Chapter 15: Summer Vacation of a Sophomore Student

4 0 0
                                    



"Grabe, isang buwan na lang tapos pasukan na naman ulit. Parang umidlip lang tayo tapos paggising natin tapos na ang summer." Nakapangalumbabang sabi ni Ashley habang nakatingin sa kawalan. Umiling-iling naman ako sa sinabi niya. Mabilis na lumipas ang 1st year at 2nd year naming sa higschool. Parang kalian lang namomroblema pa ko nung bumagsak ako sa mga exam ko, pero ngayon konting kembot na lang at 3rd year na kami. Buti na nga lang at kahit bumagsak ako nung 1st quarter noong nasa 1st year pa lang ako ay nakapasok pa rin ako as top 3. Nanguna si Asher. Pangalawa si Stella, ugh! At ako ang pangatlo. Nung panahon ding 'yon ay nagpasya ako na tigilan muna ang kahibangan na pinasok ko, at kung ano man ang nararamdaman ko ay pinilit kong kalimutan. Kung tatanungin niyo ko kung mahirap ba, aba siyempre mahirap! Ang sabi ko lang naman kakalimutan ko, pero hindi ko naman sinabing hindi ako makakaramdam ng selos pag nakikita ko silang dalawa ni Stella. Pero siyempre hindi ako nag padala sa mga ganong damdamin. Pinilit ko na lang i-focus ang atensyon ko sa pag-aaral, pagbabasa ng kung ano-anong libro at article sa internet, at sa pakikinig ng mga hinaing ni Ashley katulad ngayon.

"Pagbalik natin Junior highschool na tayo, ibig sabihin..." nagtinginan kaming dalawa.

"Ibig sabihin prom na!" sabay naming sigaw at nagtawanan.

"Pero buti pa si Ash may pinagkakaabalahan ngayong summer. Tayo malapit nang mamatay sa pagka-bored." Simangot ulit ni Ashley sabay balik sa pangangalumbaba pose.

Nag-apply si Asher ng summer job sa isang coffee shop at natanggap siya agad. Hindi ko alam kung pano niya napapayag ung HR na 2months contract lang siya kasi kadalasan 6 month ang mga kontrata. Binalak din naming ni Ashley na mag summer job pero hindi na namin tinuloy dahil karamihan dahil sa kontrata.

"Asha!" nilingon ko siya. "May pera ka ba diyan?" tanong niya at nilabas ko ang isang daang piso na nasa bulsa ko.

"Perfect!" napapalakpak siya na parang may naisip na magandang ideya. "Puntahan natin yung pinapasukan ni Ash mamaya." Humindi ako agad. "Ayoko. Kung gusto mo ikaw na lang."

"Dali na..." inalog alog niya ang kaliwang balikat ko para magmaka-awa. Umiling pa rin ako.

"Akala ko ba wala ka ng gusto sa kanya?" tinaas niya ang isa niyang kilay.

"Wala na nga." Sagot ko at pinigilang wag magpakita ng kahit anong emosyon sa mukha ko.

"Eh bakit ayaw mo?" pangungulit niya. "Baka maistorbo lang natin siya. Isa pa, baka hinihintay din siyang matapos ni Stella." Binatukan niya ko ng mahina.

"Sabi mo hindi mo na siya gusto pero issue pa rin si Stella." Inirapan ko siya.

"Okay fine. Basta ilibre mo ko, isang daan lang ang pera ko ngayon." Ngumiti siya ng pagkalaki-laki.

4pm

Kanina pa ko pinipilit ni Ashley na magpalit ng damit, san ba kami pupunta sa party? Naka pajama ako na kulay itim at tshirt na kulay dilaw pero sa sobrang kulit ni Ashley kanina ay tinirintas pa niya sa dalawa ang ngayon ay abot bewan ang haba kong buhok. Araw-araw ko na ding sinusuot ang salamin ko na may gradong 70-50. Kaka-computer ko sigurado ito kaya medyo lumabo ang mata ko. Hinihila na ko Ashley papunta sa pinapasukan ni Asher, hindi ko alam kung bakit nagmamadali siya. "Bilisan mo Asha, bat ba ang bagal mo maglakad?" binigyan ko lang siya ng bored look. Pagdating naming sa tapat ng coffee shop ay sumilip silip muna si Ashley sa loob. Tinitignan niya siguro kung nandon pa si Ash. Tinuro ko si Asher na nakatalikod sa harap ng counter dahil mag-iisang minuto na ay sumisilip pa rin siya.

Lumingon si Asher pagpasok namin, medyo nagulat siya ng makita kaming dalawa ni Ashley. Ngumisi naman si Ashley at kumaway kaway sa kapatid niya. "Surprise!" sabi niya na walang tunog. Ngumiti naman si Asher. Dumiretso ako sa bakanteng upuan at umupo nakatalikod sa counter hindi ko naman siya kailangang batiin diba. Maya maya pa ay umupo si Ashley sa harap ko. "Malapit na daw ang out niya kaya hintayin na lang daw natin siya ililibre niya tayo." Nagkibit balikat lang ako. Pero sa totoo lang masaya ako na makita siya ngayon. Simula ng magbakasyon, hindi ko na siya nakikita. Naririnig ko ang pagbukas ng gate nila sa umaga pag papasok siya, pero hindi ako sumisilip sa bintana. Sa hapon naman, pag magkasama kami ni Ashley sa kwarto niya umuuwi ako agad pag alam kong malapit na siya umuwi. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginagawa pero siguro yun na lang ang paraang naisip ko para iiwas ang sarili kong ipakita ang totoong nararamdaman ko. Sa tuwing kasi kasama ko siya, parang hindi ko na alam anong gagawin, natataranta ako at nawawala sa sarili. Parang ngayon. "Kung ganon, lalabas muna ako. May titignan lang ako sa labas. Tawagan mo na lang ako."

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now