April 3, 2013Pang ilang diary ko na kaya to? Hindi ko na mabilang sa dami. Lilipat na naman kami ng bahay, lilipat na naman ako ng school. Kelan kaya ako magkakaron ng katahimikan sa buhay? Kailan kaya ako magkakaroon ng totoong kaibigan? Hay, sana magkaron pa ng pag-asa na maging normal ang childhood na to. >:)
April 25, 2013
Ano ng aba ang pinaka mas nakakalungkot? Yung lilipat na kami ng tirahan o yung wala naman akong kaibigan na makaka-miss sakin kahit mawala ako?
May 10, 2013
Ilang lingo na lang pasukan na naman. Psh, magiging kasing boring din kaya to ng dati kong school? Pero sa laki ng school na yon, sana magkaron ako ng kaiobigan kahit isa lang okay na ko. Wish ko din makahanap ako ng katapat sa school na yon, para maging exciting naman ang pag-aaral. :D
May 20, 2013
May nakilala akong lalake kanina, magkasing edad lang kami at hindi siya boring kausap masaya naman siyang kasama. He's my total opposite, kung gano ko kagustong magbasa ng libro at magaral, siya naman inaatake ng allergy makakita lang libro. Para sa edad niya, ang isip bata niya. Hilig niyang maglaro ng mga online games, arcade at mag drawing. Wel,, atleast magkakasundo kami pagdating sa pagdo-drawing. J Ah! Muntik ko na makalimutan sabihin, siya nga pala si Ziv. Actually, bukas magkikita ulit kami. Niyaya niya ko pumunta sa malapit na arcade-an ditto sa lugar. Pumayag na din ako kahit hindi ako mahilig lumabas ng bahay, for a change. Ang haba na pala ng nasulat ko, itutuloy ko lang ung binabasa kong article tungkol sa isang unsolved murder case tapos matutulog na ko.
May 21, 2013
HINDI KA MANINIWALA SA NANGYARI NGAYONG ARAW! :D First time ko lang maranasan to, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. May nakaaway din pala kong lalake kanina, hanggang ngayon natatawa pa rin ako pag naaalala ko ang nangyari. Akala niya ata hindi ko naiintindihan yung sinasabi niya, ang yabang masyado, sayang cute pa naman siya. :D
*Ring* *Ring* *Ring*
"Asha! Kanina pa ring ng ring yung phone mo!" sigaw ni Mommy na busy sa pagluluto ng tanghalian, habang ako naman ay busy din sa pamimili ng isusuot na damit. For the first time in forever, may maituturing na din akong kaibigan. Kahit total opposite kaming dalawa, masaya naman siyang kasama. At dahil first time kong makipag interact sa totoong mundo, hindi ko alam kung anong dapoat na i-expect. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ko.
*5 missed calls from Ziv*
"Ma, sa labas na ko kakain. Uuwi ako bago mag 6." Lumingon siya sakin habang nagluluto.
"6? Masyado pang maaga yun, anak. Wala kang curfew kaya ok lang kahit medyo late ka na umuwi. Ngayon ka lang masisikatan ng araw noh kaya sagarin mo na. Hindi ka ba nagsasawa na laging katapat ang libro at computer mo?" sumimangot ako. Halatang excited siya ng marinig na aalis ako ngayon. Hindi ko alam kung dapat akong mainis o dapat akong matuwa na hindi niya ko binibigyan ng curfew.
"Okay, okay. 6:30 nandito na ko. Diyan lang kami sa may plaza. Bye!" kumaway ako at tumakbo na palabas. Sakto tumatawag ulit sakin si Ziv.
"Hello?"
"Asha! Nandito na ko sa tapat ng terminal, ditto ka mismo ibababa kaya hindi ka na mawawala. Naka gray na t-shirt ako okay?"
"Okay, okay. Papunta na ko." Binaba ko na ang phone at pumara ng trycicle. Pagbaba ko sa terminal may lalakeng nakatalikod sa likod ng puno. Gray tshirt, siya na siguro yun.
YOU ARE READING
To my Human Diary
Novela JuvenilAsha likes on writing on her so-called diary because she has no friend to talk to. Due to her father's type of job, their family are forced to move address frequently resulting to her not having a normal childhood making it hard for her to form frie...