Akala ko magkakatotoo yung sinabi sakin ni Ashley na hindi na ko kakausapin ni Ash. Well, hindi ko naman ineexpect na magagalit siya sakin dahil wala namang dahilan, pero deep inside hiniling kong sana ma-bother siya dahil may lalaking nagkakagusto sakin. Well, mas may pag-asa pa kong mapansin ni Cyrus kesa sa kanya.
Anyways, unang araw ng pasukan ngayon. As usual sabay-sabay kaming naglalakad papasok. Sumabay na din si Ziv samin pumasok ngayon at simula kanina, wala na siyang tigil sa pagku-kwento samin ng bakasyon niya.
"Teka, kanina pa ko kwento ng kwento wala naman kayong kinukwento sakin." Lingon saming dalawa ni Asher, sabay silang naglalakad ni Ashley sa unahan naming.
"Wala naman masyadong nangyari samin nung bakasyon. Lagi lang kami magkasama ni Asha sa hapon tapos si Ash naman nag part- time job sa isang coffee shop." Sagot ni Ashley.
"Wow, buti ka pa nakapag ipon ng pera ngayong bakasyon. Kamusta mahirap ba?" tanong niya kay Ash. Nagkibit balikat lang naman siya bilang sagot. Halos sabay kaming napa-irap ni Ashley dahil hindi pa rin siya nagbabago.
"Ehem. Si Asha nga ang haba ng hair, may napaka poging lalake na nagkagusto sa kanya nung bakasyon." Pang-aasar ni Ashley sakin. Inambahan ko naman siya na parang sasapakin. Tumawa lang siya.
"Talaga? Sino? Pano mo nakilala?" sunod-sunod na tanong ni Ziv.
"Katrabaho ni Ash sa shop. Sobrang gwapo niya papasa nga siyang artista!" Ashley again and her mouth. Sinipa ko siya para manahimik pero nakaiwas siya. Nahagip ng tingin ko si Asher na wala namang reaksyon. Ano pa bang inaasahan ko?
"Alam mo ba Ziv, yun ata yung unang lalakeng nakayakap sa kanya! HAHAHA! Yung mukha niya grabe!"
"Tumigil ka na nga!!!" tatakpan ko sana ang bibig niya pero tumakbo lang siya palayo sakin at diretso papasok sa gate ng school. Grrr kahit kelan talaga tong babaeng to!
-First Subject-
Nasa kalagitnaan na ng klase ng biglang may kumatok sa kwarto. Binuksan ito ng adviser namin at sa di inaasahang pangyayari, pumasok ang lalaking kanina lang ay pinag-uusapan naming- si Cyrus! Napalingon ako agad kay Ash pero parang ako lang naman ang nagulat. Di kaya alam niya na na dito siya papasok ngayong taon?
"Okay, class. I want you to meet your new classmate." Hindi ko alam pero nagpalakpakan agad sila kahit hindi pa naman siya nagsasalita. Paglingon ko puro mga babae pala. Hays, mga babae nga naman nakakita lang ng gwapo!
"Hi, I'm Cyrus Lopez. Nice meeting all of you." Nagtilian yung mga babae habang umaangal naman yung ibang lalake. Hindi ko alam kung saan ako mas matatawa, dahil ba feeling threatened nanaman sila dahil may itura si Cyrus? LOL.
"May bago nanaman silang pagkakaguluhan. Dahil hindi nila nakuha si Asher siya naman ngayon ang pepestehin ng mga babaeng to." Narinig kong nagbubulungan sila Mark taba sa likuran ko. Muntik nga kong matawa sa sinabi niya, hindi naman ako makaka-angal dahil tama naman ang sinabi niya.
"Hi Asha! Nandito ka din pala, buti may kakilala na ko sa section na to." Nagulat na lang ako na nasa harap ko na pala si Cyrus. Napalunok ako ng laway, errrrrrrrr!!! Pagchichismisan nanaman ba ko ng mga babae dahil dito? Ngumiti na lang ako kay Cyrus at dumiretso na siya sa bakanteng upuan sa bandang dulo. Hay, andyan din naman si Ash, bat di na lang siya ang kausapin niya?
"Ooppssss, hindi pa nga nagsisimula mukhang wala nanamang laban yung iba kay Asha." Sinadya naman ni Mark na lakasan ang boses niya kaya narinig ng lahat sa klase. Nagtwanan ang mga lalake at nagbulungan naman yung ibang babae. Nilingon ko si Mark na nakaupo sa likod ko at tinitigan ko siya ng masama. Kung pwede ko lang siyang ihagis palabas gamit ang tingin baka kanina pa siya lumagapak sa ground floor ng building na to.
Lunch Time
"Bakit kasi Math pa yung subject bago mag lunch? Di pa man nakakakin eh matutuyo na yung utak mo kakagamit." angal nanaman ni Mark sa likod ko pagkatapos mag bell para sa lunch.
