Chapter 7: My Human Diary

13 0 0
                                    




To whomever reading this...

    Kung magkakaroon ako ng super powers, gusto kong malaman ang mangyayari sa hinaharap. Dahil kung alam ko lang na nung araw na yun magbabago ang lahat, iiwasan ko kaya? O gaya ng sarili kong hindi alam ang mangyayari, parehong desisyon pa rin ang pipiliin ko?

     Maaga akong nagising dahil sa lakas ng ring ng telepono. Pupungaypungay kong sinagot ito. "Hello?"

"Natasha?" sabi ng babae sa kabilang linya.

"Sino po sila?" inaantok lang ata ako kaya kahit parang nakikilala ko ang boses ng babae sa kabilang linya, hindi ko maisip kung sinong may-ari ng boses nay un.

"Goodmorning! Ang tita Sally mo ito." Ah! Mama nila Ashley at Asher. Nabuhay naman ang inaantok kong diwa. "Tita Sal! Goodmorning po."

"Inaantok ka pa ata? Buti ikaw ang nakasagot. Sumabay ka na samin ni Asher mamaya papasok, ihahatid ko kayong dalawa para hindi kayo ma late." Oo nga pala, kahit gano ako ka-excited sa excursion ngayon araw, mas gugustuhin ko pa ring matulog ng mahaba ngayong Sabado. Sakto naman biglang nag-alarm na din ang orasan. 3:30 am.

"Ay, nakakahiya naman po. Sige po magaayos na po ako. Salamat po!" Masaya naming ibinaba ng mama ni Asher ang telepono at dumiretso na ko sa banyo para maligo. Buti na lang naayos ko na kagabi lahat ng gamit na kailangan ko. Overnight stay lang naman kami at bukas ng tanghali ay uuwi na din kami agad. Bago ako lumabas ng bahay ay naaalala kong kunin ang Polaroid camera na regalo sakin last birthday ko.

Paglabas ko ng bahay ay naghihintay na sila sa kotse.

"Goodmorning po!" bati ko kay Mrs. Gonzales at ngumiti siya ng malaki.

"Oh, Asha! Dun na kayo ni Asher sa likod. Dito mo na lang ilagay sa tabi ko ang gamit mo." Nahihiya man ako, sinunod ko pa rin siya.

"Hi, seven- Goodmorning Asher." Bati ko naman sa kanya pero hindi niya lang ako pinansin. Normally, wala siyang palalampasin na pagkakataon para sabunin ako ng pang-aasar pero ngayong umaga tahimik lang siya. Ni hindi niya ko tinignan kahit saglit at nakinig lang siya ng kanta hanggang sa makarating kami ng school.

"Mag-ingat kayong dalawa dun ha, ikaw Asher bantayan mong mabuti si Natasha." Bilin ni Mrs. Gonzales pagbaba naming ng sasakyan. At kahit wala sa mood si Asher tumango parin naman siya sa mga sinabi ng mama niya kahit sigurado ako wala naman talaga siyang balak sundin iyon. Niyakap siya ni Mrs. Gonzales at dumiretso na siya sa grupo kung saan naghihintay ang iba naming ka-klase. Bumuntong hininga naman si Mrs. Gonzales at hinawakan ako sa kamay. "Ang totoo niyan Natasha, sayo ko talaga ibibilin si Asher. Hindi ko alam kung pano sasabihin ito, pero pagpasensyahan mo na kung minsan masungit ang batang yun. Pag nakilala mo na siyang mabuti, mabuti siyang bata. May bagay lang na bumabagabag sakanya na kahit kami hindi niya pinagsasabihan, kaya kahit itaboy ka pa niya wag mo siyang iiwan. Naiintindihan mo naman ang sinasabi ko hindi ba?" Uhhhh, so ang gusto niya ay maging baby sitter ako ni Asher? Pero kahit hindi ko maintindihan ng lubusan hindi na ko nagtanong pa at ngumiti pa rin ako't sumang-ayon. Kaya siguro tahimik siya ngayon, kung ano man ang pinoproblema niya, hindi naman siguro ganun ka-seryoso diba? Sana.

"Salamat Natasha." Pinisil niya ang kamay ko. Sumama na din ako sa grupo ng class 1. Ilang minuto lang ay kumpleto na kami. Tatlong teacher ang kasama naming sa trip na to kasama na si Sir Santos, pagkatapos mag explain ng rules, mag check ng attendance at mag dasal ay umandar na ang bus na sinasakyan namin.

"Asha, asha!" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Palit tayo ng upuan!" bulong niya para hindi siya margining ng mga teacher. Hindi sana ako papayag pero ng makita kong si Asher ang katabi niya, nag dalawang isip ako. Ayokong lumipat dahil mahihluhin ako pag sa bandang likod, pero gusto ko din lumipat dahil... ano to? Dahil gusto kong katabi si seven one? Sa huli, pumayag na din ako.

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now