Chapter 14: Dying inside, I was dying inside...

2 0 0
                                    


"Don't spend your time looking around for something you want that can't be found."
-Unknown

Naaalala ko yang quote na nabasa ko sa Internet. Hindi ko alam na magiging applicable yun lalo na ngayon.
Ilang minuto ko na din tinititigan yung resulta ng exam ko. Ilang minuto ko na din hinahanap yung matataas ko sanang grade. Pero wala. Cannot be found.

Ganito pala ang pakiramdam ng bumabagsak. Never pa ko bumagsak sa exam kaya bago sakin ang ganitong pakiramdam.

"Yes! Pumasa ako!" Narinig ko na sigaw ni Mark taba sa likuran. Malamig ang mga pawis ko. Maski siya nakapasa, mahihiya na ba ako?

"Ms. Genson." Tinawag ako ng Adviser namin. Alam ko na kung bakit. Napalunok ako kahit wala naman akong laway. Dumiretso kami sa faculty room. Pinaupo niya ko pagkatapos niyang umupo sa desk niya.

"Hmmm..." hindi niya ata alam kung pano niya sisimulan dahil nagiisip pa siya.
"Ang totoo, hindi ko alam kung anong gagwin ko. Una, alam kong may sakit ka nung araw ng exam kaya siguro naapektohan ang pagsagot mo. Kaya lang iniisip ko naman kung fair ba kung magre-retest ka."

Hindi naman nila alam na may sakit ako nuon, isa pa choice ko yun kaya kung ano man ang kalabasan, responsibilidad ko yun. Naiintindihan ko si Sir.

"Kaya lang, kawawa naman yung grade mo. Isa ka pa naman sa mga top student."

"Naiintindihan ko po Sir. Okay lang naman po sakin kahit hindi niyo 'ko pagbigyan. Unfair din naman po sa iba."

Pagbalik ko sa classroom hiniga ko agad ang ulo ko sa desk. Narealize ko, mahirap din pala ang pinagdadaanan ng mga estudyante na mahina sa klase. Ganito din ba nila dinadamdam yung mabababang grade nila o sanay na sila?

Pagdating ng lunch break hinanap ko agad sa kabilang building si Ashley para ibalita sa kanya ang nangyari. Nakita ko agad siya na papalabas ng classroom nila kaya tumakbo pa ko ng mas mabilis para mahatak ko agad siya. Dumiretso kami sa tapat ng gym para wala masyadong tao.

"Anong problema?" Tanong ni Ashley pagkaupong pagkaupo namin. Kaya ikinwento ko na sakanya ang nangyari. Hindi naman niya alam kung anong sasabihin pero pati siya ay nalulungkot.

"Pasensiya ka na Asha, dahil sa kabaliwan ko nadamay pa kita." Nahihiya niyang sabi na hindi makatingin ng diretso sakin. Tinapik tapik ko naman ang balikat niya.

"Ano ka ba, okay lang." pag-aalo ko sa kanya.

"Pumasa ako sa lahat ng exam." mahina niyang sabi. Tinulak ko siya ng malakas na halos malaglag na siya sa kinauupuan namin.

"Walang hiya ka." pabiro kong sabi at sabay kaming nagtawanan.

"Siyempre nakakhiya sa crush ko kung babagsak ako noh." depensa niya.

"Wow, tapos sinuggest mo sakin na ibagsak ko yung mga exam para lang... Wow, wala akong masabi!" sarcastic na sagot ko. Nag peace sign lang siya sakin sa kaliwang kamay at nag "heart" sign sa kanan. Inirapan ko lang siya.

Pagbalik ko sa building ay nagmamadali na bumalik sa mga classroom ang mga studyante dahil kaka-bell lang. Nasalubong ko naman si Michaela sa hallway na hinihingal pa dahil sa pagtakbo.

"A-asha! Ka-ka-" paputol-putol niyang sabi. Huminga muna siya nang malalim bago tinuloy ang pagsasalita.

"Kanina ka pa hinahanap ni Sir Santos. Pumunta ka daw muna sa faculty."

"Ah, sige salamat. Uminom ka ng tubig bago pumasok sa room." Paalala ko kaya ngumiti siya.

Pagpasok ko sa facutly room ay nagulat ako dahil nandun din si Asher. Kakatapos lang siguro nila mag-usap ni Sir Santos dahil palabas na sana siya ng pumasok ako.

