Chapter 16- Pool Party and the New Guy

4 0 0
                                    


Why do I find myself in this kind of situation everytime I'm with Ash?

"If you're not with Ash, then it's okay if I show interest on you, right?" Cyrus, siya na ata ang pinaka gwapo sa mga kasamahan ni Ash sa trabaho. Actually hindi ko din alam kung anong pinanggalingan ng sinabi niya eh wala pang isang araw ng nagkakilala kami ineteresado na kamo siya agad sakin? Hay, may mga tao talagang very straight forward. Pahingi ng confidence.

Hindi ko alam kung pano ko siya sasagutin, first time ko lang naka encounter ng taong magsasabi na interesado siya sakin. Deep inside curious ako kung anong nakita niya sakin para sabihin ang ganyang bagay, pero ang instinct ko naman nagsasabi na wag ko na lang siyang patulan.

"Well?" matamis pa rin ang ngiti niya kahit sigurado akong nabababsa niya ang pag-aalinlangan sa mukha ko.

"Hmm, hindi ba parang ang bilis mo naman masyado? Kakakilala pa lang natin kanina."nagkibit-balikat siya.

"It doesn't matter how long you know the person or if you know nothing about them at all. If you like them, you'll like them. We can't control our feelings in any way." May point naman siya. Napangiti na lang ako sa sarili ko.

"I guess, you're right. The same way we can't make ourselves like someone who likes us..." nasa isip ko si Ash habang sinasabi 'yon. Gaya kung paanong nagustuhan niya si Stella, at wala akong pag-asa na mapansin niya. LOL hindi ko mapigilang mapangiti na naman sa mga naiisip ko.

"Asha." Alam kong hindi si Cyrus ang tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko magawang lumingon. Bigla akong kinabahan na para bang nahuli akong may ginagawang krimen. Ayokong makita niyang may kasama akong iba at ma-misinterpret niya ang sitwasyon. Pero wala naman akong ginagawang masama, nag-uusap lang kami at ano naman sakanya kung maykasama at kausap akong iba diba? Pero bakit ganun ang tono niya ng tawagin niya ang pangalan ko?

"Hey, Ash." Bati ni Cyrus pero hindi sumagot si Asher, hinawakan niya ko sa kaliwang braso at hinila palayo kay Cy.

"Halika na." sabi niya, comepletely ignoring Cyrus.

"Wait, Ash. Hindi naman kayo ni Asha diba? I'm just asking."

Huminto si Asher sa paglalakad pero hindi niya nilingon si Cyrus. Ilang segundo lang siya tumigil bago naglakad ulit.

5 hours earlier

Pagkadating naming sa location ay agad kaming nag-ayos ng mga gamit sa assigned room. Siyempre magkakasama ang mga same gender. Pagkatapos ay dumiretso kami sa dining area para mag breakfast. Isang private pool ang pinuntahan naming kaya kami lang ang nandito. Malaki ang place kaya kahit madami kami hindi pa rin kami siksikan. Nagsimula na ang mga activities at hinati kami sa dalawang grupo. Kahit medyo awkward dahil hindi pinagsama-sama yung mga taong magkakakilala, masaya pa rin naman.

"Hi, you're Asha right?" bati ng isa sa mga kasamahan ni Ash sa coffee shop. Base sa itsura niya sa tingin ko ay magkapareho lang kami ng edad. Ngumiti ako sakanya.

"Nice meeting you. I'm Cyrus." Inilahad niya ang kaliwa niyang kamay para makipag-kamay at tinanggap ko naman 'yon.

"Are you Asher's girlfriend?" nagulat ako sa tanong niya at napalingon ako sa iba naming kasama na biglang napatingin saamin dahil sa sinabi niya. Yun iba curious lang, pero yung isa nilang katrabahong babae parang inaabangan kung anong isasagot ko. It's either si Cyrus or si Asher ang gusto niya. Halata kasi sa mata niya.

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now