"Ang hindi ko maintindihan, pano ka nakapasok sa first section." bulong ko. Nakalimutan ko malakas nga pala pandinig niya.
"Anong sinabi mo?! Ang yabang mo ah wag mong sabihing honor student ka, papatulan kita!" sigaw ni Mark. Nagirapan lang yung ibang babae kasama na ko dahil lahat naman kami nagtataka bakit may isang katulad niya sa section namin.
"Chill, bro. She's a girl." Sabat ni Cyrus na pumagitna saming dalawa. Nanahimik na lang si Mark, mukhang takot sa bagong salta kahit na mas malaki pa ang katawan niya dito.
"Anong bro, ewan ko sayo." Mahina niyang kumento at nauna nang lumabas.
"Asha, can I join you for lunch?" nakangiting tanong ni Cyrus.
"Ehem" parinig ni Asher. Napalingon ako sa kanya, bumilis nanaman ang tubok ng puso ko. Pakiramdam ko nanaman may ginagawa akong krimen. Nakaharang kami sa dadaanan niya. Umurong ako para makadaan siya pero bago pa siya makadaan, hinawakan ako ni Cyrus sa kanang kamay at hinila palabas ng kwarto.
Dumiretso kami sa kantina buti na lang nakahanap kami agad ng mauupuan.
"It's my treat. Umupo ka lang dito, okay?" aangal sana ako pero bago pa ko makapag salita umalis na agad siya at pumila para bumili ng pagkain. Sa di-kalayuan, nakita ko si Ashley na kumakaway sakin. Nakaupo na silang tatlo nila Ziv at Ash at nagsisimula nang kumain. Sumenyas ako sa kanya na may kasama ako at laking gulat niya ng Makita kung sino ang tinuturo ko. Napatakip pa siya ng bibig habang nanlalaki ang mga mata. Sumenyas ulit siya na kakain muna siya at mag-usap kami pagkatapos kaya tumango tango ako.
Ilang minuto ang lumipas at nakabalik na si Cyrus bitbit ang tray ng pagkain. Nahihiya akong ngumiti sa kanya pagkaupo niya. "S-salamat ha. Hindi mo naman ako kailangang ilibre." Sabi ko habang inaabot niya sakin ang pagkain.
"You remember what I said that day right?" oo naman maaari ko bang makalimutan? Jusko, someone help me!
"I still like you, and this is my way of showing it." Pakiramdam ko, ang unang kukurap sa starring game na to ang matatalo. Pero ano ba ang reaksyon na pwede kong gawin sa mga ganitong pagkakataon?
"Kumain na tayo?" yun na lang ang naisip kong sabihin.
Habang kumakain ay napalingon ulit ako sa direksyon nila Ashley, sa tabi niya nakaupo si Stella, katapat si Ash. Kung ano man ang pinaguusapan nilang apat hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang, naiinggit akong makitang tumatawa si Asher kasama sila nang wala ako. Mga traydor!
Dismissal
"Soooooooooooooo, ipagpapalit mo na talaga si Ash kay Cyrus?" nang-iintirgang tanong ni Ashley.
"Tigilan mo nga ko Ashley." Pagod na sagot ko sakanya. Oo pagod na ko. Sa lahat. Sa mga bagay na hindi ko alam pano i-hahandle, sa mga nangyayaring hindi ko inaasahan, at sa mga bagay na hindi ko kayang pigilan.
"Basta ako na nagsasabi sayo, kung wala kang gusto kay Cyrus, mas better na layuan mo na lang siya. Gusto mo bang palitan ka na lagi ni Stella sa table namin"
"Wala kasi kayong sense of loyalty, nawala lang ako kanina pinaupo niyo na si Stella sa upuan ko." Nagkibit-balikat lang siya. "Alam mo, ewan ko sinyong dalawa ni Ash. Matalino naman kayo pareho pero sa mga ganitong simpleng bagay hindi kayo magkaintindihan." Sabi ni Ashley habang umiiling iling. Napakunot ako ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Wala, wala. Hayan na si Ash, tara na." tumakbo siya palapit sa kakambal niya at lumingkis sa kaliwang balikat nito. Mas mukha pa silang magkaisantahan kesa sa magkapatid. Dire-diretso lang sa paglalakad si Ash na at walang ka-rea-reaksyon. Ni hindi man lang niya ko nillingon. Nevermind, kailangan ko pang isiping mabuti pano ko lalayuan si Cyrus.
Diary Entry:
Gusto kita pero hindi ko sasabihin.
YOU ARE READING
To my Human Diary
Novela JuvenilAsha likes on writing on her so-called diary because she has no friend to talk to. Due to her father's type of job, their family are forced to move address frequently resulting to her not having a normal childhood making it hard for her to form frie...