Sabi nila, "If you fail to plan, you plan to fail."Never in my life did I think that this day would come... I literally plan how to fail... just to get someone's attention.
"First of all, kahit anong mangyari hindi dapat nila malaman na magaling ka sa mga subject. Iwasan mo mag recite at makipag participate sa klase. Para pag humingi tayo ng tulong kay Ash, tutulungan ka niya agad." Paalala sakin ni Ashley habang papasok kami sa eskwelahan. Sinadya naming magpa late ngayong umaga at hindi sumabay kay Asher para lang ma-discuss yung mga plano niya.
Kumamot ako sa ulo. "Kailangan ba talaga yan?"
"Siyempre, pano siya maniniwala sayo kung magaling ka na agad sa lahat? Kaya mo yan!"
"Ashley, baka nakakalimutan mo nasa 1st section ako, dun pa lang mahihirapan siya maniwala na hindi ako nag-eexcel sa klase."
"Girl, basta! Kahit gano ka pa kagaling sa mataniya ngayon dapat nating baguhin yun."
*Sibika Class*
Pagpasok sa school sampung minute na kong late pero wala pa rin ang teacher kaya hindi ako nagka-problema. Ang problema lang na ankita ko ay pagpasok ko nakadikit na si Stella kay Asher. Sinong may sabing pwede siyang umupo sa upuan ko?!
"Ehem." Alam ko namang nakikita niya kong nakatayo sa harap niya pero hindi pa rin siya tumatayo sa upuan ko.
"Asha is it okay-" alam ko na kung anong sasabihin niya kaya uunahan ko na siya agad.
"Malabo mata ko hindi ako makikipag palit ng upuan." Hinila ko siya patayo at saka ako umupo. Nararamdaman ko naman ang titig ni Asher sakin pero hindi ko siya pinansin.
"Classmates, absent daw si Mam Eusebio, may free time tayo ngayong umaga." Announce ng class president.
"Ash, gusto mo sa library na lang tayo?" tanong ni Stella kay Asher na nakatayo pa rin pala sa harap ko. Lahat talaga gagawin mo para lang ma-solo siya ano? Grrr!
"Mauna ka na susunod ako." Sagot ni Asher at nauna na si Stella. "Bakit late ka pumasok? Hindi ko kayo nakita ni Ashley kanina akala ko nauna na kayo." tanong niya. So ngayon may pake ka sakin? Hindi ko siya sinagot, hindi ko din siya tinignan. Bahala ka sa buhay mo. Yumuko na lang ako at nagpanggap na natutulog.
*PE Class*
"Buti na lang napunta ka sa team namin, atleast may magaling mag volleyball satin. Halos lahat ng marunong mag volleyball nasa kabilang grupo." Bulong sakin ni Michaela. Kailngan ko din ba i-fail ang paglalaro ng volleyball kagaya ng sabi ni Ashley? Hindi namna siguro, wala naman kinalaman to sa exam diba?
"Okay, team 2 sa kabilang side. Asher, Kim, Jazz, Stella, Johann, Ethan!" sigaw ng PE teacher namin. Hanggang dito ba naman magka-team pa rin sila? Nakakinis. Nag-unat ako ng katawan. Aray, tumunog ata yung mga buto ko ah? Game, hindi ako dapat matalo sa larong to. Kahit sa laro lang na to dapat matalo ko si Stella.
Nang magsimula ang laro halos ako lang nagre-receive ng bola ng maayos kahit anim naman kaming naglalaro. Konti lang din ang marunong mag serve sa mga ka-team ko pero kahit ganun lumamang pa rin kami ng isang score sa kanila sa first half ng laban.
"Change court!"
Ako ang nag serve ng bola. Pagrecieve nila ng bola hindi agad nila ito naibalik samin kaya hinabol ito ni Stella pero pag-receive niya ay nadulas siya at bumagsak kay Asher. Nagulat ako sa nangyari at hindi ko mailayo ang tingin sa kanila kaya hindi ko din namalayan na naibato pa pala ni Kim pabalik samin yung bola at tinamaan ako sa muka. OMG Nabali ata ang ilong ko dun ah. Bumagsak ako sa lupa at narinig ko na pumito ang teacher naming para sag time-out.
YOU ARE READING
To my Human Diary
Genç KurguAsha likes on writing on her so-called diary because she has no friend to talk to. Due to her father's type of job, their family are forced to move address frequently resulting to her not having a normal childhood making it hard for her to form frie...