Chapter 6: The arrival of the rival

10 0 0
                                    




"Goodmorning Asha!"

"Goodmorning Ashley!" kung may good man sa morning, mahirap i-confirm yun lalo na kung isang Asher Gonzales ang kasama mo. Simula ng nalaman kong kambal sila, araw-araw na kong hinihila ni Ashley para sa sumabay sa pagpasok sa school. Minsan binabati ko si Asher, pero hindi naman siya sumasagot kaya ngayon sanay na kong i-ignore ang prisensya niya.

"Asha, wala ka bang make-up? Ilang araw ko na napapansin, ang putla mo minsan. Sigurado ako pag nag make-up ka mas gaganda ka." Ilang araw niya na kong kinukulit tungkol sa make-up nay an, wala namna akong interes sa mga ganong bagay.

"Mas lalong gaganda?" ulit ni Asher. Napaka sarcastic ng pagkakasabi niya, ngsimula nanaman siyang mambwiset.

"Mas okay kung wag ka na lang magsalita, wala naman magandang lumalabas sa bibig mo." Irap ko sa kanya kahit nakatalikod naman siya samin ni Ashley. Ngumisi naman yung katabi ko kahit wala namang nakakatawa. Hay, kelan ba ko masasanay sa dalawang to?

"ASHA!!!" Naghihintay na si Ziv sa labas ng gate ng school,ang tagal na din naming hindi nakakapag usap dahil din sa schedule of activity ng section 5 kaya tinawagan ko siya kanina. Kinawayan ko siya at tumakbo palapit sa kanya.

"Oh, Ashley?" nagtatakang tinignan ako ni Ziv ng mapansin na kasabay ko pumaosk si Ashley.

"Hi, Ziv!" nahihiyang bati ni Ashley.

"Ah, hindi ko naman na kayo ipakilala diba? Section 5?"

"Ano ka ba Asha, kailangan mo pa rin ako ipakilala ng maayos." Pabebeng bulong sakin ni Ashley. Tsh,sa tuiwng ganyan ang tono niya kinikilabutan ako.

"Ehem, ahh Ziv siya nga pala si Ashley Gonzales,for sure isa siya sa pinaka maganda sa section niyo." Pairap irap ako habang sinasabi ko yun. Tumawa naman ng pagka hinhin hinhin si Ashley at inilahad ang mga kamay.

"Nice to meet you." Nakipag kamay naman si Ziv. Paiiling iling naman si Asher sa nangyayari. Sa unang pagkakataon nagkaintindihan kaming dalawa kaya humingi ako ng tulong sa kanya. "Tulungan mo ko!" sabi ko na walang lumalabas na tunog. Sinagot niya din naman ako "Bahala ka diyan!" ang basa ko sa bibig niya at nauna na pumasok. Kairita talaga yung taong yun.

Pagpasok ko sa classroom nagbabasa na ng libro si Asher at kahit umupo na ko sa tabi niya wala man lang siyang pakialam. Sinipa ko ang sapatos niya para magpapansin pero ni hindi man lang siya tumingin. Sinipa ko ulit ang paa niya at ng hindi pa rin siya tumingin kinuha ko na yung librong binabasa niya.

Tinignan ko siya ng masama bago dinilaan. Umiling iling lang siya at inagaw pabalik ung libro na kinuha ko.

"Eyyyy!!! Tignan mo nga naman, ang aga aga naman maging sweet ng dalawang to." Boss na boss naman kung maglakad si taba ng classroom, na hanggang ngayon hindi niya pa rin maalala kung saan niya ko nakita.

"So, ano? Kayo na talaga?" tumigila siya sa harap ko at yumuko. Pilit ko namang nilalayo ang tingin ko sa kanya. As much as possible ayokong maalala niya na ako yung tumawag sa kanya ng taba.

"Hayyy, hanggang ngayon iniisip ko kung san kita nakita dati." Pinisil pisil pa niya ang baba niya habang nagiisip.

"Hindi mo na naaalala nung summer? Bakit mo nga ba siya hinahabol ng araw na yun?" biglang sabat ni Asher. Putcha, nalaglag ata ang kaluluwa ko sa sinabi niya pinagpawisan ako ng malamig.

"Gonzales!" nagpipigil lang talaga ako pero gusto ko na siyang ibaon sa lupa!

"Ibig mong sabihin? IKAW YUN?!" bigla niya kong hinablot sa magkabilang balikat.

"Asan na ung kaibigan mo? Teka, hindi na siya mahalaga. Ikaw! Lagot ka talaga sakin ngayon!" nagdadatingan na ang iba naming ka-classmate at kahit hindi nila maintindihan ang nangyayari, halata namang handa nilang bigwasan tong si taba kung may gawin man siyang hindi maganda. At ako? Ano bang dapat kong maramdaman? Mas naiinis ako kay Asher dahil sa tuwing binubuka niya ang bibig niya walang magandang lumalabas.

To my Human DiaryWhere stories live. Discover now