Chapter 11: What is this I'm feeling?

4 0 0
                                    

Ang aga ko nagising ngayon kahit sabado, hindi naman na ko makatulog kahit pumikit pa ko ulit kaya nandito ako ngayon sa labas nagjo-jogging. Hay, ang tagal ko nang hindi nagagawa to, buti na lang maaga ako nagising ngayon. Medyo madilim pa at hindi pa lumalabas ang araw, parang nakakatakot na lumayo pero muka namang safe. Hindi ko na lang namalayan malapit na pala ako sa isang park. Umikot muna ako ng tatlong beses duon bago umalis. Habang palayo ako ng palayo pakiramdam ko may sumusunod sakin kaya huminto ako saglit para tignan kung may iba bang tao sa paligid. Wala naman. Weird, pakiramdam ko talaga may nakasunod sakin.

Hindi pa ko nakakahakbang palayo ay may biglang humawak sakin at tinakpan ang bibig ko. TULONG! Gusto kong isigaw pero kakaibang tunog lang ang lumabas. Pilit ko siyang sinisiko pero ang higpit ng hawak niya sakin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa batok ko, kinikilabutan ako. Bakit ba ang aga aga may manyak sa mundo?! AHHHHHH!!! Pilit kong sinisigaw sa ilalim ng palad niyang nakatakip sa bibig ko. "Sandali lang to! Wag kang matakot!"

Bulong sakin ng lalake. Lahat na ata ng balahibo ko sa katawan tumayo na. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at takot at konti na lang ay tutulo na ang luha sa mga mata ko pero pinipilan kong wag umiyak. Hindi sa harap ng manyak na to. Ramdam ko ang kamay niya na unti-unting umaakyat mula sa bewang ko paaakyat.

"Ahh!!!" sigaw ng lalake at nakawala ako sa hawak niya. Dahil sa takot ay hindi ko na nagawang tumakbo, nang bumagsak ako sa sahig ay wala akong ibang ginawa kundi yakapin ang tuhod ko. "Aray!" sigaw ng lalake. Kung sino man ang anghel na tumulong sakin ngayong umaga, laking pasasalamat ko sa kanya. Pero hindi ko magawang tumingin dahil sa takot, at ayoko din makita ang muka ng walang hiyang lalakeng yun dahil baka mapanaginipan ko pa siya.

"Ok ka lang?" hinawakan niya ko sa balikat at napabalikwas ako dahil sa takot pero pag tingin ko sa lalake ay nakita ko si Asher. "Ako to... wag kang matakot." bakas naman sakanya ang pag-aalala at tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang wag lumabas. Niyakap ko siya at wala samin ang nagsalita, mahigpit niya lang akong niyakap at pinapatahan pero kahit ako hindi magawang tumahan. gamit ang kanang kamay ay marahan niya kong inilayo at hinawakan sa balikat habang nag kabilang kamay naman niya ay hinaplos ang kaliwa kong pisngi at dahan dahan niyang pinunasan ang aking mga luha.

Ni-report agad ni Asher ang nangyari sa barangay, turns out madami na talagang kaso laban sa lalakeng yun na naninilip sa mga babae pero wala namang nagsasampa ng kaso laban sa kanya kaya nakakalaya din siya sa kulungan.  Sakto namang parehong wala ang mga magulang ko sa bahay kaya wala kaming matawagan. Maski ang mama ni Asher umalis din.

"Ok ka lang?" tanong ni Asher paglabas namin sa presinto. Isang malalim na buntong hininga lang ang sinagot ko.

"Sa susunod pag madilim pa wag ka nang lumayo. Hindi, sa susunod wag ka nang lalabas ng walang kasama naintindihan mo?"  bumuntong hininga lang ulit ako.

"Pano na lang kung wala ako? Pano kung may ginawa na sayo yung lalakeng yun-"

"Ano nga ba ang ginagawa mo ng ganito kaaga? Pano mo nalaman na nandun ako?" now that I think about it...

"Kailangan mo pa ba tanungin kung bakit? Ang mahalaga nandun ako. Saka, hindi ka ba magt-thank you sakin?"

"Kailangan mo bang sumigaw?" inirapan ko siya at nauna na maglakad. "Hay, kailangan mo ba talagang sirain lagi ung mood?" bulong ko sa sarili ko.

"Hoy, 3401!" sigaw ni Asher at humabol sa paglalakad ko.

"Natasha! Sa susunod kung wala kang kasama... ang ibig kong sabihin, kung hindi ako busy. Sasamahan kita." HInakawan niya ko sa kamay nang maabutan niya ko. Tumigil ako at humarap sa kanya.

"Asher."

"Ano?"

"S-salamat." kahit nahihiya, ay niyakap ko pa rin siya.

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now