Diary Entry:
How will you know when you started to like someone? Is it the time when you started to care about their happiness or is it the time you first noticed their pain?
*Alarm clock ringing*
*Time: 4:00am*
Hay, ilang oras pa lang akong nakakapag pahinga Monday na naman. Kahit ang buong maghapon ng lingo ay natulog lang ako, parang kulang pa rin yung pahinga ko. Sino ba kasing nakaisip na mag excursion ng sabado? Maaga pa rin akong gumising dahil balak kong sumabay sa pagpasok nila Ashley at Asher. Pagkatapos ng ngyari nung sabado, kahit asar na asar ako sa prisensya ni seven one,hindi ko pa rin gusting nakikita na malungkot siya. Tsh, kahit ang utak ko nag dedebate kung bakit apektado ako. Ano namang pake ko diba?
Pagbaba ko ay naririnig kong naguusap sila mama. Maaga din pala silang gumising.
"Sinabihan ko na si Greg na magpahinga muna pero ayaw niyang making. Kahit si Asher sinasabihan na siya pero matigas pa rin ang ulo niya." Si Mr. Gonzales? Ano kayang problema?
"Ma, Pa, aalis na po ako."
"Oh, ang aga pa ah. Magingat ka." Sabi ni mama at nag-mano akko bago umalis.
Umupo muna ako sa labas ng bahay nila Asher habang hinihintay ko silang lumabas at nakinig na lang ng kanta. Pero tatlumput minuto na ang nakalipas ay wala pa rin maski isa sakanila ang lumalabas. Naghintay pa ko ng sampung minuyo at ng wala pa ring lumalabas ay nauna na ko sa pagpasok.
"Maaga ba silang pumasok?" tanong ko sa sarili ko.
6:00 ng dumating ako sa schoo. Pero pagpasok ko sa kwarto ay wala si Asher. "Mikaela, wala pa ba si Asher?" tanong ko sa nagiisang tao sa kwarto. "Wala pa, teka, diba lagi kayo sabay pumapasok?" ngumiti na lang ako at umupo na. Bakit kaya absent sila ngayon? Hindi, baka late lang.
"Natasha stop daydreaming and answer problem number 2 on the board. Show your solution." Tawag sakin ng teacher ko sa Math. Pangalawang subject na to ngayong araw pero wala pa rin si Asher,at wala na atang ibang nasa isip ko kundi bakit wala sila. Umayos muna ako ng pagkakaupo dahil sa pagkagulat bago ako tumayo ako at sumagot sa board, kahit gaano kahirap ang math problem na to, masasagot ko pa rin kahit hindi ako makinig sa kanya.
"Good." Comment ng teacher pagkatapos ko magsagot. "Pero tigilan mo na ang pagisip sa taong wala dito." Nagtawanan ang mga ka-klase ko. Isang tao lang naman ang wala ngayong araw. Sumimangot na lang ako at bumalik sa upuan. "So as you can see in problem number 2..." sakto namang bumukas ang pintuan at pumasok ang taong tinutukoy niya.
"Ohhh, tignan mo nga naman, ang lakas ata ng panalangin ni Asha kaya natupad agad!" comment ni taba at nagtawanan lalo ang klase. Nag sorry naman si Asher sa teacher at dumiretso na sa upuan. Hindi ko alam kung bakit masaya ako na pumasok siya. Pero kahit nandito na siya, parang wala dito ang atensyon niya. Nakatulala lang siya sa harap ng libro at kahit normal lang naman na hindi niya ko pansinin, nakikita ko sa mata niya na may bumabagabag sa kanya. Hay, nevermind! Bakit ba iniisip ko pa to?
Lumabas agad ng classroom ang mga ka-klase ko pagka bell ng lunch, maski si Asher wala na. Buti na lang nagbaon ako ngayon ng lunch, ang haba ng pila. Halos puno din sa loob kaya walang maupuan. Hinanap ko na lang si Ziv para may kasabay ako kumain. Hindi ko sila makita malapit sa canteen kaya sinubukan ko kung sa loob sila ng classroom kumakain, at tama nga ako na andun siya, pero hindi din lang siya ang nandun kasama niya si Ashley. Late lang pala sila pumasok, mabuti naman. Babatiin ko n asana sila pero bago pa ko pumasok narinig ko ang pinaguusapan nila.
YOU ARE READING
To my Human Diary
Teen FictionAsha likes on writing on her so-called diary because she has no friend to talk to. Due to her father's type of job, their family are forced to move address frequently resulting to her not having a normal childhood making it hard for her to form frie...