop-team kesa sa mabigyan ng role sa acting.

"As for Juliet... Actually, I'm having a hard time for the lead actress. Since Asher is Romeo, do you want to suggest anyone as Juliet?" tanong ni Ms. Sarah. Lahat ng mga babaeng umaasa nakatingin at nagaabang na piliin sila. Mga hangal. Humikab ako sa pagka bored.

"3401." Sagot ni Asher.

"3401?" ulit ni Ms. Sarah at ng mga ka-klase ko. Tsh, hindi nila alam isa sa kanila ang tinutukoy niya, isa sainyo ang stalker. HAHAHA! Halos lahat ng babae dito may gusto sa kanya, sino naman kaya-

"Ms. Genson." GENSON?! AKO NA NAMAN?!

"Okay, so it's Genson. To everyone in the main cast we have a meeting this afternoon after class."

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now