"Goodafternoon po." bati ko kay Sir.

"Oh, buti nandito ka na. Umupo muna kayo dito ni Asher." Bumalik si Asher at magkaharap kaming umupo.

"Nakausap ko na ang ibang teacher at pumayag na silang i-retake mo ang exam." tumango ako.

"Pero bagong exam na ang ibinigay nila at sigurado mas mahirap na 'yon. Ok lang ba?"

"Opo wala pong problema, salamat po."

"Okay. Just in case mahirapan kang mag-aral-"

"Hindi po. Kaya ko po." alam ko na kung bakit nandito si Asher.

"But still. Nakausap ko na si Asher, he's more than willing to help. By the way, the test is two days from now. Okay?" Aangal pa sana 'ko pero tumahimik na lang ako. More than willing? Grabe naman ang pagkaka-describe niya. More than willing.
Nagpasalamat na ko kay Sir Santos at lumabas na hg faculty room. Hay, gusto ko na ngang layuan si seven one pero kailangan ko pa magtiis ng dalawang araw na kasama siya. Hindi lang sa school, pati rin sa bahay. Sa sabado pa uuwi si mama.

"Magsimula na tayo mamaya pag-uwi sa bahay." Nakalimutan ko kasama ko nga pala si Asher. Huminga ako ng malalim.

Pag-uwi namin ng bahay kinahapunan, dumiretso ako agad sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto at nagkulong sa ilalim ng kumot kahit sobrang init ng panahon. Simula ng makita ko silang dalawa ni Stella na magkayakap, dun ko lang na-realize na -err, nakakahiya mang aminin- pero iba na pala talag ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung saang category ko ilalagay to.

Puppy love?
Crush?
First love?

Hindi ko din alam basta ang alam ko, hindi ko gusto ang nakita ko nung hapon na 'yon. At alam ko, alam ko. Ang bata ko pa para isipin ang mga ganitong bagay. Naaalala ko nuon, kung maka-judge naman ako sa ibang kabataan parang 'mortal sin' na ang nagawa nila. Pero LOL anong nangyayari sakin ngayon? Kaya napagdesisyunan ko na, simula pa ng bumagsak ako sa exam, ititigil ko na ang kahibangan na to at magfo-focus na ko ulit sa pag-aaral. For a short span of time, i wen maaaaad. As in nabaliw talaga ko. Pero tama na. Finish na. Tigilan na natin to Asha. 1st year pa lang tayo. Aral muna bago landi ika- nga.
*wink*

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan sa kwarto. Ahh, oo nga pala. Siyempre may susi sila, duh? Bahay nila to.

"Anong ginagawa mo?" Dali-dali akong bumangon at tumayo sa harap ng taong kanina pa tumatakbo sa isip ko. Bakit ba sa tuwing nasa harap ko siya nawawala ako sa ulirat at natataranta ako.

Tinitigan ko muna siya.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
Pwede ba kahit sa utak lang mag Inhale-Exhale?

Hindi ko na pwedeng ipakita kung anong nasa isip ko. Be strong girl!

"Tara na. Saan ba tayo mag-aaral?" Kalmado kong sabi.

"Dito na lang para tahimik."

"Okay." tumalikod na ko para kunin ang mga libro ko at notebook. Dumiretso na din ako sa pagaayos ng medyo magulong desk sa tabi ng kama.

Dahan-dahan.
Wag magpahalatang kinakabahan.
Bakit ba 'ko kinakabahan?

"Don't spend your time looking around for something you want that can't be found."
-Unknown

Naalala ko ulit ang quote na yon. Pati ba naman sa love life applicable siya? May mga bagay tayong gusto na hindi natin makukuha at hindi para sa'tin kahit pagtrabahuhan pa natin.

Fate. Destiny.

'Yun lang ata ang dalawang salita na maaaring dahilan kung bakt may mga bagay o pangarap tayong nakakamtan o natutupad. Kung para satin, para satin.
Pag hindi? Wag na ipilit. Masasaktan ka lang. Wag ipilit. Sayang ang oras!

Diary Entry:

12:01 am

Puberty sucks. Pano ko ba pipigilan ang kakaibang pagtibok ng puso ko? Gusto ko sumigaw pero hindi ko magawa.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now